Chapter 55

61.2K 3.3K 1.7K
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas mula nang magtago ako sa loob ng kwarto. Yeah, right! Ang isang Carnelia Manelli na walang inuurungan ay hindi lumabas ng mansyon sa loob ng isang linggo para magpahinga.





Napag-isip-isip ko kasi na kapag nagpatuloy pa ang mga sunod-sunod kong pagkakaroon ng problema ay baka bigla na lang ako mamatay sa sakit ng ulo. Marami pa namang isyu sa Earth na namamatay na lang bigla dahil sa pagod at stress.





Like duh? Ayokong mamatay ulit at baka sa ibang lugar naman ako mapadpad. Tsk! Kung dati hindi ako naniniwala sa mga fantasy chuchu na yan, ngayon ay iba na ang sitwasyon! Dalhin ka ba naman sa mundong 'di mo kinabibilangan, tignan ko lang kung hindi ka pa maniwala.





Well, sa loob ng isang linggong pananatili ko sa mansyon ay wala akong ibang ginawa kung hindi ang makipag-away sa bruhang si Mitchel. Paano ba naman araw-araw siyang na kumakatok sa kwarto ko para lang tanungin kung may susuotin na ba akong gown sa birthday banquet na magaganap sa McKinney's Palace.





Tsk! As if namang kailangan ko ng tulong niya no! Baka nakakalimutan niya na siya ang nagbibigay ng mga baduy na damit kay Heavenhell. Kaya bakit ko siya pagkakatiwalaan? Atsaka sa mukha non, mukha siyang may masamang balak palagi.





Tutal sinabihan ko na rin si Chiara na padalhan ako ng gown na agad naman niyang sinunod. Excited pa nga siya dahil kapag sinuot ko ang gown na galing sa ChiaraDi's Boutique ay siguradong mababawi namin ang mga ginastos sa advertising fee para sa pagpro-promote ng store.





By the way, napagdesisyunan namin ni Chiara na "Chiara'Di" na lang ang brand name ng mga damit. Sa umpisa ay ayaw niya pang pumayag dahil gusto niya na ipangalan sa'kin ang store dahil mas marami raw akong naambag sa business namin kaysa sa kaniya.





Syempre agad ko siyang tinanggihan dahil kapag pumayag ako sa gusto niya, edi nabuking naman ako ng lahat! Kailangan isekreto ko lang na isa ako sa may-ari ng store at sa iba pang business na binigyan ko ng investments. Hehe!





Tulad nga ng sabi ko nitong mga nakaraang araw ay isa-isa ko na nasimulan ang aking mga plano, kaya siguradong bago dumating si Lilian ay kaya ko na ang sarili ko. I mean, hindi ko na kailangang umasa pa sa kayamanan ng mga Caventry.





Bukod sa pananahimik ko ng isang linggo ay tinapos ko na rin ang kontrata tungkol doon sa five percent na shares ko sa bulletproof vest. Nakausap ko na rin ang manager ng training ground at pinalipat ng kwarto si Trider, dahil kung hindi ay mawawalan siya ng trabaho.





Nakakagulat nga na kahit nakarating na kay Lord Caventry at kay Henry ang mga pinaggagawa ko ay hindi pa rin nila ako kinakausap tungkol dito. Well, hindi naman sa nagrereklamo ako pero kasi ang boring ng buong linggo ko dahil dito. Alam mo yung may ini-expect kang giyera pero walang dumating na kalaban kahit isa? Tsk!





"Milady, gising na ba kayo? Huwag mong kalimutan na ngayon gaganapin ang birthday banquet."





Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses ni Pira sa labas. Sa buong pananatili ko sa kwarto ay walang ibang ginawa si Pira kundi tanungin ako kung bakit hindi ako lumalabas. Pero syempre hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoong dahilan. Alangan namang sabihin ko sa kaniya na nagtatago ako sa mga male characters ng nobela diba? Geez!





"I'm awake."





Tumayo ako sa pagkakahiga atsaka na gumalaw-galaw bilang simpleng exercise. Nandito kasi si Pira kaya hindi ako pwedeng mag-exercielse na parang barako sa harap niya. Aba'y baka bigla siyang himatayin kapag nakita niya ang amo niyang mahina kuno na nagpu-push up.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now