Chapter 61

61.1K 3.2K 2.5K
                                    


Napatigil ako sa paggalaw nang maramdaman na may kamay na nagtakip sa bibig ko. Sa lambot at hulma nito ay malalaman mo kaagad na babae siya. Hmm... Sa tingin ko ay isa siya sa mga taong nakatayo sa paligid ng buong lugar na pawang assassin kung kumilos.






'Well, they are literally an assassin which is so skilled at hiding their presence. Too bad that I knew about them from the start...'






"Don't be scared, madam." bulong nito sa'kin. Tsk! Who says I'm scared?





Tumango na lang ako at hindi na gumalaw pa. Maya-maya ay biglang ngang may lumitaw na lalaking nakasuot ng all black outfit. Yung tipong outfit ng mga kriminal sa Earth! Ganon!






Nagningning ang mga mata ko nang makita na may hawak itong espada. Sa itsura nito ay handang-handa na niya kaming hatiin sa dalawa. Is this a live action?! Omo! I'm excited!






"Heh? Hindi ko alam na may tinatago pala kayong napakagandang babae dito." Nakangising sabi ng lalaki na nakasuot ng mask na hanggang ilong lang ang nakatago. May balak yatang umattend 'tong masquerade party at may paganiyan pa, mamamatay din naman. Aiya!






'Pero ano raw sabi niya? Napakagandang babae ba kamo? Ehem! Ehem! Ayoko nang magyabang at baka lalong humangin ngayong gabi. Hehe!'






Naglakad paharap ang babae sa likod ko at hinarang ang kamay sa kinatatayuan ko na pawang pinapahiwatig niya na 'I'm off limits and not for sale!'. Really?






"Bakit naman may magsasabi sa'yo? Hindi ka naman importante." maangas na sabi ng babae na muntik ko nang kinaubo. This chick is savage!







Nakita ko naman na nainis ang lalaki sa sinabi niya kaya parang tanga siyang sumugod sa'min. Paano ko nasabing tanga siya? Simple lang! Kapag pinairal mo ang emosyon sa ganitong labanan ay marami tayong hindi napapansin. He's being careless! Hindi niya nga napansin na naglabas ng baril itong si babae at mabilis na tinutok sa kaniya.






*Bang!*






Bumagsak ang walang buhay na katawan na lalaki sa sahig habang dilat ang mga mata. May bala lang naman na nakabaon sa noo niya na hindi niya inaasahan. Aiya! Nagkalat ang dugo sa paligid at hanggang sa pwesto ko ay naaamoy ko na rin ang masangsang na amoy ng dugo.






"Weak!" Sabi ng babae sa harap ko habang pinupunasan ang baril niya. Nang humarap siya sa'kin ay doon ko lang nakita ang buong itsura nito.






May maiksi itong buhok hanggang sa balikat, tan ang kulay ng balat niya, black na mata at normal lang ang mukha nito. Masasabi kong sinuwerte si Pira pagdating sa mukha. Hehe!






"Pasensya na sa nangyari, madam. Natakot ko ba kayo?" nakangiti nitong tanong. Pasimple kong tinago ang pagtataka dahil sa narinig. Bakit niya ba ako tinatawag na madam, aber? This girl is weird!






"I'm fine." maikli kong sabi.






"Mabuti naman kung ganon. Ginawa namin ang lahat para matapos ang trabaho ng tahimik. Hindi namin inaasahan na malakas pala ang pakiramdam niyo, madam." seryoso pa nitong dagdag habang tumatango-tango pa.






"Marahil ay hindi lang ako sanay na matulog sa hindi ko kwarto." palusot ko na lang na agad niyang sinang-ayunan.






"I see."






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon