Chapter 25

53K 2.7K 392
                                    


~ At Diaz Mansion, Vile's City


Nakaluhod ang anim na lalaki habang takot na nakayuko. Alam kasi nila na sa oras na ito ay nasa panganib ang kanilang buhay ganoong hindi nila natapos ang misyon.


"B--boss..." Hindi na natapos ang dapat sabihin ng isa sa kanila nang sipain siya ng kaniyang amo. Galit itong tumingin sa anim na lalaki na may malalaking katawan.


"Stupid! Sa dami niyo hindi niyo manlang nagawang saktan ang babaeng 'yon?!"


 "B--boss, masyado siyang ma--mabilis magpatakbo ng kotse kaya hindi namin siya naabutan..." utal-utal na sagot nito. Kahit silang anim ay hindi makapaniwala na kaya silang takasan ng babaeng target nila, kaya hindi sila nagtataka na walang naniniwala sa kanilang sinabi.


 "Excuses! Sinong maniniwala sa inyo? Yung babaeng 'yon na walang silbi sa Caventry ay natakasan kayo? Ginagawa niyo ba 'kong tanga hah?!" Galit nitong kinuha ang kaniyang baril at walang awa na binaril ang anim na lalaki.


 "Mr. Diaz, what's your order?" tanong ng kanang kamay nito.


Seryoso itong umupo sa kaniyang upuan at malamig na tinignan ang mga duguang katawan sa harapan niya. Ngayon ay iniisip nito kung ano ang susunod na hakbang na kaniyang gagawin ganoong nakatakas ang target.


"Gawin niyo ang lahat para makuha ang anak ng Caventry at ayoko na papalpak ulit kayo!" galit nitong utos sa mga natitira niyang tauhan. Nang mag-alisan sila ay tanging si Diaz at ang butler na kanang kamay nito ang natitira sa loob ng opisina.


 "Mr. Diaz, hindi ba kayo nagtataka kung paano natakasan ni Miss Heavenhell ang mga tauhan natin? Paano kung nagsasabi sila ng totoo na sadyang mabilis lang talagang siyang magpatakbo ng kotse?" nagdududang tanong ng butler nito.


"Imposible! Kilala mo naman kung anong meron sa anak ng mga Caventry diba? Sa tingin mo ba may silbi ang batang 'yon?!"


"Ta--tama kayo, sir! Napaka-imposible ngang isipin ang bagay na 'yon." nag-aalinlangan nitong sabi.


 Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto nang biglang pumasok ang anak nito na pawang nagmamadali. Bakas sa mukha ng binatang lalaki ang gulat sa nangyayari kaya agad siyang pumasok ng opisina ng daddy niya. Hawak-hawak nito ang kaniyang laptop na agad niyang nilapag sa lamesa.


"What's happening?!" tanong ni Mr. Diaz sa anak.


"D--dad, look at this!" sigaw nito at tinuro ang natanggap nitong email. Naguguluhan siyang tinignan ng ama pero agad ding nilingon ang message na nasa laptop.


"W--what is this?! H--how is this possible?!" Gulat na gulat nitong tanong habang nakatitig sa mga records ng secret dealings ng buong pamilya. Nang makita nito ang note ay halos hindi siya makahinga sa nabasa.


 "Twe---twenty million?! Saan tayo kukuha ng ganito kalaking pera?!" hindi makapaniwala nitong sabi.


 "D--dad, did you offend someone lately? How did they know how to hack our computer?" kinakabahan na tanong ng anak nito.


 Alam ng lahat na ang mga private data ng bawat pamilya sa buong Atlante ay naka-record sa Government Sect o 'di kaya sa Military Sect, kaya imposible na may makakaalam ng lahat maliban na lang kung nasa mataas na posisyon ang gumawa.


Ang mas nakakatakot pa rito, maging ang mga illegal transactions ng pamilya Diaz na nasa computer mismo nila naka-save ay nakikita mismo nila sa kanilang harapan at ginagamit bilang pang-blackmail sa kanila. Sinong hindi kakabahan kung pati ang ibang pamilya na ka-transaction nila ay may record ang taong may gawa nito.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon