Chapter 9

52.4K 3K 179
                                    


 
"Sister-in-law, where are you going?"



Oh gosh! Anong kamalasan na naman 'to?! What the hell is he doing here? Hindi ba pwedeng bigyan naman nila ako ng oras para magpahinga at enjoyin ang panibagong buhay na 'to? Bwiset!



Tinignan ko na lang siya at pinagmasdan ang itsura niya. Blonde ang buhok nito, matangkad, maputi, may magandang katawan, at sobra ang gwapo. Sa itsura niya ngayon, mukhang siyang playboy na CEO sa mga nababasa kong comics. In fairness! May maipagmamalaki ang kumag, kung hindi nga lang may sayad.



Nakasuot siya ng black tuxedo na mukhang galing pa yata sa trabaho. Don't tell me he comes here to mess up with me?!



"Sister-in-law, are you okay?" nakangiti nitong tanong sa mismong pagmumukha ko. Yeah! Talagang nilapit pa niya ang mukha niya sa'kin na dinaig pa ako sa sobrang kinis.




"I'm fine, Young master Clive." Walang gana kong sagot sa kaniya, dahil ngayon pa lang ay nararamdaman kong may mangyayari na namang kakaiba.



"Hmmp! Young master? Not brother-in-law? You're making me sad..." kunwaring malungkot niyang sabi habang nakahawak pa sa dibdib niya. 



The heck?! He's crazy! Kung hindi lang ako nagpapanggap na si Heavenhell ngayon ay baka nasapak ko na siya... Pero syempre hindi ko 'yon kayang gawin dahil ayoko pang mamatay!



"Ha.ha.ha... I–I'm just kidding, brother-in-law." pilit ngiti kong sabi dito. "So, why are you here?" pag-iiba ko ng usapan. Bakit nga ba nandito 'tong baliw na kapatid ng male lead? Sa pagkakatanda ko ay hindi naman masyadong close si Heavenhell sa kumag na 'to. So why? Why now?!




"Oh! You don't miss me at all? I'm starting to doubt that we're close."



Hah! Because we're really not! This crazy jerk! *sigh* Kalma self! Pagpasensyahan mo na, baliw lang 'yan...



"Of course, how could I not miss you? I'm glad that you visit us here." 'Get out of my face, you jerk!'




"I came here because of the engagement contract, sister-in-law. I hope you didn't forget hahaha!" Tinignan ko lang siya na parang baliw na tumatawa mag-isa. Anong ibig niyang sabihin na nandito siya para sa engagement contract? May hindi ba ako naaalala?




"What about the contract?" diretso kong tanong. Nakita ko siyang natigilan at tumingin sa'kin na pawang nababaliw. Anong drugs kaya ang natira neto?


"P–pfft! You never failed to amaze me, sister-in-law. Having amnesia is your plan now huh?" 'What the heck is wrong with this kid?' Anong plano ang tinutukoy niya?!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now