Chapter 58

60.6K 3.4K 2.6K
                                    


Nanatili akong nakatingin sa kaniya at iniisip ang mangyayari kung sasama ako sa kanila. Hmm... Pero hindi naman siguro kung tatalon ako papunta sa kaniya diba?


"Ms. Caventry, what are you waiting for?"


Napatigil ako sa pag-iisip nang makita ang itsura ni Vance na nakakunot na ang noo ngayon. Halata sa mukha niya na naiinip na siya at balak pa yata akong iwanan. Aish! I have no choice but to jump!


Binuksan ko ang pinto ng kotse at bahagyang inilapit pa ng konti ang sasakyan sa kanila para mas madali akong makakalipat. Nang makita ko na sakto na ang agwat ng kotse namin ay walang pagdadalawang-isip akong tumalon papunta kay Vance.


Agad niya akong hinila at dahil sa impact ng pagtalon ko ay sabay kaming bumagsak sa upuan. Good thing at siya ang nasa ilalim kaya hindi ako masiyadong nasaktan. Hehe!


Actually, nakakapagtaka talaga na bigla na lang sumulpot 'tong character na 'to at hindi ko ini-expect na sa dami ng pwedeng magligtas sa'kin ay si Vance pa. Kahit na bias ko siya noon sa puso ni Lilian ay ayoko pa rin na mapalapit sa character niyang mapanakit. Yeah, nakakapanakit ang pagiging honest ng bibig niya. Geez!


"Get off me, Ms. Caventry."


Tinignan ko lang si Vance na nakahiga pa rin pala sa upuan nang dahil sa nakapatong pa rin ako sa kaniya. Binalanse ko ang sarili at agad na umalis sa ibabaw niya. Nang pareho na kaming nakaupo ay narinig kong inutusan ang isa sa mga tauhan niya.


"Take care of the car." Pagkatapos sabihin yan ni Vance ay wala pa sa limang segundo ay agad na pinasabog ng tauhan niya ang kotseng sinasakyan ko kanina.


Aiya! Nakahinga ako ng maluwag dahil iniwan ko doon ang baril na ginamit ko kanina sa mga kalaban para walang silang evidensya na makalap laban sa'kin. Kampante naman ako na hindi na makakapagsalita ang mga assassin kanina dahil siguradong pinatay na silang lahat ng ilan sa tauhan ng Eckheart family.


Kung sakali man na may makuha silang video sa nangyari ngayon ay sigurado din ako na putol ang scene na makikita nila. Hehe! Let's just wait then...


"Are you alright, Ms. Caventry?" nakapoker-face na tanong ni Vance sa tabi ko.


"Yeah. Thanks for helping me, Young master Eckheart." nakangiti kong pasasalamat dito.


Nang tumahimik na siya ay mas minabuti ko na lang na ipikit ang mga mata ko bago pa siya magtanong sa buong nangyari. Masiyado nang napagod ang utak ko ngayon kaya bukas na lang siya magtanong at ako'y magpapahinga muna. Geez!


THIRD PERSON'S POV


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon