Chapter 96

148K 5.3K 11.5K
                                    

Napatigil ako sa narinig. Hindi ko alam kung nananaginip lang ba ako, o talagang sinabi niya ang mga salitang hindi ko kailanma'y nabasa sa nobela?





"Aiya? Carnelia, pakisampal ang sarili at baka nga'y nabingi ka lang saglit. Madalas ka pa namang lutang!"





Pasimple kong sinampal ang pisngi ko at sa kasamaang palad ay hindi naman ako nananaginip. My gosh! Siguro nga'y namali lang nang pagkabanggit itong male lead at kung ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig. Napatango ako sa sarili bago isinawalang bahala ang kabaliwan niya. Hehe!





"You miss me?" Tanong ko sa kaniya habang nagbabakasakaling nagkamali lang siya. Pero nang marinig ang mahina nitong pagsang-ayon ay doon na lumabas ang ngiting kanina ko pa pinipigilan.





"Hmm..."





Napaayos ako ng tayo dahil sa malamig nitong boses. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala pero talagang napapangiti na lang ako ngayon.





Kasi naman no? First time kong hindi mag-assume ng mga bagay-bagay, tapos sa huli ay mapapahiya dahil mali ang mga naisip ko.





"Hehe! At least, hindi agad ako nag-assume ngayon diba? Isa itong malaking achievement, Carnelia! Hahaha!"





Pinigilan ko ang matawa dahil baka masabihan pa niya ako na nababaliw na naman. Atsaka, kailangan kong makasiguro kung talaga bang totoo yung sinabi niya. At kung totoo man, saan niya naman natutunan ang salitang 'yan, aber?





"Really?" Tanong ko sa kaniya habang pinapakita na naghihinala ako.





Mamaya ay isa pala ang lalaking 'to sa mga paasa na male lead tapos sa huli ay gusto lang manakit. Tsk! Ang wirdo ng mga hobby nila kung ganon.





Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang maikling sagot ng animal. "Hmm..."





"As in, really?" Tanong ko na lang ulit na parang isa ako sa mga babaeng hindi mauuto agad. P–pfft! Kalokohan mo, Carnelia!





"Yeah, silly." Sagot niya ulit na parang konti na lang ay masasapak niya na ako.





P–pfft! Galit agad? Kasalanan ko bang wala siyang emosyon kaya hindi ako naniniwala? At least, alam niya na ngayon kung anong pakiramdam kapag hindi siya naniniwala sa mga sinasabi ko, diba?





"Do you even know what that means, young master?" Tanong ko sa kaniya.





Hindi ko kasi alam kung anong trip niya at bigla-bigla na lang tatawag para lang sabihin na namimiss niya ako.





Kung si Clive ang tatawag sa'kin para sabihin 'yan ay malaki pa ang tsansa na maniwala ako. Pero siya? Si Vile na wala akong masabi sa sobrang kasamaan ay sasabihin 'yang mga nakakakilabot na salitang 'yan? Imposible!





"Yeah," dinig kong sabi niya. Aiya? Seryoso ba yan?





"Where did you learn that from?" Tanong ko habang nakatingin sa madilim na kalangitan.





Inayos ko ang pagkakahawak sa suot kong robe dahil sa malamig na simoy ng hangin. Ilang segundo ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa sumagot na siya.





"... I just know."





"Heh! You're lying!" Agad kong sabi nang marinig ang pag-aalinlangan sa boses nito.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon