Chapter 65

66.9K 3.4K 4.1K
                                    


ARIANNA'S POV






Nakatulala lang akong nakatingin sa harapan habang pinoproseso ang lahat ng nangyayari. Hindi ko akalain na sa ganitong sitwasyon ay isang babae ang magliligtas sa'kin. Ang mas nakakagulat pa roon ay kaaway ko pa mismo na si Heavenhell ang nasa harap ko ngayon.






"Aiya! What do you think I am doing? Of course, I'm saving the little girl. Who gave you motherfuckers the right to do this, huh?!" maangas nitong sabi na kinagulat ng mga lalaki.






'My goodness! I-is she really the Lady Heavenhell I know? I didn't even remember her being bold like this! But... The little girl she's referring to is me? D-damn! I'm one year older than she is!'






"Teka miss! Sino ka ba?! Ang lakas ng loob mo para ikaw mismo ang lumapit sa'min." nakangising sabi ng isang lalaki na mukhang nasisiyahan sa nakikita.






'Yuck! They are so gross! I'll make sure that these guys are dead after I tell Dad about what happened tonight.'






"Hehe! I was just passing by when I found a goddess who needed my help. Why? Don't tell me you also want to play with me like what you did to her?" tanong ni Heavenhell na halata ang pagkagulat sa mukha.






'Se-seriously? What is happening right now? I'm really confused if Heavenhell is here to save me or if she also wants to be these goons' victim. Am I really safe right now?'






Nang marinig ng mga lalaki ang sinabi niya ay agad silang tumawa. Sa itsura ng mga ito ay tinalo pa nila ang nanalo sa lottery. Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan sa kung anong posibleng mangyari sa amin ni Heavenhell sa ganitong klaseng lugar.






Sa umpisa ay hindi ko talaga balak ang lumabas ng ganitong oras. Ngunit sabi ng pinsan kong si Rod ay napaka-importante raw ng sasabihin niya, kaya kahit na nagdadalawang isip ako na pumunta ay wala pa rin akong nagawa kung hindi ang sumunod.






Naisip ko din kasi na isa siya sa mga paboritong apo ng mga elders sa pamilyang McKinney kaya hindi ako basta-basta pwedeng tumanggi.






Hindi ko naman inakala na ganitong klaseng lugar pala ang aabutan ko dito. Higit sa lahat, hindi ko rin akalain na magagawa akong ipahamak ng pinsan ko na dumating sa punto na nais niya na akong mamatay. *Sighs*






Ngayon alam ko na kung bakit Hell Street ang tawag sa buong lugar. Sa itsura pa lamang nito ay malalaman mo na kaagad na isa ito sa mga kuta ng mga dating kriminal, iba't-ibang gangs, may black market, at mga nagkalat na assassin guilds.






'Pero ang pinakapinagtataka ko sa lahat ay kung anong ginagawa ni Heavenhel sa Hell Street?'






Nabalik ako sa reyalidad nang marinig na magsalita ang lalaking nasa harapan nila. Mukhang siya ang tumatayong lider ng mga ito dahil nakita ko ang pagtabi ng iba nang maglakad ito papalapit kay Heavenhell.






"Miss mukhang hindi mo yata alam kung gaano kadelikado ang lugar na'to." nakangising sabi nito habang sinusuri ang kabuohan namin.






Sa ginawang pagtingin niya sa'min ay hindi ko tuloy maiwasan na tignan ang suot-suot ni Heavenhell ngayon. Nakasuot siya ng itim na pants, black-fitted na long sleeve, black khaki boots at black cloak. Ang buhok naman nito ay nakatali ng mataas na nakapagpadagdag pa lalo sa appeal nito.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now