Chapter 17

52.6K 2.8K 611
                                    

"Si--sister-in-law?"





"Oh, fuck!"




Nakangiting lumapit sa'min si Clive at kita kong nakatingin siya kay Trider na hanggang ngayon ay nakaluhod pa rin sa harap ko. Sh*t! This is so awkward! And what did he just call me?!





"Good afternoon, Young master Lucretius..." magalang na bati ni Pira nang makita ang hinayupak. Tsk! Bakit ko ba nakalimutan na isang gala nga pala ang baliw na kapatid ni Vile? Yung tipong magugulat ka na lang na nasa iisa kayong lugar nang hindi mo namamalayan!





"Sister-in-law who is this pest?" nakangising tanong niya habang nakaturo kay Trider. Hindi rin halata na takaw-gulo ang lalaking 'to no?





"He's my personal guard, Mr. Lucretius and please stop calling me sister-in-law." pilit-ngiti kong sabi.




Hinawakan ko ang kamay ni Trider at pinatayo siya sa pagkakaluhod. Marami na rin kasi ang mga nakatingin sa amin sa ngayon. Sa kagwapuhan ba naman ng dalawang 'to sinong hindi mapapatingin? Idagdag mo pa na isang Lucretius si Clive. Hindi na rin ako nagulat na pati yung manager ng boutique na 'to ay nagmamadaling lumapit sa animal.





"G--good afternoon, Young master Lucretius! W--what do you need?" Kinakabahang tanong ng nasa mid-30's na manager ng store. 



Sino ba naman ang hindi kakabahan kung may mamamatay tao sa store mo diba? Siguradong naiihi na sa takot 'tong manager sa asta niya pa lang ngayon. 





"Get lost!" malamig na sabi ni Clive na kinatakot naman ng manager na agad ding umalis. 



Pagka-alis ng mga taong nakapaligid sa amin ay tsaka siya humarap sa'kin ng nakangiti na nang malawak. Geez! He's really crazy!





"You don't want me to call you sister-in-law right? So what do I call you? Hmm... Little sister? No, it doesn't sounds good! How about Venven?!" excited niyang tanong na kinanganga ko.





Ano daw?! Venven? The heck?! Hindi ba siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Wala ba siyang pakialam sa mga matang nakatingin sa amin ngayon?! Kasi kung wala, pwes ako meron! Sh*t! Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nahiya ng ganito.





"Ha--hahaha! You're funny, Young master Lucretius!" sabi ko na lang habang nagpipigil ng inis. Kalma self! Hindi pa niya oras para mabatukan nang ganito kaaga!




"Are you sure that you want him to be your personal guard, Venven? How about me being yours?" nakangiting sabi niya na kinapula ng mga babaeng nasa loob ng boutique.





Tsk! Kung hindi lang siya baliw malamang kinilig na rin ako. Kaso isa siyang malaking baliw na isa sa mga magiging sakit ko sa ulo sa hinaharap! Napatingin ako kay Trider na nasa likod ko nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa balikat. Goosebumps!





"Thank you for your offer, young master but I'm fine with him. Your time is so precious that I don't want to be a burden to you." kalmado kong sabi.





Napaatras ako sa gulat nang ilapit niya ang mukha niya sa'kin at dahil sa pag-atras ko ay naramdaman ko ang katawan ni Trider sa likod ko. Geez! Anong sitwasyon ang kinahaharap ko ngayon?! Ito na ba ang araw na pag-aagawan nila ako? Pfft! Hahahaha! Lakas ng amats ampucha!




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon