Chapter 44

61.3K 3.3K 2.8K
                                    

Nang maramdaman ang yakap ng lalaking nakasalubong ko sa pintuan ay hindi ko maiwasan na maamoy ang mabango nitong katawan. Idagdag mo pa ang matigas nitong dibdib at abdomen na ramdam-ramdam ko ngayon dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.  




"Hmm... Smells good!" bigla kong sabi na agad kong kinagulat. O--Oh gosh!




Nang matauhan ay tsaka lang ako napatingin sa taong may hawak sa'kin at doon nakita ang lalaking pinakahuling taong gusto kong makita sa panahon ngayon. T--This...




O_O




"O--oh, it's you, daddy!" pilit-ngiti kong tawag sa kaniya. 




Hindi na rin ako nag-expect na may reaksyon sa mukha niya dahil hindi naman talaga 'to nakakaramdam ng emosyon! Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin kaya hindi ko malaman kung anong trip ng male lead at mukhang may balak pa yatang makipag-staring contest sa'kin. 




Tutal hindi naman siya nag-rereact ay nilakasan ko na ang loob ko at nilagay ang dalawa kong kamay sa bewang niya atsaka siya niyakap. Syempre bilang si Heavenhell ay ganito naman talaga dapat ang reaksyon ko diba? Kailangan kong ipakita na patay na patay ako sa kaniya kaya mabuti na rin na lubos-lubusin ko na ang biyaya habang wala pa ang female lead hahaha! Ehem! 




Inamoy-amoy ko na lang leeg ni Vile dahil talagang napakabango ng animal na 'to. Ramdam ko din sa pwesto namin ang maganda niyang katawan kaya kahit nagmumukha akong manyak ngayon ay hindi na rin masama ang experience na 'to. 




'Geez! I'm sorry Lilian at mukhang sa'kin napunta ang first hug ng male lead na para sana sa'yo! Bwahahaha!'




"What are you doing?" malamig na tanong nito na kinalunok ko. Kalma, Carnelia! Boses pa lang 'yan ay nakakamatay na! 




"Hugging my daddy, you see?" pasimple ko na lang sabi at mas niyakap pa siya. 




Habang hindi niya pa ako tinutulak ay maigi na sulitin ko na diba? Mamaya ay baka bigla siyang sapian ng kademonyohan tapos bigla akong barilin, edi hindi ko man lang na-enjoy ang buhay non! Kung mamatay man ako dahil sa katangahang 'to, atleast may baon akong memory hahaha! 




'Carnelia, you're so crazy!'




"Let go or die." 




Nang marinig ang sinabi niya ay mapabilis pa kay flash akong humiwalay sa pagkakayap sa kaniya. Heh! Kahit gaano pa siya kabango ay napagtanto ko ngayon lang na mas masaya palang mabuhay kaysa mapalagay sa braso niya. Hindi pa akong ready mamatay ulit!




"Why are you here young master?" nagpapa-cute ko pang sabi baka sakaling gumana, kaya lang ang animal ay hindi ako pinansin at nagsimula nang maglakad. 




Napanguso na lang ako sa sobrang inis sa ugali ng male lead, aba'y hindi ba naman pansinin ang kagandahan ko! Geez! Pagharap ko sa direksyon na pinuntahan ni Vile ay agad nanlaki ang mata ko sa gulat.




Na-realize ko na ang living room ng villa ay halos kalapit lang ng pinto, at sa living room ay nandoon nakaupo ang apat na lalaki na kanina ko pa tinataguan. Napalunok na ako nang makita na nakatingin sila sa'kin ngayon. Sa itsura nila ay parang hindi sila makapaniwala na may alien silang nakikita. 




'But w--wait! Do--don't tell me, they saw what I did?!'




"Si--sister-in-law? Y--you are my idol!" biglang sigaw ni Clive at nagmamadaling lumapit sa'kin. 




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now