Chapter 49

54.6K 3K 944
                                    

THIRD PERSON'S POV




Napaupo na lang si Heavenhell sa gilid habang iniisip ang pupwedeng mangyari kapag nagkaharap sila ni Javier ngayon. Lalo pa't hindi pabor si Janice na maging magkaibigan sila ni Lorraine kaya kapag nalaman ni Javier na naghihinala ito sa kaniya ay siguradong patay siya dito.




Alam kasi ni Heavenhell na aalamin lahat ni Javier ang tungkol sa kaniya kapag nagkataon at dahil dito ay malalaman niya rin kung anong relasyon meron siya sa kalaban nitong si Vile.




"Kyahh! This is crazy!", isip-isip nito habang ginugulo ang buhok.




"Milady, malapit na tayong magsimula... Teka, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Pira sa amo niyang mukhang nasisiraan na ng ulo dahil sa magulo nitong itsura.




Wala sa wisyong tumingin si Heavenhell dito at mahina na umiling, kaya lalong nag-alala si Pira sa sinagot nito.




"Dadalo pa ba kayo sa opening?" magalang na tanong ni Pira.




"No, mauna ka na. Alam mo naman siguro kung anong sasabihin mo kapag may nakakilala sa'yo diba?" seryosong tanong ni Heavenhell.




"Yes, milady."




"Good."




Pagkatapos nitong magpaalam ay tsaka naman pinagpatuloy ni Heavenhell ang pag-iisip, hanggang sa hindi niya namalayan ang paparating na problemang na siyang guguho sa mundo niya.





LORRAINE'S POV




I'm Lorraine Maxwell, 21 years old at kasalukuyan kong kasama ang aking best friend na si Janice para pumunta sa sumisikat na boutique ngayon. Actually, hindi pa siya nagbubukas kaya nang malaman ko na ngayon na ang opening nila ay agad kong sinama si Janice na busy sa pagti-training sa Military Department ng A.I.A.




Nabalitaan ko kasi na darating na ang  kanilang Annual Military Competition kung saan magkakaroon ng iba't-ibang battle na naka-depende sa category, kaya naman sa buong buwan ay lalong magiging busy si Janice.




Nalaman ko rin na kaya wala si Heavenhell sa school ay dahil din sa kanilang research presentation na gaganapin din next month. Kaya talagang nakakalungkot na hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaniya bago siya umalis.




'*sigh* Kahit na minsan ay napapansin ko na ayaw talaga ni Heavenhell na lumapit sa'kin ay gusto ko pa rin siyang maging kaibigan. She's really weird!'




Noon ay marami akong naririnig na rumors tungkol sa kaniya na isa raw siyang kahihiyan ng pamilya Caventry. Halos lahat ng young nobles sa Atlante ay may alam kay Heavenhell dahil siya lang naman daw ang babaeng patay na patay sa young master ng Lucretius.




Noong unang beses na narinig ko 'yon ay hindi ko maiwasan na mamangha. Sino nga ba ang Lucretius? Well, sila lang naman ang pinaka makapangyarihang pamilya sa buong Atlante at pati na rin sa buong mundo, kaya sino ang hindi matatakot diba?




Simula noon ay updated na ako sa mga kahihiyan kuno na ginagawa ng young lady ng Caventry. Bilang isang anak ng pamilya Maxwell ay may tungkulin ako na mapaganda pa lalo ang reputasyon namin, kaya noong makita ko lahat ng history ng nakakahiyang ginawa ni Heavenhell ay hindi ko maiwasan na mapalunok.




Sinong mag-aakala na ang young lady ng makapangyarihang pamilya na katulad ng Caventry ay makikipagsabunutan para lang sa lalaki. Idagdag mo pa ang baduy nitong pananamit na hindi ko alam kung saan niya pinagbibili ang mga 'to.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now