Chapter 90

47.8K 2.2K 2.3K
                                    

Hindi ako gumalaw at nanatili na lang na nakasandal sa dibdib ni Vile. Wala akong maisip na dapat sabihin sa nangyayari ngayon. Hindi pa rin kasi ako maka-move on na kinuha niya ako sa kama para dito. Hindi ba't parang ang wirdo naman kung iisipin?



Si Vile na male lead at ayaw na nadidikitan ng mga tao, lalong-lalo na ng mga babae ay nakayakap sa'kin ngayon. Ibig bang sabihin non ay talagang espesyal ako sa kaniya dahil kuno ako ang baby niya?



P–pffft! Napasiksik na lang ako sa dibdib ni Vile dahil sa naisip.



Geez! Bigla akong nahiya sa kung ano-anong kabaliwang pumapasok sa utak ko. Sigurado akong hindi seryoso ang animal na 'to sa sinabi niya kanina. Marami pa naman siyang kasinungalingan na nasabi sa nobela na talaga namang napaniwalaan ng marami.



"Can't sleep?"



Pasimple na lang akong napalunok nang marinig ang malamig na boses ni Vile.



Aiya! Kailangan kong kumalma dahil pakiramdam ko ay maririnig niya ang tibok ng puso ko na parang nagwawala na ngayon. Atsaka sinong makakatulog sa ganitong sitwasyon aber?



"Hmm! Hmm! I've been sleeping all day. I'm wide awake now." Sagot ko na lang at inayos ang pagkakasandal ko sa dibdib niya.



Tutal siya naman ang nang-istorbo sa mga nagpapahinga kong malanding hormones kanina ay hindi niya akong pwedeng sisihin na minamanyak–este niyayakap ko siya ngayon no!



Atsaka nilalamig talaga ako dahil sa nakabukas na aircon. Kaya kung iisipin ay normal lang na ginagawa ko 'to.



Nang hindi magsalita si Vile ay marahan kong inangat ang ulo ko at tinignan ang mukha nito. Seryoso siyang nakatingin sa libro niya habang ang isa niyang kamay ay dahan-dahan niyang tinatapik sa bewang ko. Sa itsura ko tuloy ay para akong bata na kailangan niyang patulugin habang nagtatrabaho siya.



"Young master..." Mahina kong tawag sa kaniya. Nakakahiya naman kasi baka naiistorbo ko pala ang kaniyang pagbabasa.



"Kumain ka na?" Tanong ko na lang nang hindi siya nagsalita.



Sa tantsa ko kasi ay alas-dose na ng madaling araw dahil medyo matagal din akong nakatulog sa kwarto kasama si Cabell.



"Hmm..."



Napatango ako sa sinagot niya. Mabuti naman kung ganoon. Marami pa naman akong nababasa sa nobela na wala nang oras para kumain ang mga male lead dahil sa sobrang abala sa trabaho. Tapos sa huli ay magkakasakit tapos mamamatay.



"P–pfft! Kalokohan mo, Carnelia! Walang male lead na madaling mamatay no!"



"Good." Sabi ko na lang sa kaniya na kinatigil niya sa pagbabasa. Bigla pa akong napaatras nang yumuko siya para tumingin sa'kin. M–my gosh!



"Hungry?"



*Gulp*



"No, I'm not hungry." Nakangiti kong sagot habang pinipigilan ang sarili na mautal.



Geez! Sino ba ang nagpatay ng ilaw at hinayaan lang na nakabukas ang lampshade sa gilid ng sofa? Lalo tuloy akong kinakabahan dahil sa mala-romantic vibe na scene na 'to.



"What time is it? Maybe I should go back inside the room since Cabell is still there alone." Pag-iiba ko ng usapan.



Tatayo na sana ako nang maramdaman ang kamay ni Vile na lalong humigpit ang hawak sa bewang ko.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon