Chapter 3

67.7K 3.3K 1.5K
                                    


Bakit?! Bakit sa dami ng pwedeng magustuhan ni Heavenhell ay ang pinakadelikadong tao pa na nabubuhay sa nobelang 'to?! Geez! Isipin ko pa lang na makikita ko ang main lead ng istorya ay kinakabahan na ako. Bakit naman kasi ang tanga ng supporting character na 'to eh? Pati tuloy ako na dapat ay patay na ay naaabala pa!



I swear, kapag ako namatay at makita ko ang kaluluwa ni Heavenhell sa impyerno ay sasakalin ko talaga siya. Woo! Kalma self, dahil wala kang magagawa sa ngayon...



Huminga ako nang malalim bago pagtuunan ng pansin ang monitor ng computer. Mas mabuti na pag-aralan ko lahat ng nakalagay na impormasyon sa listahan at kabisaduhin ang mga mukha nila.



Sa mundong ito 'strength' at 'wealth' ang pangunahing kailangan mo para maka-survive. Kailangan ng lahat ay lumaban para sa 'survival' ng bawat isa lalo na kung nasa commoner side ang pamilya mo.



Bukod pa dito ay pang-lima lamang ang 'intelligence' sa criteria of survival sumunod sa 'connection' at 'capability'. Kung kaya't kahit hindi katalinuhan ang bruha na si Mitchel ay paborito pa rin siya sa buong Caventry's Palace.



By the way, Palace ang tawag sa mansion ng mga pamilyang pasok sa mga pinaka maimpluwensya at mayayaman sa bansa. Isa na nga doon ang mga Caventry. Heh! Masyadong maraming alam ang author at may paganto pa!



Base pa sa naaalala ko sa istorya ay malaki ang advantage mo kapag miyembro ka ng pamilya na pasok sa A.R.F. Hindi 'yan tunog aso okay? Ito ang Atlante's Royal Families, kung saan mapapabilang ang pamilya mo kung gaano kataas ang mga assets at connections niyo.



Kabilang sa mga ito ay ang mga pamilya na kayang payanigin ang economy ng buong bansa kung tatanggalin ang kayamanan nila sa listahan. Mala-noble ang dating at dinaig pa ang mga hari at reyna sa Earth.



Well, sobrang importante ng mga A.R.F sa bansa at nangunguna na nga doon ang pamilya ng mahal kuno ni Heavenhell. Ang mga kayamanan kasi ng mga A.R.F members at mga miyembro ng Business Empire Sect. ang nagpapatakbo ng buong ekonomiya ng bansa.



Bukod dito, ang mga batas na meron sa bansang Atlante ay may pagkakaiba sa sistema na nakasanayan ko na sa Earth. Laganap ang diskriminasyon at patayan sa mundong 'to, kaya kailangan kong mag-ingat.



At ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kailangan ko nang gumawa ng paraan para ma-annul ang engagement namin ng male lead. Ayoko pang mamatay okay?!



Gusto ko pang sulitin ang kayamanan ng mga Caventry! Kung noon nagtitipid ako dahil ayokong maging pabigat sa mga magulang ko, ngayon ay magwawaldas ako ng marami to the point na sila na mismo ang magpapalayas sa'kin! Bwahahaha! Geez! Nababaliw na naman ako!



So back to the planning! For now, I need to make a list of all the characters that I must avoid or cut ties with! Kinuha ko ang bago kong laptop at tinignan kung gagana ba ito dito.



"Luckily, it really works!"



Tinignan ko ang internet access at mabilisan itong hinacked. Hindi ko alam na ang pagiging computer geek ni Heavenhell ay madadala ko pa rin hanggang ngayon kahit na wala na siya.



Isa-isa kong tinype ang mga pangalan ng mga character at ni-rank sila base sa level ng pagiging delikado nila sa pagbabagong buhay ko. In short, hindi ko dapat sila makasalamuha!



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now