Chapter 13

54.5K 3K 463
                                    



Napatampal ako sa noo nang ma-realize ang mga pinagsasabi ko kanina sa harap nilang lahat.


"My gosh, Carnelia! Gusto mo na bang mamatay? Bakit hindi mo napigilan ang bibig mong kung ano-anong sinasabi? Shit!"


Kailangan kong mag-sorry mamaya sa inasal ko bago pa sila magtaka sa kababalaghan ginagawa ng anak kuno nila. Huminga ako nang malalim at dumiretso sa family kitchen ng mansion. 



Dito kasi ay may dalawang kusina, ang main at ang family kitchen. Sa "main" nagluluto ang mga chef ng pamilya Caventry, samantalang sa "family kitchen" naman nagluluto ang mommy ni Heavenhell kapag natitripan nitong magluto. Bawal tumapak ang mga chef dito dahil pinagbawal ni Madam Caventry, maliban na lang kung pinayagan sila.



Nang makarating sa kusina ay agad kong nilibot ang buong paningin. Hindi man ito kasing moderno ng nasa Earth ngayon ay masasabi ko na maganda naman ang disenyo nito at halatang mamahalin ang mga kagamitan. 



Lumapit ako sa refrigerator at naghalungkat ng mga sangkap na pwedeng maluto. Sa kasamaang palad ay wala akong makitang karne dahil puro mga flour, cocoa at iba pang pam-bake lang ang nakikita ko dito. Nakalimutan ko na na sa main kitchen pala niluluto ng mga chef ang mga inuulam na pagkain ng buong pamilya.



*Blagg*



Napatigil ako nang may makita akong tao sa gilid ng pinto na sa tingin ko ay konektado sa main kitchen ng mansion. Tinignan ko ang isang lalaki na mukhang natakot sa'kin nang makita na nakatingin ako sa bagay na nasanggi niya.



"F-forgive me, my lady!" bigla nitong sabi habang nakaluhod sa harap ko.



(-_-)



"Oh? Mukha ba talaga akong kontrabida at kailangan niya pang matakot ng ganiyan sa'kin?! My gosh!"



"It's fine, so you don't have to kneel okay? Come here..." Sabi ko rito sa kalmadong tono. Mukha kasing iiyak na siya kapag nagtaray ako dito at isa pa mukhang nasa fifteen years old pa lang ang batang 'to. Hindi naman ako sobrang sama para mambully ng mas bata sa'kin no!



Tinignan niya ako na pawang nagtataka pero agad ding lumapit nang nakayuko. Geez! What can I do with this?



"W--what can I do for you, L--lady Heavenhell?" kinakabahang tanong nito habang nakatingin sa'kin. Pfft! This kid is cute! Yung tipong konti na lang ay iiyak na siya hahahaha! Oopps! My bad!



"What's your name?"



"M--my name is Ernel, my lady."



"So Ernel, what are you doing here? Did you know that you might get punish because of this?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko na bigla siyang nanghina bago tumango na pawang iiyak na.



"I-I'm sorry, my lady."



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now