Chapter 18

54.7K 2.7K 339
                                    

"Hello sir, nice to see you again..."




"Okay? What is happening?"




"You know my father, Trider?" Tanong ko kay Trider na nakangiting nakatingin kay Lord Caventry.





"Yes, my lady..."





"Saan? Paano?" Naguguluhan kong tanong. Gosh! This is so different! 



Paanong nagkakilala 'tong dalawang 'to? Sa nobela kasi magkakakilala lang si Trider at ang ama ni Heavenhell sa isang party ng mga Lucretius, kung saan dadalo rito si Lucas kasama si Theo at Trider.





"Sa slave auction, my lady. Malaki ang pasasalamat ko kay Mr. Caventry dahil siya ang naglabas sa'kin sa auction na 'yon. Hindi ko alam na ama mo pala siya, my lady." nakangiting sabi nito na halata mo sa kaniyang boses ang pasasalamat niya sa daddy ni Heavenhell.





Aiya! Ibig-sabihin nang makita ko siya sa plaza ay kakalabas niya lang sa slave auction at si lord Caventry ang nagpalaya sa kaniya. What the hell? Impossible! 



Pagdating sa characteristic nitong ama ni Heavenhell ay imposible ang sinasabi niyang niligtas siya nito sa auction! Pero imposible rin naman na nagbibiro lang si Trider diba?





"So why are you really here, Athanasia? Stop wasting my time." Seryosong sabi ni Lord Caventry.





"I want Trider to be my personal bodyguard, father." Kalmado kong sabi at inalis ang mga katanungan sa aking isipan. Hindi ito ang oras para matulala ako lalo pa't kaharap ko ang demonyong ama ni Heavenhell!





Seryoso ko lang tinignan si Lord Caventry nang bigla na lang lumamig ang paligid. Gosh! Siguradong mahaba-habang paliwanag na naman 'to! Sa memories kasi nitong si Heavenhell kapag meron itong pinapaalam na balak niyang gawin, tulad na lamang nang pag-aaral ng computer science ay kailangan niya pang magbigay ng mga magagandang rason para payagan siya. May pa-pros and cons pang nalalaman ang lolo niyo, kaya bilib din ako kay Heavenhell at natiisan niya 'tong pamilya niya. Tsk!






"Alright. I'll arrange his training first and once I saw that he is capable protecting you then it's settled. Is that all you want?"





Literal akong napanganga sa narinig. Ano daw? Alright? As in okay at payag siya?! Nakatulala lang akong nakatingin kay Lord Caventry at pustahan mukha akong tanga ngayon sa harap niya, pero wala akong pakialam sa oras na 'to. Si Lord Caventry na head at mafia boss ng buong Caventry Mafia ay pumayag nang ganon-ganon lang? Seriously?





"What? Do you still want to say something, Athanasia? If none, then get lost!"






"Thank you, father!" nakangiti kong sabi nang mabalik sa reyalidad. 



Ikaw ba naman sigawan ng demonyo sinong hindi magugulat? Tsk! Pasalamat siya at medyo good mood ako ngayon dahil hindi ko na kailangang magpaliwag pa. Naghanda pa naman ako ng script sa utak ko ng mga sasabihan sa paghaharap namin tapos balewala lang pala? Pero mas maigi na rin 'yon dahil tinatamad akong magsalita.

 


Nakita kong lumapit si Butler Kajik kay Trider at sinabi na siya na ang bahalang mag-asikaso sa lugar na tutuluyan nito. Sigurado ako na dadalhin na siya sa training ground ng mga mafia members na para sa iba ay dungeon dahil sa mga maduguang training na araw-araw nilang ginagawa. 

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now