Chapter 69

58K 3K 1.8K
                                    

Napalunok na lang ako sa narinig. What the heck?! Anong VileVen Couple ang pinagsasabi nitong si Director Gonzal? Bakit wala man lang akong nabalitaan na may kumakalat na pala kaming fanbase ng male lead?





'Aish! Kumalma ka muna, Carnelia! Ngayon ay may mas importante ka pang dapat alalahanin kaya mamaya mo na isipin ang fanbase na 'yan!'





Nang mapakalma ko ang sarili ay tsaka lang akong ngumiti sa Director. Mukha kasing nagtataka na siya sa bigla kong pagtahimik.





"Hindi ko alam na may fanbase na pala kami ni young master Lucretius." Pabiro kong sabi na kinatawa niya na lang.





"Hahahaha! Dapat ay mas dalasan mo ang pagtingin sa social media dahil marami ang kumakalat na litrato niyo ni Mr. Lucretius ngayon. Kaya nga naging usap-usapan ng ibang fans niyo na gawan kayo ng fanbase dalawa." naiiling niyang sabi. Ngumiti na lang ako ng pilit at hindi na pinansin ang mga sinabi niya.





Mas marami pa kasi siyang nalalaman kaysa sa'kin kaya nakakahiya namang sumabat. Hmm... Marahil ay galing sa anak niya ang mga impormasyon kaya hindi na nakakapagtaka. Well, ang anak niya lang naman ay si Jhonnefie na siyang magiging kaibigan ni Lilian sa hinaharap. Siya rin yung reporter na nandoon sa birthday banquet ni Arriana.





'Gosh! Hindi ko naman akalain na sumali siya sa fanbase namin ng male lead na siyang dapat ay makakatuluyan ng kaibigan niya sa future. Seryoso? Ano nang nangyayari sa mundo?!'





Nang makarating kami sa cafeteria ay agad na naagaw namin ang atensyon ng mga iilang staff ng orphanage na kumakain ngayon. Kita sa kanilang mga mata na nagulat sila nang makitang kasama ako ng Director nila. Sigurado akong naiisip nila kung anong ginagawa ng magandang ako sa middle class na cafeteria gaya nito.





'Well, nandito lang naman ako para maghasik ng lagim. Bwahahahaha! P-pfft! Ehem! I need to be serious! Baka mapagkamalan pa nila akong demonyo kapag nakita nilang ngumingisi ako dito.'




"O-oh my! Nandito nga si Lady Heavenhell!"




"Yeah! Akala ko nagbibiro lang yung nagsabi sa group chat ehh!"




"By the way, nakasali ka na ba sa VVC Fanbase?!"




"Oo, kagabi lang! Ang dami ngang stolen shots doon ni Lady Heavenhell ehh!"




"Kyahh!!! Nakita mo rin ba yung picture nila na sa hotel na magkasama ni young master Lucretius?"




"Oh, yes! Yes! Akala ko nga edited lang yung picture pero noong natitigan ko ay sigurado na ako na sila 'yon!"




"That's right! Atsaka may comment din doon yung mga nagtatrabaho sa hotel! Talaga daw na magkasama silang dalawa!"




"Gosh! Nakakakilig talaga! Isipin mo naghiwalay pero nagkikita pa rin sila! Parang mga scenario sa mga nagbabasa kong novels!"




"Hahahaha! Kaya nga parami nang parami ang nga members ng fanbase ehh!"




"Oo at parami rin nang parami ang mga bashers ni Lady Heavenhell!"




"Problema ba 'yon? Edi labanan natin! Mga noble ladies lang naman ang naninira sa kaniya dahil sa inggit!"




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon