Chapter 82

83.7K 4.7K 13.8K
                                    

Nang mapagtanto ang nangyari ay agad akong humiwalay kay Arianna. Tinignan ko muna kung ayos lang ba siya dahil sa lakas nang pagkakatulak sa'kin nung babae kanina ay muntik na na siyang mauntog.



Kung hindi ko nga lang naalalayan ang likod ng ulo ni Arianna ay baka nauntog na siya nang malakas sa pader. Aiya! Walang hiyang babaeng 'yon at sobrang lakas manulak na parang may galit sa mundo!



"Are you okay?" Tanong ko na lang sa kaniya na parang walang nangyari.



Yumuko ako nang bahagya para makita ang mukha ni Arianna na nakayuko na ngayon. Mas matangkad kasi ako sa kaniya at hanggang baba ko lang siya. Nang hindi siya umimik ay ako na ang gumawa ng paraan para makita ang mukha niya.



Hinawakan ko ang baba nito at inangat paharap sa'kin. Baka kasi may masakit sa kaniya tapos ayaw niya lang magsalita dahil sa pagkabigla sa nangyari. Syempre bilang mabait na nilalang ay dapat lang na masiguro ko na ayos siya, diba? Yikes!



Nang maangat ko ang baba nito ay doon ko lang nakita ang reaksyon niya. Namumula ang pisngi nito at para bang nahihiya na hindi ko maintindihan. Hmm... Bakit naman siya namumula ngayon? Hindi ba uso ang kiss dito sa pagitan ng dalawang babae?



Hindi siya nagsalita kaya naman naguguluhan akong tumingin sa paligid namin. At doon nakita ang mga estudyante na nakatingin na sa'min ngayon. Naglalakihan ang mga mata nila na para bang gulat na gulat sila sa nakita.


"W--wait! Hindi kaya mali ang pagkakaintindi nila sa nangyari kanina?! Pero kiss lang naman 'yon no! Kaya bakit kung maka-arte sila diyan ay para bang isa na ito sa pinaka nakakagulat na pangyayari na nakita nila?!"



Naputol ang pag-iisip ko nang makita ko sa crowd sina Lorraine at Janice na nakatulala din sa'kin ngayon. Bigla tuloy akong kinabahan. Alam ko kasi na kapag nandiyan silang dalawa, ibig sabihin non ay nasa paligid lang din si Javier!



"H--Heavenhell?" Gulat na gulat na dinig kong tawag ni Lorraine sa'kin. S--shit! Bakit parang may mali pero hindi ko alam kung ano?



Ang tahimik din kasi ng mga estudyante kaya hindi ko maiwasang ma-awkward. Kayo kaya titigan ng mga wild na students kanina lang na ngayon ay dinaig pa ang pipi sa pagiging tahimik?! Ewan ko lang kung hindi kayo magtaka sa nangyayari!



Hindi ko na lang sila pinansin at tinignan ang babaeng tumulak sa'kin kanina. Gulat din siyang nakatingin sa'kin na parang nalaman niya kung sinong tao ang tinulak niya kanina lang. Mukha kasing napagtanto niya na isa akong Caventry dahil sa gulat nitong ekspresyon.



"What's your name?" Seryoso kong tanong na kinalunok niya. Nagsisimula na rin siyang manginig ngayon dahil siguro sa takot. Well, dapat lang siyang matakot dahil naiinis ako sa pagtulak niya sa'min ni Arianna.



Hindi niya ba alam na malaking isyu na naman ang kakaharapin ko dahil sa ginawa niya?! Paano na lang kung nasaktan talaga itong si Arianna, edi nagmukhang ako pa ang may kasalanan?



Lalo na sa mundo na 'to ay madali lang rin magbaliktad ng kwento. Baka nga mamaya pag-uwi ko ay magkaroon pa rin ako ng problema dahil siguradong hindi ito papalampasin ng bruhang si Mitchel. Yun nga lang ay may tyansa na malaman nila na sa AIA ako nag-aaral!



"S--shit! Bahala na kung malaman nila! Ang importante ay wala akong pakialam sa kung ano pa ang iisipin ng walang kwentang pamilyang 'yon!"



"Your name." Malamig kong sabi sa sobrang inis dahil sa naiisip.



"A--Aira, m--milady. Pl--please forgive me, Lady Heavenhell." Utal-utal nitong sabi habang naiiyak na ngayon.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now