Chapter 43

59.6K 3.2K 1.3K
                                    

"Hold on! I feel like I'm going to faint!" wala sa sarili kong sigaw na kinagulat nina Clive.

'Aish! Gaga ka talaga, Carnelia! Kailangan mong kumalma at umarte na nagtataka kung ayaw mong mahuli nina Alexio at Vance.'

Kung alam ko lang na dadalhin nila ako sa lungga ng mga Eckheart ay hindi ko na sana pinatulog ang sarili ko, baka sakaling maiwasan ko ang mga tanong na itatanong nila sa'kin. Nang hindi pa rin sila nagsasalita ay pasimple ko silang pinagmasdan sa kanilang sari-sariling pwesto. 

Si Clive ay nakaupo sa paanan ng king sized bed, samantang si Lemuel naman ay nasa tabi ko habang nakaupo sa upuan. At sa itsura pa lang ng dalawang 'to ngayon ay masasabi ko na napakagwapo talaga nila, lalo pa't nakadagdag sa appeal nila ang liwanag na nanggagaling sa lampshade ng kwarto.

Ang tanging ilaw lang kasi na nakabukas ay ang lampshade na nasa tabi ng kama kaya hindi masiyadong maliwanag ang lugar kung nasaan kami ngayon. Geez!

Tinignan ko naman ang glass door na daanan papunta sa veranda at doon nakatayo si Alexio na may hawak-hawak pa rin na scalpel. Nakatingin siya sa labas na parang may malalim na iniisip, kaya naman lalong gumwapo siya sa paningin ko dahil sa sobrang seryoso ng mukha niya. Idagdag mo pa ang eye glasses ng animal na nagpapaganda lalo sa misteryoso nitong mga mata. 

'Damn! Kailangan ba talaga na mga gwapo ang male lead at mga supporting main lead ng nobela?! Ako na ang naaawa sa female lead dahil siguradong mahirap ang role niya sa nobela. Sino ba namang makakapili sa mga 'to kung lahat sila gwapo?'

Buti na lang talaga at hindi ako ang female lead dahil ayoko sa mga sakit ng ulo. Kung pwede nga lang na lahat na lang sila mapakasalan ni Lilian para wala ng gulong mangyayari diba? Tsk! Idadamay pa ba naman ako sa kanilang tug of war ehh!

Napatingin ako sa harap nang mapansin na may matang nakatingin sa'kin. Sa madilim na parte ng kwarto ay doon nakaupo ang lalaking may mala-abong buhok at mata. Isa lang ang masasabi ko at 'yon ay napakagwapo ng character ni Vance! 


Nakatingin lang siya sa'kin na para bang sinusuri ang kabuohan ko habang may hawak-hawak na wine glass na elegante nitong hinahawakan.


Ngayon ay nakasuot silang lahat ng tuxedo kaya feeling ko nasa istorya ako ng female lead na may mga CEO na male leads, yung tipong possessive and clingy type na businessman ang bida. Well, marami kasi akong nobelang nababasa na ganoon ang tema. 

'Aish! Wake up, Carnelia! This is not the right time to joke around, since they are all dangerous!'

Kahit na gwapo silang lahat sa itsura nila ngayon ay hindi ka dapat magpadala sa mga mukha ng mga animal na 'to. Mukha lang silang harmless pero kabaligtaran non ang totoo nioang ugali. Halos mapatalon ako sa upuan ko nang magsalita si Lemuel sa tabi ko.

"Heavenhell, we've just met in the morning and now you're also with us the whole night." nakangiting sabi nito na kinalunok ko ng palihim. 

'Sa tingin ba nila gusto ko rin silang makita sa panahon ngayon?! Kung may choice nga lang ako ay hindi ko hihilingin na makasama sila kahit kailan!'

"A--ahh, anong oras na at nasaan ako?" tanong ko na lang habang umaarte pang nagtataka sa nangyayari. 

'Sige lang, Carnelia! Ilabas mo ang talent mo sa pag-arte kung ayaw mong mabuking ng mga 'to!'

"Hmm... Alas-tres pa lang ng madaling araw at nasa small villa ka ngayon ni Vengeance Eckheart. Kilala mo naman siguro siya diba?" sagot ni Lemuel habang hinahawi pa talaga ang buhok ko. Geez! Kailangan niya ba talagang gawin 'yan?! Masiyado siyang maharot ahh!

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon