Chapter 66

60.7K 3.1K 1.7K
                                    

Nanatili akong nakatingin kay Vile habang iniisip kung anong isasagot ko sa kaniyang sinabi. At sa itsura niya rin kasi ngayon ay hindi ko maiwasang paghinalaan siya. Idagdag mo pa ang mga reaksyon nila ni Venom noong nakaraang araw bago sila umalis.





'Hmm... This guy knows something! As expected! Hehe!'





Like duh? Anong tingin nila sa'kin bobo na walang napapansin? Aish! Nagkukunwari lang akong walang alam sa nangyayari pero marunong din naman akong mag-obserba sa paligid ko.





Aba'y mukha man akong nagbibiro at hindi nagseseryoso palagi ay alam ko naman ang ginagawa ko. Atsaka sinong matino ang ipapahamak ang sarili diba? Aiya!





Patuloy lang akong nakatingin sa male lead na seryoso pa ring nakatayo sa harap ko. Ngayon ay nakasuot na siya ng black pants at white polo shirt na talaga namang malakas ang dating sa kaniya.





Medyo magulo din ang buhok nito marahil sa lakas ng hangin sa airport tapos hindi na siya nakapag-ayos pa pagpasok ng kotse. Hindi naman obvious na excited siyang makauwi sa'kin no? Hehe!





'Ehem! Carnelia, ngayon ko lang nalaman na sumobra na sa kapal ang mukha mo! Pero tutal ay hindi pa naman nagrereklamo ang male lead kaya gora gora lang! *Evil laughs*'





Nang mapansin na kumunot na ang noo niya dahil siguro sa tagal kong nakatulala sa isang tabi, ay minabuti ko nang magsalita bago pa sapian na naman ng masamang espiritu ang animal.






'Pero teka, ano ang ulit ang sinabi niya kanina? Next time he bites me, make sure to fight back ba kamo?' I see!






"Oh, sure! I'll sharpen my teeth to the point that I can eat him in one bite next time." nakangisi kong sabi atsaka kumindat sa kaniya.






Syempre sinigurado ko na may isang metrong pagitan kami sa isa't-isa para may chance pa akong makatakbo kung bigla niya akong sakalin. Aba'y mabuti na ang sigurado no!






Nang makita ang reaksyon ni Vile na parang wala lang ay tsaka ko siya nginitian. Tutal ay hindi na bago sa'kin ang ekspresyon niya na mala-robot ang dating, kaya naman ay mabilis akong magmove on sa kahihiyan na dala ng mga pinagsasasabi ko sa male lead.






Aba'y bihira lang ang male lead na hindi man lang nagre-react sa kahit na anong pick up lines na ibato mo sa kaniya. Kaya naman hindi ko maipagkakaila na nasisiyahan ako sa pangmamanyak dito kay Vile--Ehem! Ehem! I'm innocent!






"Have you eaten some food before coming home? Do you want to eat me-I mean the food I cooked?" natatawa kong tanong nang makita na napataas na siya ng kilay. Napansin niya na yata na kung ano-anong kabaliwan ang sinasabi ko. Heh!






"Sure."






Nang marinig ang sagot niya ay pasimple akong napaubo. Hindi ko kasi alam kung saan siya sumang-ayon. Hehe! Napailing na lang ako sa kabaliwang naiisip at ininit ang pagkaing niluto ko kanina.






Malapit na rin kasing dumilim ngayon kaya naman kapansin-pansin kung gaano ako ka-bored buong araw. Hindi ko na nga alam kung ano pa ba ang pwede kong gawin bukod sa makipaglaro sa Bengal tiger na excited na lumalapit sa'kin habang may kagat-kagat na putol na kamay.






Geez! Kahit sino siguro sa mga noble ladies na makakita ng tigre na tumatakbo palapit sa'yo habang may kamay sa bibig nito ay kikilabutan sa makikita. Mabuti na lang at ako lang 'to. Ang normal at napakabait na ako. P-pfft! Ehem! Ehem!






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now