Chapter 14

55.1K 2.9K 253
                                    

 
"When the pork belly has browned, you added the sugar into the pan first and waited until the sugar has melted before adding everything else into the pan for stir-frying. After that, moved the dish into a clay pot to get ready for braising. Add water into the clay pot and braised the pork belly for about an hour until the sauce has thickened. Do you get it, Ernel?" Nakangiti kong paliwanag kay Ernel na mabilis na tumango sa tinanong ko.




"But why are you using clay pots, my lady?"




Nakita ko ang pagtataka sa mga mukha nila kaya napailing na lang ako. Kanina kasi habang nasa main kitchen si Ernel ay nilibot ko na ang buong kusina at doon ko nakita itong mga clay pots sa cabinet. 



Mukhang hindi na nagagamit dahil medyo maalikabok na kaya naisipan kong gamitin para hindi naman sila malungkot sa loob ng cabinet. Tutal mas maganda 'tong gamitin dahil mas manunuot ang lasa ng pagkain.



Tulad nga ng sabi ko ay isa akong culinary arts student kaya medyo may alam ako sa mga ganitong bagay. Marahil ay nakakapagtaka na marami akong inaral na kurso sa loob lamang ng tatlumpung taon na nabubuhay ako bilang si Carnelia. 



Lalo na ang medicine, criminology at Accountancy, pero sino bang nagsabi na natapos ko lahat ng mga kurso na 'yon? Hahahaha! Sa ikli ng pasensya ko sa tingin niyo matatapos ko ang lahat ng 'yon? Triple-major student ako noon pero napagod ang utak ko, kaya ayun tinapos ko lang ng ilang taon. Hehe!




 "Don't joke with me! This daddy can't handle that much patience! I rather die than studying those damn courses!"



 Ang natapos ko lang na kurso ay ang accountancy at ang criminology. Samantalang nagtake ako ng special exam para sa ibang kurso. See? That's my life!



Nabalik ako sa reyalidad nang alugin ako ni Angelique na mukhang nag-alala sa bigla kong pagtulala. Akala niya siguro na stroke na ko o kung ano. Well, pagdating kasi kay Heavenhell ay nabobobo 'tong bata na 'to kaya hindi na ako nagtaka na isa siyang paranoid.



"Oh, sorry. As you can see, clay pots are porous and it allows the heat and moisture to circulate evenly during the cooking process. Don't worry because this is already done, so we can eat now!"



Masaya silang naghanda ng mga kakainan namin nang biglang may maramdaman akong mga matang nakatingin sa'kin. Tsk! What the hell are they looking for?



"A–Athanasia! I–I didn't know that you can cook. H–how?! I haven't seen you cook before so..."



Napahinga na lang ako nang malalim at tinignan ang buong pamilya ni Heavenhell na nasa kusina na rin sa ngayon maging ang mga alipores ni Bitch–este Mitch ay nandito rin. Geez! Anong akala nila dito cooking show?!



"I just learned cooking by watching videos so I tried experimenting with my dish." pagpapalusot ko.



Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nilang nagtataka, gulat at pagkamangha dahil wala akong sa mood makipagchikahan sa kanila. I'm f*cking hungry! Let me eat peacefully!



Nang makita kong nakahanda na ang mga plato ay agad akong umupo at kumain nang tahimik. Wala akong pakialam kung mukha man akong bastos sa kanila dahil gutom na gutom na talaga ako. Kung hindi lang ako gutom malamang ay kinakabahan na ako sa pinaggagawa ko ngayon. Geez!



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon