Chapter 46

63.4K 3.1K 1.5K
                                    

SECRETARY CHEN'S POV




Nanatili lang ako sa labas ng kwarto ni Master Cabell nang may lumapit sa'kin na isang maid at sinabing dumating na si boss.




"Alright, just stay here and look for the young master while I'm gone." utos ko na lang.




"Masusunod, Secretary Chen." magalang nitong sagot.




Matapos kong masiguro na may nagbabantay sa pinto ng kwarto kung sakali mang maisipan na tumakas ni Young master Cabell ay tsaka lang ako naglakad papunta sa main entrance ng mansion. Nang makababa ay nakita ko na nakahilera na lahat ng tauhan ng pamilya Lucretius para magbigay-galang kay boss.




'Hayys! Iba talaga kapag mas mataas pa sa prinsipe ang katayuan mo sa buhay.'




Napalunok ako nang matanaw ang sasakyan ni boss. Kahit ayaw kong salubungin si Boss D ay wala naman akong magagawa dahil ito ang aking kapalaran. Huli na para mag-resign pa ako!




"Boss, nasa kwarto pa rin si Young master Cabell." Magalang kong sabi at pinigilan ko ang sarili na mangatog sa tingin niya na talaga namang nakakatakot! Ewan ko nga kung paano ako nakatagal sa trabaho ko ehh!




Hindi na nagsalita si boss dahil isa sa mga napansin kong ayaw niya ay yung magsalita. Oo, ayaw niyang magsalita kaya araw-araw ay kailangang may baon akong toothbrush dahil napapanis ang laway ko sa pagpapanatili na hindi ibuka ang bibig ko.




'But shit! Halos buong araw ay kasama ko si boss kaya masasabi ko na malaking achievement na hanggang ngayon ay nasa matino pa ring pag-iisip ang utak ko.'




Nagseryoso na lang ako at inalis ang kung anong-anong iniisip. Baka biglang magtanong si boss tapos hindi ko masagot sa kakatulala ko dito, tapos matagpuan ko na lang ang sarili na may bala na sa katawan. Damn, so scary!




Napatingin ako kay Boss D nang makita na hindi pa rin siya naglalakad papasok. Hmm... What's wrong? Makalipas ang dalawang minuto ay hindi ko na natiis ang sarili at nagtanong na sa kaniya.




"Boss, bakit hindi pa kayo napasok? May hinihintay ka pa ba?" magalang ngunit may pagtataka kong tanong dito.




Pansin ko ring nagtataka na ang lahat ng butler at mga maids nang makita na hindi pa rin gumagalaw si boss, pero wala lang may lakas ng loob sa kanila na magtanong. Takot lang nila sa demonyo!




Nang mapatingin na ako ulit kay boss ay nakita ko siyang lumapit sa sasakyan at binuksan ang pinto. Wait, si boss may kasama sa kotse?! Is this real?!




Sa pagkakaalam ko kasi ay ayaw ni boss na nagmamaneho siya ng kotse na may kasamang iba. Siguro ay dahil sa ayaw niyang maging driver ng kung sino man, kaya nakakapagtaka na may kasama siyang ibang creature bukod sa kaniya.




'Hmm... Who is this lucky person?'




Tumingin ako sa pagbukas ng pinto hanggang sa makita ang napakagandang babae sa front seat ng kotse ni boss. OH MY GOD! Si boss may kasamang babae! As in babae ahh! This is a miracle!




Nakatulala lang ako hanggang sa eleganteng lumabas ang babae sa kotse. Naramdaman ko rin sa likod ko na nagulat din ang iba sa nakikita nila ngayon. Nakasuot kasi siya ng puting dress at nakalugay ang ash brown nitong buhok habang wala kang makikitang make up sa mukha niya.




'Damn! She's an angel!'




"Good day." nakangiti niyang bati sa aming lahat na lalo kong kinagulat. Anong ginagawa ng isang anghel sa kotse ng demonyo kong boss?! This is impressive!




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now