Chapter 59

65.4K 3.4K 2.6K
                                    


Natikom ko ang bibig ko nang marinig ang sinabi ni Madam Eckheart. Sa itsura nila ngayon ay kita ko na nagtataka sina Mr. Eckheart sa nangyayari. Sino ba naman ang hindi magtataka kung bigla na lang lumitaw ang 'tyrant' ng pamilyang Lucretius sa teritoryo nila diba?





Buti nga si Vance ay kalmado lang habang may hawak na namang wine glass. Sa ganito kaaga ay alak ang hawak niya at hindi kape. Aiya! Kaya siguro hindi rin siya nag-react ay dahil sa narinig niya na akong tinawag na 'daddy' si Vile noong panahon na minamanyak ko ang male lead. Ehem! Ehem!






"Heavenhell, hija? Why did you call him daddy? Isn't he your ex-fiancé?" nagtatakang tanong sa'kin ni Madam Eckheart nang maka-move on sa pagkagulat.






Pinakalma ko ang sarili atsaka nakangiting sumagot, "Since he doesn't want to be my baby, then I'll just make him my daddy."





Everyone: "(O_O)"





Vance: "(-_-)"





Vile: "..."





Katahimikan ang pumaligid sa buong sala. Maging ang mga butlers at maid na nakarinig ay speechless din sa sinabi ko. Hehe! Hindi yata nila nakayanang i-proseso ang simpleng bagay na lumabas sa bibig ko kaya sila nagkaka-ganiyan.






"O-oh my! I see! I see!", excited na sabi ni Madam Eckheart na bumasag sa katahimikan. Bigla siyang tumingin kay Vance, tapos sa'kin at kay Vile bago nagsalita na naman na kinagulat ng mga tauhan nila.






"My son! You need to work hard to be her baby! Since Mr. Lucretius is her daddy now, you have a big chance! That's right! Hihihi!*Giggles* "






W-what the?






Sa totoo lang, siya ba ang mommy nila Lemuel at Clive? Bakit parang may mali sa pagkaka-intindi niya sa nangyayari?






Napaubo na lang si Mr. Eckheart sa gilid habang pinipigilang tumawa sa sinabi ni Madam Eckheart. Well, sa itsura kasi ni madam ngayon ay masasabi mo talaga na cute siya, lalo na yung ekspresyon niyang halata mong excited.






Kaya wala sigurong masabi 'tong si Vance kasi ayaw niyang ma-disappoint ang mommy niya. Aiya! Iba talaga kapag ang madam ang batas ng bahay niyo dahil wala kang magagawa kung hindi ang tumahimik.






"Honey, stop teasing your son and come sit beside me." Malambing na sabi ni Mr. Eckheart sa asawa niyang kinikilig na hindi ko maintindihan.






Ang daddy ni Vance ang matatawag nating 'under' sa asawa kaya naman bilib ako sa character niya. Aba'y sa mundong Pangaea ay bibihira na lang ang mga lalaking ganito no! Yung tipong kayang gibaan ang lahat ng haharang sa kaniya para lang sa babae.






'Geez! Saan kaya ako makahanap ng ganiyan dito? Pero syempre maliban sa mga male characters ng nobela! Ayoko ngang pumili sa kanila at baka giyerahin ako ni Lilian kapag may nawala sa harem niya. Yikes!'






Inalis ko na sa isipan ang kabaliwang naiisip at tinuon na ang atensyon kay Madam Eckheart na nakasimangot na lumapit sa asawa niya. Nang makaupo na ito ay agad naman siyang nilambing ni Mr. Eckheart na kinalunok ko na lang.






Actually, hindi talaga ako sanay na nakakakita ng PDA sa harap ko. Nagtataasan kasi ang mga balahibo ko sa 'di ko malamang dahilan. Medyo 'cringy' kumbaga, kaya naman hindi ako marunong maglambing sa kahit kanino.






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now