Chapter 45

61.3K 3.4K 1.8K
                                    

~ At the Lucretius Villa in the Capital



CHEN'S POV (Vile's right-hand man/Secretary, 22 years old)



Nagmamadali akong pumasok ng kotse nang makatanggap ng message mula sa head maid ng Lucretius' villa dito sa Capital. Ayon sa kanya ay inatake na naman ng 'hunger strike' si Young master Cabell at ayaw nitong lumabas ng kwarto.



Siguradong ngayon ay kinakabahan na lahat ng mga tauhan ng pamilya kapag nakarating ito kay Madam Lucretius. Sa umpisa kasi ay hindi pumayag si madam na isama si Young master Cabell sa capital pero wala naman siyang nagawa nang magpumilit ito.



Alam kasi ni madam na hindi magiging mabuti ang kalagayan niya kapag dinala siya dito, dahil una sa lahat ay walang mag-aasikaso sa kaniya. May sari-sariling pinagkaka-abalahan ang magkakapid Lucretius kaya hindi siya maaalagaan, kaya lang sadyang mapilit si Young master Cabell kaya hindi na rin nakatanggi si madam.



"Pero bakit ba ako ang tinawagan ng head maid? Hello? Ako ba ang kapatid ni Young master Cabell?!" nai-stress kong tanong sa sarili habang nagmamananeho.



"Hindi naman siguro nila ini-expect na may matutulong ako no? Kung si First young master nga hindi siya napapasunod, ako pa kaya na secretary lang?!"



Tahimik ko na lang tinanggap ang aking kapalaran dahil wala akong magagawa. Ngayon tuloy ay hindi ko sigurado kung dapat ba akong nag-apply na secretary ni Boss Eli!



Nagkakilala kasi kami sa A.I.A dahil parehas kami ng school. Well, hindi man ako kasing halimaw ng utak ni boss ay masasabi ko na mas matalino ako kumpara sa mga ibang eatudyante ng A.I.A sa batch namin. Ewan ko nga kung anong vitamins na nainom ni boss at napakatalino!



Napapansin ko rin na minsan ay hindi mo talaga malalaman kung anong iniisip nito dahil may mga sitwasyon na iba ang pinapakita niya sa totoong gusto nitong mangyari. Mahirap siyang ipaliwanag at kahit halos limang taon ko ng kilala si boss ay hindi ko pa rin makabisado ang galaw nito, kaya naman sumuko na ko sa pag-oobserba.



Lalo pa't wala siyang nararamdamang emosyon kaya kahit sobrang brutal o sama na ng ginawa niya ay wala ka pa ring makikitang pagsisi o kahit man lang galit sa mga mata niya.



'He's so scary! I'm really afraid of him but after five years I got used to it! Well, I need to...'



*Ring* *Ring*



Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito. Shit! The demon boss is here! Kinalma ko ang sarili at nakapikit na binuksan ang message.



'Please God, let me live! Let me live, I haven't found my girlfriend yet!'



Pagkatapos kong magdasal ay doon lang ako nagkalakas ng loob na tignan ang message.



From: Boss D

'I'm coming.'



"H--hah! My God, kinabahan ako bigla, feeling ko mamamatay na ako ngayon din."



Napatingin na lang ako sa pinangalan ko kay boss, ang D ay shortcut sa Demon! Yeah, ginawa ko lang letter para hindi halata baka mabasa bigla ng iba edi namatay ako ng maaga.



'*Silent crying* I'm really sorry for myself! I have a boss that is so good that even his stares are making me weak!'



Minadali ko na lang ang pagmamaneho dahil malalagot ako kapag si nauna pa sa'kin si Boss. Hayss! Kahit feeling ko ay hindi ito parte ng trabaho ko ay wala akong choice! Mas madali pa nga siguro na maging katulong kaysa maging secretary.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now