Chapter 29

53.8K 2.8K 462
                                    

"T--this! This is impossible!" hindi makapaniwalang sabi ni Mitchel habang nakatingin kay Heavenhell.


Maging sina Henry, Harry at Heleina ay gulat na nakatingin sa kapatid nilang pinagtitinginan ng lahat. Kung dati ay pinagtitinginan siya dahil sa nakakahiya niyang suot, ngayon ay nakatingin sa kaniya ang mga bisita na may halong paghanga at pagtataka kung sino ang magandang babaeng pumasok.


"I--is she your sister, Mitchel?" gulat na tanong ni Mia habang sinusuri ang kabuohan ni Heavenhell. Kahit saan kasi siya tumingin ay ibang-iba ang babaeng nasa harap nila sa kilala nilang Heavenhell.


Nasaan na ang pagiging baduy nito? Nasaan na ang kahihiyan sa pamilya? She's not like the same Heavenhell at all!


"W--wow! Your sister is so different today!" hindi mapagilang mapahanga na sabi ni Shaira.


"S--shut up! S--she's still my stupid sister!" galit na sabi ni Mitchel sa dalawa niyang kaibigan na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Heavenhell.


Lalong namula sa galit si Mitchel nang makita na nagsilapitan ang mga news reporter at magazine staffs para kuhanan ito ng litrato. Lahat sila ay iisa lang ang tanong at yun ay kung sino ang napakagandang babaeng 'to?


Sa isang lamesa naman ay nakatulala sina Clive at Lemuel sa taong kanina pa nila hinihintay.


"B--bro? I'm not dreaming, right?" nakatulalang tanong ni Clive kay Lemuel na nakatitig na rin kay Heavenhell.


"Damn, bro! I was about to ask you the same thing!" sagot na lang nito.


"What happened? She's not my Venven anymore! Where's my cutie? She looks like she's going to seduce everyone here!" nakangusong reklamo nito.


"Bro, why did you keep putting 'my' on your sentence? She's not yours, to begin with." biglang singit ni Lemuel sa nagda-dramang kaibigan.


"Why? It's because she's my sister-in-law!"


"What do you mean? Your brother doesn't like her and the engagement contract has been canceled, remember?" nakangising tanong ni Lemuel.


Sinamaan siya ng tingin ni Clive bago iliipat ang paningin kay Heavenhell na kasalukuyang naglalakad na parang walang pakialam sa mga matang nakatingin sa kaniya. Iniisip nito na may nagbago sa sister-in-law niya, pero hindi niya matukoy kung totoo nga bang wala na itong pakialam sa kapatid niya o nagpapanggap lamang ito para makuha ang atensyon ng lahat.


"She's interesting!" sabi na lang nito na kinailing na lang ni Lemuel. Kahit kasi siya ay napapansin ang kakaibang kilos ni Heavenhell na ibang-iba sa kilos nito noon.


Naaalala niya pa nung unang beses niya itong makita sa company building ng mga Lucretius. Nakangiti ito nang malawak habang hawak-hawak ang gawa nitong cookies na balak niyang ibigay kay Eli. At 'yon ang unang beses na inisip niya na ang tanga ng babae 'yon!

'Sino ba naman ang taong hindi nakakaalam sa buong Atlante na ayaw na ayaw ng isang Elijah Cannier Vile Lucretius na dinidikitan siya ng mga tao?'

Kaya natanong niya sa sarili niya noon, kung anong klaseng utak meron ang anak ng mga Caventry para habul-habulin ang lalaking imposibleng maabot ng lahat?

"Let's go to my brother!" excited na yaya ni Clive na agad namang sinang-ayunan ni Lemuel. Interesado kasi siya sa magiging reaksyon ni Vile kapag nakita nito ang ex-fiancé na halos pagkaguluhan ng mga news reporter.


Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon