Chapter 71

57.7K 3.3K 2.5K
                                    

THIRD PERSON'S POV




Katahimikan ang namayani sa buong venue nang biglang namatay ang ilaw matapos ipakilala ng host ang pagsisimula ng opening performance ng programa. Wala ring magawang makapag-ingay dahil sa excitement at antisipasyon na nararamdaman ng bawat isa.





Isang beses lang kasi nagkaroon ng ganitong pakulo ang Annual Charity Event kaya lahat ay nakatutok sa mangyayari. Maging ang mga nanonood sa mga telebisyon at streaming sites ay napatigil din sa paggalaw. Tinuon nila ang atensyon sa kanilang mga screen na para bang ayaw nilang may makaligtaang parte sa performance.





Kung kaya't nang marinig ng lahat ang tunog ng piano na sinabayan pa ng gitara ay hindi nila maiwasang tayuan ng balahibo. Napakaganda at napakagaan sa loob ng mga nota na pawa bang hinehele ka sa 'yong pagtulog.





Ngunit hindi nagtagal ay napalitan ng pagtataka ang mukha ng mga bisita at mga manonood nang makita nilang may lumabas na bata na may suot-suot na black cloak mula sa back stage. Hindi man nila makita ang mukha nito ay sigurado naman ang lahat na batang babae ang nasa gitna ng stage ngayon.





"What is happening?" Tanong ng bawat-isa na naguguluhan sa nangyayari.





Sa kadahilanang ngayon lang nagkaroon ng opening performance ang Annual Charity Event ay hindi pa nila mahulaan kung anong klaseng performance ang balak ipakita ng organizer ng event. Nagdagdagan lang lalo ang pagtataka nila nang may tatlo pang tao ang lumabas sa eksena.





Nakasuot ang mga ito ng magaganda at mamahaling mga damit kaya naman nagkaroon na ng ideya ang mga bisita na ang aktor na nasa entablado ay sumisimbolo sa mga noble family. Hindi rin nagtagal ay nagulat ang lahat nang bigla na lang itulak ng tatlong tao sa stage ang batang nakasuot ng cloak.





Hindi pa ito nakuntento dahil sabay-sabay nila itong tinuturo na para bang kinukutsa nila ang bata. Sa mga streaming sites naman ay halos hindi mapakali ang mga nanonood at agad na nag-comment sa mga napapanood.





I_know_U_know_me: "Anong ginagawa nila? Ako lang ba ang hindi makaintindi?"





Shut-up-boy: "Huwag kang mag-alala, girl, dahil nalilito din ako!"





Beautiful_Goodbye: "Ayy naku! Hindi ba obvious na parang pinapakita sa play na inaapi nila ang bata?! Common sense mga girls!"





Who_is_Secretary_Chen21: "Oh my gosh! As a fan of theatrical plays, I know this kind of play. This is pantomime art!"





BoboAkoPeroMasBoboKa143: "Pantomime?? Ano yon? Paki-explain! Huwag kang pa-suspense diyan!"





You-broke-my-hmmm: "What is a pantomime? Explain! Explain!"





Touch_IT: "May pang-stream kayo pero wala kayong pang-search?!"





You-broke-my-mmm: "Kaysa naman sa'yo, may pang-search nga pero hindi naman naintindihan ang definition. Bwahahahaa!"





Who_is_Secretary_Chen21: "Don't fight, guys! If I'm not mistaken, pantomime is the art of portraying a character or a story solely by means of body movement. Of course with background music to feel the story. Kita niyo naman diba?! Kaya manood na lang tayo dahil exciting 'to!"





Hindi na nag-ingay ang iba at pinilit na lang na manood. Pagkatapos ng maikling play na ginanapan ng tatlong tao ay agad din silang umalis. Ngayon ay nakatuon ang atensyon ng mga tao sa batang nakasuot pa rin ng cloak na nakaluhod na ngayon.





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now