Chapter 64

67.1K 3.3K 3.6K
                                    


Wala pang isang segundo mula nang marinig ko ang banta ni Vile ay agad kong naitikom ang bibig. Sino ang hindi kakabahan kapag sinabihan kang wawasakin ka niya diba? Teka? Tama ba ang pagkakaintindi o sobra lang akong mag-translate?






'Aiya! Hindi 'yan ang importante sa ngayon, Carnelia! Ang kailangan mong unahin ay makaalis sa ibabaw ng male lead!'






"Young master, pwedeng pakitanggal ng kamay mo? Hindi ako makaalis..." Mahina kong bulong sa kaniya nang makita ko na nanatili itong nakapikit pagkatapos ng banta niya kanina.






Naghintay ako ng isang minuto pero hindi pa rin siya nagsasalita. Higit sa lahat ay mas lalong humigpit ang yakap niya sa bewang ko kaya hindi ko maiwasan na mapangiwi.






Idagdag mo pa na mas lalo akong nadidiin sa ano niya-- Doon sa parte na 'yon! Yikes! Feeling ko tuloy kapag gumalaw pa ako ng konti ay malilintikan ako sa male lead!






"Y-young master, tulog ka na ba?" tanong ko ulit habang nasa dibdib pa rin niya ako nakasandal.






Hindi ko kasi maangat ang mukha ko dahil kapag ginawa ko 'yon ay automatic na gagalaw ang katawan ko sa ibabaw niya. At kapag nagalaw ko ang natutulog na halimaw sa kaniya ay siguradong mawawasak ako--Ehem! I'm serious! This is going to be a danger with an alert level of three warning!





"Silence." malamig nitong sabi. Ako naman na sobra ang awkward sa pwesto ko ay hindi mapakali.





Nangangalay na ako aber! Baka gusto niyang bitawan ako para makaalis na ako at makatulog no? Alas dose na kasi ng madaling araw at nandito pa rin ako dilat na dilat dahil sa pinaggagawa ng male lead. Aish!






Sinubukan kong maging komportable sa ibabaw ng male lead pero kahit anong gawin ko ay hindi ko kaya! Sinong malandi ang kayang kumalma sa ganitong senaryo aber? Kung hindi lang 'to ang male lead ay ako na ang kumilos para tulungan siya. Hehe!





Nanatili akong tahimik sa loob ng limang minuto pero makalipas ang matagal na paghihintay ay hindi ko na nakayanang pang manatili sa pwesto namin. Nakakangalay din kaya ang hindi gumalaw tapos may delikado pang tao sa ilalim mo.





"Oi! Hindi ka talaga magsasalita? Aalis na ako, okay?" sabi ko ulit. Nang hindi siya nagsalita ay mabilis kong tinukod ang dalawa kong kamay sa magkabilang side ng male lead atsaka akmang tatayo.






Pero dahil sa mahigpit na hawak ng male lead na tinalo pa ang bakal sa tibay ay mabilis na bumagsak ang katawan ko pabalik sa ibabaw niya. At dahil sa impact ng pagbagsak ko ay mas lalo ko yatang natamaan ang kaniyang ano... Yung ano niya! Yikes!






Naiangat ko ang paningin at doon ay nakita ang mulat na mata ng male lead na nakatingin na sa'kin ngayon. Da-damn! I smell danger!





"I-I'm sorry..." agad kong sabi. Pero ang mga titig ngayon ng male lead ay mas delikado na kaysa kanina. Yung para bang hindi na siya makakapagpigil pa?!






"Are you trying to test my patience, young lady?" malamig nitong tanong na kinalunok ko.






Ang mga ganitong tanungan ni Vile sa nobela ay talagang nakakatakot isipin. Kapag nagtatanong kasi ang animal ng ganito kay Lilian ay nauuwi sila sa awayan. Yeah, as in AWAY!






Tulad ng sabi ko ay hindi expressive itong male lead at para lang siyang boss ni Lilian sa relasyon nila. Ito kasing si Vile ay sasabihin lang ang dapat na gawin ni Lilian na madalas ay sinusuway nito.






Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now