Chapter 23

53.4K 2.7K 390
                                    


~At Caventry's Palace


Inside the Lord's office, the Caventry's patriarch and his eldest son are having a meeting about their enemies at work. When they talk about work, it includes their mafia operation and other secret dealings.


"Dad, Diaz Family is making their move." Seryosong sabi ni Harry sa kaniyang ama na kalmadong nakaupo habang nakatingin sa mga papel na inaasikaso nito.



"Hmm... I'll let you handle it." kalmado nitong sabi.


"Alright dad."



"Now, leave. I have more things to take care of."



Napataas ng kilay si Lord Caventry nang makita na hindi tumayo sa kinauupuan si Harry na para bang may nais pa itong sabihin.


"What?"


"Dad, sigurado ako na pagtatangkaan nila ang buhay ng isa sa atin kapag hindi natin sinunod ang gusto ng mga Diaz." seryosong sabi nito.


"You think this family is weak?!" galit na tanong ng ama nang makita ang pag-aalinlangan sa mukha ng anak.


"I'm not talking about us, dad! I know that we are all strong enough to kill our enemies..."


"Then what's the problem?" Lord Caventry asked indifferently.


"How about Athanasia? I'm sure she's going to be in danger."


Iniisip nito na hindi basta-basta ang pamilyang Diaz. Sa buong Atlante, ang mga Diaz ay kilala bilang bayolente. Madalas rin itong laman ng balita na palaging inirereklamo sa Government Sector dahil sa mga hindi makatao nilang ginagawa. Pero dahil palagi itong nalulusutan ng pamilya ay hindi sila makahanap ng matinding ebidensya laban dito.


Madalas ay bago pa sila magharap-harap sa trial court ay pinapapatay na nila ang mga nagrereklamo, kaya sa huli ay wala nang naglalakas loob na kalabanin ang pamilya nila. 



Hindi man sila kabilang sa A.R.F ay masasabi pa rin na mataas ang ranggo nila sa Atlante, dahil sa mga masasamang operasyon na patago nilang ginagawa.



Ngayon na kalaban sila ng mga Caventry dahil sa hindi napagkasunduang proyekto ay nais nilang daanin sa dahas ang pamilya para mapasunod ito. Alam kasi ng pamilya Diaz na hindi nila kayang labanan ang mga Caventry dahil bukod sa miyembro sila ng A.R.F ay kabilang din sila sa "Royal 10" sa ranggo ng Mafia Organization Sector.



Kaya kapag tinuon nila ang atensyon kay Heavenhell ay siguradong malalagay ito sa panganib. Alam kasi ng lahat na may black hole sa pamilyang Caventry at 'yon ay si 'Heavenhell' na siyang kinilala sa pagiging 'naive' nito.


Paano nila ito hindi makikilala ng lahat kung palagi itong trending sa internet dahil sa mga nakakahiyang ginagawa nito. Laman lagi ng balita ang mga eksenang paghahabol nito sa young master ng Lucretius na si Vile, pati na rin ang mga baduy nitong pananamit sa mga social gatherings ng mga anak ng mayayaman sa bansa. 


Kaya simula noon ay walang magandang imahe na binuo si Heavenhell sa pamilyang Caventry, kung kaya't hindi siya binibigyan ng importansya ng lahat.
 

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia Bossحيث تعيش القصص. اكتشف الآن