Chapter 54

53K 2.9K 1.2K
                                    

Nanatili lang akong nakatingin kay Trider na hanggang ngayon ay hindi pa rin gumagalaw. Bakas din sa mukha niya na nagulat siya sa sinabi ko. Well, sino ba naman ang hindi magugulat kung may babaeng magpapahubad sa damit mo diba?





Idagdag mo ba na nandito ako sa kwarto niya nang ganitong oras. Alas-onse na kasi ng gabi kaya sinong matinong babae ang mapapadpad sa kwarto ng lalaki ngayon?





Kapag may nakaalam siguro na nandito ako sa kwarto ni Trider ay siguradong sikat na naman ako sa buong training ground. Syempre iisipin nila na may ginagawa kaming kababalaghan ni Trider kahit naman na wala. Tsk!





'Although, napaka-hot niya ngayon sa harap ko ay kaya ko pa namang magpigil. Ehem! Ehem!'





Wait? Bakit ako pa ang kailangang magpigil? Hello? I'm a girl, hot and a goddess! Geez! Napailing na lang ako sa kalokohang pinag-iisip atsaka lumingon ulit kay Trider.




"What are you waiting for?" Nakataas-kilay kong tanong sa kaniya.




"Mi–milady, ano nga ulit yung sinabi mo?" utal-utal nitong tanong habang kapansin-pansin ang pamumula ng tainga nito.




'Oh my! He's so cute... But not normal! The supposed to be killing machine is acting like this? Isn't it weird?'





"I said, take off your clothes and sit beside me. Hurry!" kunwaring seryoso kong sabi.





Hehe! Ang sarap pala sa feeling kapag feeling mo superior ka sa isa sa mga male lead! Kaya habang wala pa ang si Lilian at hindi pa nagbabago ang ugali ni Trider ay lulubos-lubusin ko na ang pagkakataon.





"Yes, mi–milady." nahihiya niya pang sabi na agad niya ring sinunod. Tinignan ko siyang gumalaw hanggang sa nahawakan niya na ang ibaba ng damit niya at unti-unti itong tinaas.





*Gulp*




(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄




'T–too hot! He's too hot for me!'





May six-pack abs lang naman ang hinayupak kaya ngayon ay hindi ko maiwasan na tignan siya mula taas hanggang baba.




'Hmmm... This guy's body is more suitable to be a model! Not bad! Not bad!'





Kahit na maraming peklat ang katawan niya dahil sa hiwa ng espada at latay na galing sa mga taong nang-abuso sa kaniya noon ay masasabi ko na hindi yun nakawala ng appeal nito. Kung tutuusin ay mas lalong nagiging hot tignan ang katawan niya dahil don. Geez!





Isa pa ay kagagaling niya lang sa malnutrition, kaya kapag tumagal pa siya dito ay siguradong mas gaganda at lalaki pa lalo yung ano niya... katawan! That's right! That's right!





'*Light coughs* Ehem! Hindi talaga ako interesado sa katawan ng lalaki kaya walang malisya sa'kin ang makita niyan. I'm telling the truth! I'm not lying at all. Hehe!'





"Mi–milady, is this okay?"





Nabalik ako sa pagpapantasya–este pag-iisip nang marinig ang boses ni Trider na nasa tabi ko na pala nakaupo. This time, nakahubad na siya pero syempre nakasuot pa rin siya ng pants. Ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa kaniya kapag pati yun hinubad niya.





'Behave my demon self!'





Napaubo ako ng mahina atsaka sumeryosong tinignan ang sugat niya sa tagiliran, pero dahil sa malayo ang pwesto sa'kin ni Trider ay hindi ko masiyadong makita. Idagdag mo pa ang ilaw ng kwarto niya na lampara lang. Hindi naman obvious na binubully siya ng mga nasa training ground diba? Tsk! Humanda sila sa'kin!





Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now