Chapter 33

53.8K 2.8K 190
                                    


Tumingin sa'kin ang mga bisita nang marinig ang sinabi ni Mitchel. Nakikita ko sa mga mata nila na interesado sila sa kung anong regalo ang ibibigay ko kay Lord Caventry. Sa tono ba naman ng pagkakasabi ni Mitchel ay parang yung regalo ko ang pinakamaganda sa lahat.



'Damn! Mitchel is playing this childish game really well.'



"Lil' sis, alam ko na pinaghandaan mo nang mabuti ang regalo mo kay dad kaya excited na kaming lahat na makita 'yon. Am I right, everyone?" nakangiti niyang tanong sa bisita na agad naman nilang sinang-ayunan.



"I agree! Nung makita ko yung performance kanina ay alam ko na maganda rin ang regalo niya kay Lord Caventry."


"Yeah, right! I know that a goddess like her is a perfectionist!"


"Are you guys blind? It's obvious that Lady Mitchel's gift is perfect for the lord! No one can change my mind!"


"Tsk! Sa tingin ko the best pa rin yung regalo nina Young master Lucretius at Young master Glayder!"



Napailing na lang ako sa mga bulungan ng mga bisita. Bakit ba sila nagtatalo kung sino ang may pinakamagandang regalo? Hindi ba nila alam ang kasabihan na 'it's the thought that counts?'



Atsaka hindi ko pwedeng ipakita sa lahat ang regalo ko dahil siguradong kakalat 'yon sa buong Atlante. Ang masama pa ay kapag umabot 'to sa Eckheart family ay hindi nila ako titigilan hangga't hindi nila malaman kung paano ko naisipang gumawa ng 'bulletproof vest.'



"What's the matter with you, Athanasia?"



Napa-angat ang tingin ko nang marinig ang tanong ni Henry. Marahil nagtataka na sila sa bigla kong pagtahimik at hindi pagsagot kay Mitchel.



"My dear, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Madam Abella sa gilid. Tsk! Sigurado ako na hindi siya nag-aalala sa kalagayan ni Heavenhell kundi nag-aalala siya baka ipahiya ko naman ang sarili sa marami.



"I'm fine, mother. But my gift is a secret so I want to deliver it to my father later." seryoso kong sabi.



Napatahimik naman ang lahat nang marinig ang sinabi ko. Sa paraan ko kasi nang pagsasalita ay sinigurado ko na hindi na sila magkakaroon ng lakas para magpumilit pa. This is my way of speaking before I came here to this world and I used it before when I'm talking to my subordinates.



"O--ohh! Okay sister! It seems that my sister's gift for father is quite special so no one can see it." awkward na sabi ni Mitchel na kinatango naman ng lahat.



Hindi ko na sila pinansin at bumalik na sa upuan ko para mag-isip. Kung magaganap mamayang madaling araw ang operasyon ng mga Caventry laban sa mga Diaz ay kailangan kong masiguro na susuotin ni Lord Caventry ang bulletproof vest. Dahil kung hindi ay siguradong mangyayari ang mga problemang nakasulat sa nobela.



'For now, I want to make sure that my life is not in danger until the official start of this novel. Yeah, you can survive this Carnelia without them knowing that you already knew something.' 




***




After party ay dumiretso na kami sa hotel room namin. Malayo kasi ang Vile City sa Andrin City na siyang pagmamay-ari ni Lord Caventry, pero alam ko na palusot lang nila 'yon. Ang pangunahing dahilan kung bakit pa kami nandito ay para sa operasyon mamaya at ang nakakatuwa pa ay alam ng buong pamilya ang tungkol dito. Ibig-sabihin ay ako lang ang hindi nila sinabihan sa mangyayari.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now