Chapter 15

56.7K 2.9K 212
                                    

  

Tahimik kong pinagmasdan ang dinaraanan namin at masasabi kong moderno na ang lahat ng aking nakikita mula sa kalsada hanggang sa mga gusali ng Atlante. Well sa bansang ito ay may 13 Major Cities at the rest ay minor cities, provinces, towns and so on. 



Sa 13 major cities ay pagmamay-ari yun ng mga mayayamang tao sa bansa at sila rin mismo ang nagpapatakbo nito. Katulad na lamang ng lugar na tinitirhan ng pamilyang Caventry kung saan nakapangalan ito sa ama ni Heavenhell.





Ang pinakamalaking city sa buong Atlante ay pagmamay-ari ng mga Lucretius at sila ang namumuno sa lugar na 'yon kaya hindi nakakapagtaka na maraming alagad ang male lead ng nobela na 'to. 



Tinawag itong Vile City na pinangalan kay Vile na siyang pinaka-safe and at the same time pinaka-delikadong lugar sa Atlante dahil sa dami ng mga security doon. Kung balak mong magnakaw o gumawa ng masama doon ay pag-isipan mong mabuti dahil siguradong patay ka!





Ang second largest city ng Atlante ay ang Capital na Eldaim kung saan nandito ang Eldaim Palace na siyang lugar ng Presidente ng bansa. Kumpara sa ibang major cities na may nagmamay-aring pamilya, dito ay more on public at open sa lahat dahil government sect ang namumuno sa buong capital. 



Mas marami rin ang mga tao at dayuhan dito dahil sa mga public malls, entertainment companies at kung ano-ano pa na siyang kinagigiliwan ng mga tao. Well this is the busiest city in the whole country!



"We're here, my lady." rinig kong sabi ni Pira.



Napatingin ako sa isang shop na hindi kalakihan na may nakasulat na Chiara. So this is her shop name? Hmm... Bumaba ako ng kotse at nilibot ang buong paningin. Tsk! Tsk! Tsk! This place is isolated. I can't see  people at all! Gosh! Hindi na ako magtataka kung bakit wala siyang masyadong kinikita.



"Good morning, Lady Heavenhell." someone greeted with a sweet voice.





Napatingin ako sa entrance ng shop at nakita doon ang isang mature na babae. Well hindi naman siya talaga matanda, nagmukha lang dahil siguro sa stress at pagod. So this is Chiara Cardi? Brown ang buhok nito na hanggang balikat ang haba, may matangos na ilong, may maputing balat, hindi katangkaran, at maganda. Nakangiti akong lumapit sa kaniya at binati rin siya pabalik.



"Good morning, Ms. Chiara right?"



"That's right. Let's go inside first, my lady." magalang nitong sabi. Sinundan ko siya sa loob dala-dala ang black envelope na laman ng kontrata na kinapalooban ng mga plano ko. This is great! Finally, my plan is starting as of now!



Dinala niya ako sa maliit na kwarto na may maliit na sala, sa gilid ay may lamesa at upuan, at may maliit din na shelve sa tabi nito. Mukhang dito siya gumagawa ng mga designs niya na siyang binibenta niya sa hindi kalakihang halaga. 

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now