Chapter 53

52.3K 2.9K 1.1K
                                    

Katahimikan ang bumalot sa buong lugar kung saan kitang-kita ng lahat kung paano sakalin ni Trider ang isa sa tinuring na 'goddess' ng mga trainee. Hindi sila makapaniwala na may lalaki na magagawa yun sa magandang babaeng tulad ni Neri.


"L--let go of me!" utal-utal na sabi ni Neri habang pinipilit na huwag matakot sa mata ng lalaking nasa harap niya ngayon.


'Na–nagagalit siya ng dahil lang sa sinabi ko kay Lady Heavenhell?!' Hindi makapaniwalang isip-isip ni Neri habang pinoproseso ang impormasyong nalaman niya.


Nanatiling tahimik si Trider at mas lalong hinigpitan ang hawak sa leeg nito.


'I will kill this bitch for saying those things about her!', malamig na sabi ni Trider sa kaniyang sarili.



"H–hey! Sh–she might die! Let go of her!" kinakabahan na sabi ng isa sa mga trainee sa takot na baka mapatay niya si Neri.



Nang magsasalita na sana ang iba sa kanila ay isang nakakatakot na tingin lang ang binigay sa kanila ni Trider na sabay-sabay nilang kinalunok. Ayaw man nilang aminin pero natatakot talaga sila sa mga tingin ng binata. Pakiramdam kasi nila ay mamamatay sila kapag pinagpatuloy nila ang kanilang sasabihin.


"P–please, bi–bitawan mo na siya, Trider!" Paki-usap ni Lea nang makita na nawawalan na ng hininga ang kaibigan.


"T–Trider, let go! Hindi mo ba alam na si Lord Henry ang nagpasok sa kaniya dito!" Utal-utal na sigaw ni Marie.


Tinignan lang siya ng binata atsaka lang niya binitawan ang pagkakahawak niya sa leeg ni Neri. Napangiti naman si Marie nang makita na sinunod siya ni Trider. Sa isip-isip niya ay kaya niya binitawan si Neri kasi natatakot ito kay Lord Henry at ganoon din ang naiisip na dahilan ng ibang trainee na nanonood.



Ngunit hindi pa sila tapos mag-isip nang marinig nila ang malamig na boses nito na siyang kinagulat ng marami.


"See you at the battlefield tomorrow. Don't go back on your words." malamig na sabi ni Trider atsaka tumalikod para umalis sa lugar.


Naiwang nakanganga ang lahat habang nakatingin sa pigura nitong papaalis.


"H–he still wants to fight?"


"W–why do I feel like the two Caventry will be at war because of this?"


"Do you think Lady Heavenhell can fight with his brother?"


"Impossible!"


"Bro, manood tayo bukas!"


"Sige tutal siguradong magiging exciting ang labanan sa pagitan nila."


"Sino kaya ang mananalo?"

Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now