Chapter 57

62.9K 3.2K 3.4K
                                    

Napatigil ang lahat nang marinig ang sigaw ng lalaki. Sino ba naman ang matinong sisigaw ng ganon sa party diba?



"But wait... What did that jerk just say?"



"Finally! I've found you! My first true love, please marry me!"




O_O




Literal na nanlaki ang mata ko sa gulat nang ma-realize ang sinabi ng animal. He wants to marry me?! At anong trip niya sa buhay at may pa-first true love pa siyang nalalaman!




Hindi ko na lang tinignan ang lalaking sumigaw at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad pababa ng stage. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakatapak sa panghuling hagdan ay nakita ko na ang pigura ng lalaki na bigla na lang lumuhod sa harap ko. What the heck?




"Miss, you are my world so please marry me!"




Napahinga ako ng malalim atsaka tumingin sa lalaki. Nang makita ko ang kabuohan nito ay hindi ko maiwasang mapaatras.




'Oh my fucking shit! This guy is...'




"Deyl!!!"




Lahat ay natauhan, maging ako ay natigilan nang marinig ang sigaw ni Clive na seryosong papalapit sa pwesto namin. Sa itsura niya ngayon ay pawang handang-handa na siyang banatan ang pinsan niya.




"Yeah, right! Ang animal lang naman na nag-propose sa harap ko ay ang pinsan nilang si Spencer Deyl Leywin na tinalo pa ang babae sa kalandian Aish! Ngayon masasabi ko na buo na nga ang "The three idiots" ng nobela."




"What did you say just now?! Do you want to die, huh?" Nakakunot noong tanong ni Clive sa pinsan niyang nakaluhod pa rin sa harap ko habang may hawak-hawak na box ng singsing. Ewan ko nga kung saan niya nahugot 'yan at mukhang handang-handa na siyang magpakasal.




"Hehe! My dear cousin, don't be angry, okay? Are you not happy that I finally found my true love?" Nakangiting tanong naman ni Deyl na mukhang tanga sa itsura niya.




Actually, gwapo talaga 'tong si Deyl. Kulay black ang buhok nito, may mahabang pilik-mata, matangos ang ilong, mapupulang labi, matangkad, kulay blue ang mata, makinis at may magandang pangangatawan. Kaya naman ang ending ay maraming nabibiktima 'tong male character na 'to.




"Tsk! Pero bakit nga ba siya nandito ngayon?"




Sa pagkakatanda ko kasi ay nasa ibang bansa pa ito at nag-aaral kaya nakakapagtaka na bumalik na siya kaagad. Ang masama pa ay mukhang gagawin niya pa akong target dahil kalandian niya. Aish!




"Heh! True love your ass! You know that Venven is not someone you can get!" Sagot naman ni Clive na halatang-halata mong may pinaglalaban.




"That's right, Deyl! You better stand up and go find your own seat!" singit ni Lemuel nang makalapit na rin siya sa'min.




"Psh! Fine!" Tumalikod na si Deyl at akmang aalis na nang bigla ulit itong lumingon sa'kin. Oh?




"Ms. Heavenhell, please think about my proposal. I'll go find you some other day." After he said that, he winked at me then left.



Dahil sa kung ano-anong pinagsasabi ni Deyl ay nagsimula na namang magbulungan ang mga bisita. Actually, mukhang hindi na siya bulong dahil rinig na rinig ko pa rin sila pwesto ko.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now