Chapter 34

53.5K 2.8K 463
                                    


"Miss, where are you going?"



Nang marinig ko ang boses ng lalaki sa likod ko ay alam ko na agad kung anong pakay nila. Well, sa tantsa ko kasi ay apat silang nandito sa parking lot ng La Trion at inaabangan ako kanina pa. Sa hula ko ay hindi naniwala si Mr. Diaz sa mga sinabi ng mga tauhan niya tungkol sa'kin, kaya pinag-utos niya ulit na ipadukot ako kahit na anong mangyari.



Tsk! Tsk! These people from the Diaz family don't even have a single idea that the Caventry mafia group is coming to their territory. I wonder how surprised they will be when that time comes.



Nang marinig ko ang paghakbang ng tatlong lalaki papalapit sa'min ay tsaka ko lang tinanggal ang helmet at hinarap sila.



"Why are you asking me? Do I know you guys?" pa-inosente kong tanong habang nakaupo sa motor at pasimpleng pinagmasdan ang buong parking lot.



Halos matawa na lang ako sa sarili kong gagawan nang makita na kahit isang bantay ay wala rito sa pwesto namin. Hayys! Katatapos ko lang takasan ang mga gwardiya at siniguro na walang makakakita sakin, tapos naging dahilan pa pala 'yon para malapitan ako ng mga taong may balak kumuha sa'kin.



*Sighs* 'Tignan mo nga naman ang buhay ohh!'



"Lady Heavenhell, mas mabuting sumama ka na lang sa'min ng maayos." seryosong sabi ng lalaking nakasuot ng itim na t-shirt at mukhang hindi nakaligo ng isang buwan sa itsura.



"H--huh? Why are you doing this to me? Did I offend anyone of you?" pagkukunwari kong natatakot. Nakita ko naman ang pagngisi ng apat at marahang lumapit sa'kin na pawang ako ang kanilang ulam sa hapunan.



'Damn, Carnelia! Stop thinking weird things and be serious!'



"Hahahaha! Don't worry, miss, because we will take care of you! It's just that our boss wants you alive." nakangising sabi ng isa na nagmumukha ng aso ngayon.



"That's right, miss! We will have fun together, so come with us!" sabat naman ng lalaking naka-red na dinaig pa ang kanal sa baho ng hininga.



'Geez! Carnelia, your mouth is bad but honest!'



"Sorry but I'm going somewhere so I can't come with you. Goodbye!"



Nang tatalikod na ako ay agad na lumapit sa'kin ang isang lalaki at akmang hahablutin ang braso ko, pero bago pa niya yun magawa ay naunahan ko na siyang sipain sa tagiliran na kinagulat nilang apat. Mukhang hindi inaasahan ng damuhong sinipa ko na kaya ko siyang saktan kaya bigla-bigla na lang sumusugod nang walang pag-iisip. Tsk! So unprofessional!



"Y--you?" hindi makapaniwalang sabi nito habang nakaluhod at hawak-hawak ang bewang niyang nasipa ko.



'Okay? What's wrong with him?'



Ako lang ba o sadyang o.a lang ang lalaking 'to? Sa pinapakita niya kasi ngayon ay parang sobrang sakit ng ginawa ko sa kaniya, ganoong sinigurado ko naman na mahina lang ang pwersang ginamit ko.



"That's all?" bored kong sabi habang isa-isa silang tinignan ng nakangisi.



"W--who are you?!"



"Oh? What do you mean by that? You don't know your target anymore?" natatawa kong sabi nang makita ang pagtataka sa mukha nila.



"So you knew huh? Then let me fight this kid." seryoso na sabi ng isa na kanina pa tahimik sa gilid. Sa tingin ko ay nasa 40's na siya at tumatayong lider ng tatlong bugok sa gilid.



Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now