Chapter 6

52.9K 2.9K 188
                                    


Tinignan ko ang nasa pinto at nakitang ang isang gwapong lalaki na siyang pinakamatagal na nagtatrabaho sa pamilya nila Heavenhell—si Butler Kajik. Sa novel kasi ay walang nakakatagal kay Lord Caventry dahil kadalasan ay espiya ang mga taong nakukuha niya.




Kaya ngayon kahit na 35 pa lang siya, ay siya na ang isa sa mga pinagkakatiwalaan na tao ng daddy ni Heavenhell. Kaya hindi na ako nagtaka nang siya mismo ang sumundo sa'kin dito sa probation room.



"Aiya! Tignan mo nga naman oh! Ang bilis talaga kumalat ng balita at wala pang isang oras ay pinapatawag na agad ako. Well, hindi naman ako excited makita ang pagmumukha ng tatay ni Heavenhell dahil badtrip ako sa kaniya."



Hmm... Ano naman kayang pag-arte ang ginawa ng bruha para mapabilis ang pagkikita namin ng daddy ni Heavenhell? Sigurado ako na malupitang pag-iyak ang pambato ng animal.




Tsk! Hinangaan bilang isang magaling na assassin pero iyakin? Sinong niloko ng bruha?!




"Lady Heavenhell, follow me." May paggalang na sabi nito ni Butler Kajik. Tinanguan ko lang siya dahil wala akong sa mood para makipag-plastikan sa mga gaya nila.




Kahit na expected ko na naman na ipapatawag ako ay hindi ko pa rin maiwasang mainis sa nangyayari. Kung pwede nga ay tumakas na ako dito ng maaga ay ginawa ko na. Kaya lang siguradong ako naman ang tatargetin ng mga kalaban ng mga Caventry kapag nagkataon.




"Aish! Kapapasok ko pa lang sa mundong 'to tapos ang dami ko na kaagad na problema!"




"How are you, my lady? Are you feeling well?" Biglang tanong ng butler na kinataas ng kilay ko.



"I'm fine. You don't have to ask about my well-being Butler Kajik." Walang gana kong sabi.




Bastos man ako pakinggan pero wala akong pake sa mga katulad nila. Like duh? Bakit ko gagalangin ang mga taong hindi binigyang pansin si Heavenhell noong mga panahong wala siyang masasandalan? Ano sila special?




Nakita ko ang bahagya nitong pagtigil pero agad ding bumalik sa paglalakad. Alam kong nagulat siya sa inasta ko dahil ang kilala niyang Heavenhell ay gagawin ang lahat para mapansin ng pamilya niya.




Sa novel ay palagi itong nakabuntot sa butler sa kadahilanang gusto ni Heavenhell na mapalapit sa mga taong palaging kasama ng daddy niya. Malas niya na lang dahil hindi ako kasing tanga ng amo niya. Tsk!




"Lady Heavenhell, we've arrived." Bahagyang nakayuko nitong sabi at binuksan ang pinto ng opisina.




Sinundan ko na lang siya sa loob at tinitigan ang ama kuno ni Heavenhell. So that's him? Well, in fairness, napakagwapo din ng ama ng bruha kaya hindi na ako magtataka kung saan nagmana ang kagandahan ni Heavenhell.




"Tsk! Buti naman at kahit papaano pala ay may nagawa ring tama itong si Lord Caventry! Kung sa pangit lang napunta ang mabait kong kaluluwa ay talagang magwawala ako!"




"Good day, Lord Caventry." Bati ko rito at bahagya ring yumuko bilang paggalang. Habang nakayuko ay hindi ko maiwasang mapataray sa pinaggagawa ko. Respect who?!




Napaangat ako ng tingin nang hindi siya magsalita, dahil dito ay nagkaroon ako ng pagkakataon na matitigan ang kabuohang itsura nito.




Reincarnated as a Stupid Daughter of the Mafia BossWhere stories live. Discover now