章节-1

1.3K 55 3
                                    

*Ang nobelang ito ang pangalawang kwentong aking inilimbag noong ako ay labing-anim na taong gulang pa lamang. Iyo sanang pagpasensysahan ang mga kamaliang nakasulat sa nobela, maraming salamat sa pag-unawa at mahal ko kayo!*

Featured Song: My One and Only (Cover by Julie Ann San Jose)

"Napaka-wala mong kwenta!"sigaw ng isang ale habang sinasampal ang isang babae sa labas ng bahay-aliwan

Malakas ang buhos ng ulan at madami ring tao ang nakasilong sa mga katabing establisymento upang maki-usyoso sa mga nangyayari.

"alam mo ba na si Senyor Yanlin and isa sa mga pinaka aristokratikong kostumer natin?!paano mo siya nagawang tanggihan at ang mas malala pa ay nagawa mo siyang sampalin?!nahihibang ka na ba ha?"

Aristokrat(Tagalog)-mga taong mataas ang antas sa lipunan o ipinanganak sa isang mayaman/mapimpluwensyang pamilya.

"h-hindi ko po sinasadya"naiiyak na sambit ni Fei habang naka-luhod sa harapan ng matandang babae na namamahala sa pinagtratrabahuhan niyang bahay-aliwan

"simula ngayon ay hindi ka swesweldo ng limang buwan!magpasalamat ka nga at paborito kong mananayaw noon ang ate mo kundi ay baka napalayas na kita ngayon!"sigaw niya sa dalaga na umiiyak habang basang basa sa ulan

Noong labing limang taong gulang palang si Fei ay namasukan na siya sa bahay-aliwan bilang isang mananayaw dahil sa tulong ng kanyang ate,dahil sa wala silang pagpipilian.Hindi sila makapasok sa mga ibang klaseng trabaho na pwede mong pasukin dahil sa wala silang napagaralan.At ang mas malala pa ay hindi din alam ni Fei kung sino nga ba talaga siya at kung sino ang kanyang mga magulang.Basta't ang alam lamang niya ay kinupkop siya ng kanyang ate,inalagaan,pinalaki at minahal na parang tunay niyang kapatid.

At hindi niya aakalain na sa lugar kung saan ang akala nilang pagkakakitaan ng pera ang siya ding magiging kapahamakan sa kanilang magkapatid.Noong labing walong taong gulang na si Fei ay tsaka naman nagkasakit ang kanyang ate kaya naman wala siyang ibang pagpipilian kundi ang magtrabaho magisa para sa kanila ng kanyang ate.At hanggang ngayong dalawampung' taong gulang na siya ay nagtitiis parin siya sa lugar na ito.

"S-senyora,maawa po kayo saamin.Wala po akong ipambibili ng gamot ng kapatid ko"halos humagulgol na ang dalaga dahil sa pagmamakaawa sa senyora ngunit tinitigan lamang niya ito tsaka umalis

Dahan-dahang tumayo ang dalaga at naglakad paalis doon.Kahit na tinititigan siya ng madaming tao ay hindi niya ito pinansin at naglakad nalang pauwi.Mabuti nalang din at tumila ang ulan.

Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit niya pa yun ginawa at dapat nalang ay hinayaan niyang gawin iyon sa kanya kahit na labag sa kanyang kalooban para lamang sa kanyang kapatid.

"Hindi ko na dapat yun ginawa"mahinang sambit niya sa sarili

Tuloy-tuloy lamang ang kanyang paglalakad noong bigla siyang itulak ng isang lalake at nadapa silang dalawa sa kalye.

Nagulat si Fei noong nakita niya ang isang binata na nakadagan sa kanya,kaya naman agad niya itong itinulak at nasubsob ulit ang binata.

"A-aray naman"mahinang reklamo nito

"Anong ginagawa mo?bakit bigla bigla ka nalang nanunulak ng tao?"agad na tumayo si Fei at kinompronta ang lalake

"Binibini,alam mo ba na iniligtas kita mula sa kapahamakan?"tumayo na din ang binata at nagpagpag ng damit

"Ano bang pinagsasabi mo?anong kapahamakan?teyka---"agad na umatras si Fei dahil sa kanyang napagtanto

Noong bigla siyang sumigaw "Ahhhh!!tulungan niyo ako may bastos dito!!tulong tulong!!"

Agad na tinakpan ng binata ang kanyang bibig upang matigil ito sa kakasigaw.

"Ano bang ginagawa mo?"bulong niya kay Fei

Biglang tinanggal ng dalaga ang kanyang kamay sa bibig nito at nagpameywang sa harapan ng lalake.

"Bakit?totoo naman diba---"

"Pasensya ka na iha,hindi ko sinasadyang banggahin ka,mabuti nalang at agad kang naitulak ng binatang ito dahil kung hindi ay baka nabangga ka na ng aking kabayo.Hindi ko alam na nagugutom pala ang alaga kong iyon at nagdala pa ng kapahamakan saiyo"

Natigil si Fei sa pagsasalita dahil sa narinig niyang iyong at dahan-dahan siyang lumingon sa lalakeng katabi niya ngayon na naka-halukipkip at naka ngisi na ngayon.

"Pasensya ka na talaga iha,at sayo na din iho"

"Ayos lang po"sagot ni Fei at ngumiti ng tipid

Umalis na ang lalake sa harapan nila noong nahihiyang yumuko at nagbigay galang si Fei sa harap ng binata.

"Pasensya na ginoo,hindi ko sinasadyang pagbintangan ka.Inaamin kong mali ang hinala ko at nagkamali ako,sana ay patawarin ninyo ako"

"Ang sakit mo pa naman manulak"mahinang bulong ng binata sa kanyang sarili noong narinig ito ng dalaga at napatawa ng kaunti

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?alam mo bang ang sakit na ng mga braso ko dahil sa tulak mo?nadapa na ng ako kanina,itinulak mo na naman ako para madapa"pagmamaktol niya na parang bata

"Pasensya na po,ginoo"yumuko ulit siya sa harapan nito

Biglang lumapit ang isang lalake sa binata na kanina lamang ay kausap ni Fei at nagbigay galang sa harapan nito.

"Pasensya na po ka---"agad na tumigil ang lalake sa pagsasalita noong tinapik siya ng binata

"A-ah u-uhm pasensya na po senyor at nahuli ako ng dating"sambit nito at nagbigay galang

"Oh siya,mauuna na ako"ngiti ng binata kay Fei bago naglakad paalis at kumaway

Hindi kumaway pabalik ang dalaga at sa halip ay pinanood lamang silang umalis.

"Hindi pa pala ako naka pagpasalamat sa kanya"sambit niya sa sarili

Naglakad na lamang siya pauwi at siniguradong walang bakas na makikitang umiyak siya dahil paniguradong magaalala ang kanyang kapatid at ayaw niya itong mangyari.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kanilang bahay at siniguradong maayos ang kanyang itsura.Inayos niya ang kanyang bistida at sinuklay ang kanyang buhok bago pumasok sa silid ng kanyang kapatid.

"Nakauwi na po ako"nakangiting lumapit si Fei sa kanyng ate na nakahiga at nakangiti din dahil ligtas na nakauwi ang kanyang bunsong kapatid

"Ipaghahanda po kita ng pagkain,saglit lang at ipapa-init ko muna ito"

"Sige"mahinang sagot ng kanyang kapatid

Lumabas na siya sa silid nito at isinara ang pintuan noong naka rinig siya ang mahinang katok sa pintuan.

Dahan-dahan siyang lumapit dito at nagulat siya noong biglang nawala ang katok.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto hanggang sa nagulat siya sa kanyang nakita...

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now