章节-22

247 11 3
                                    

Napakamot nalang sa kanya ulo ang emperador.

"Huwag niyong pansinin ang aking sinabi kanina lamang"

"Kamahalan,laro lamang ito sana ay huwag niyo ito masyading damdamin"sambit ni Luhan

"Sino ang nagsabing dinadamdam ko ito?"bigla itong nagseryoso kahit na pilit lamang ito sapagkat ayaw niyang mahuli siya

"Kung gayon ay i-anunsyo mo an ang mga susunod na magkapares"utos ni Luhan sa tagapagsilbi ni Lanlan

"Ang emperatris at si binibing Ming-na"

"Mukhang naka tadhana yata kami ng empertaris sa larong ito"biro ni Ming-na at ang emperatris ay tunawa na lamang at napa-iling

"Ang emperador at ang unang ranggong gwardiya"napangisi nalang ang dalawa sa isa't isa"At ang huling pares ay ang prinsesa at si konsorte Yang"

Inis na napairap na lamang si Lanlan ng palihim kay Jia ngunit nakita ito ng emperatris kaya naman sinuway niya ito.

Patuloy padin na naaalala ni Lanlan ang ginawa noon ni Jia na pagpapahiya sa kanya dahil inakala niyang isa lamang itong tagapagsilbi dahil naka damit siya bilang isang labandera ng palasyo upang makalabas ng palasyo at mag liwaliw.Masyado ding arogante ang ugaling ipinakita nito sa kanya noon at ngayon ay para siyang isang anghel na walang pakpak.

Bugtong-bugtong ang pangalawang laro nila at ang nagwagi ay sila Luhan at si Fei sapagkat kilala ang prinsipe bilang isang matalino at masipag sa pagaaral kaya naman masyadong madalin para sa kanya ang mga bugtong.

Ang huling laro naman ay ang pamamana at tagiisang miyembro lamang ng isang pares ang maglalaro nito habang ang isa naman ay manonood at susuportahan ang kapares niya.Si Ming-na ang kapares ni Luhan kaya naman masayang-masaya ang dalaga sapagkat nakapares niya ang lalakeng nagugustuhan niya.

"Konsorte Yang at ang unang rangong gwardiya,ang emperatris at ang prinsesa at ang huling pares ay ang kamahalan at si konsorte Ling"

Biglang nagseryoso si Jia at humarap na lamang kay Zian na nakatingin din kay Yuan at Fei.Isang kakaibang tingin..

"Zian"

"Zian?"ulit na tawag ni Jia dito

"May problema po ba?"agad itong natauhan at seryosong humarap kay Jia

"Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang po ako"tipid na sagot nito at nagbalik na sa dating huwisyo

Nagtaka naman si Jia at tinitigan si Fei habang tipid na nakangiti habang nasa tabi ni Yuan.Agad itong nakaramdam ng selos at naikuyom na lamang niya ang kanyang mga kamao.

"Hindi ako papayag"mahina nitong sambit sa sarili

Ang hindi niya alam ay kanina pa pala siya tinitignan ng kaibigan niyang si Ming-na habang nagaalala dahil kilala niya ang kaibigan at alam niyang may binabalak ito.

Si Zian,ang prinsesa,si Luhan at si Yuan ang maglalaban sa laro ng pamamana.Nakapwesto na silang apat sa harapan ng mga tatamaan nila habang ang kanilang mga kapares ay nanonood sa kanila.

"Kaya mo yan Luhan"sambit ni Ming-na at tinapik ang balikat ni Luhan habang ito ay nakangisi lamang

Para kay Luhan ay isang kaibigan lamang ang tingin niya kay Ming-na at wala ng iba.Ngunit para kay Ming-na ay ayos lamang ito basta't ang importante ay nasa tabi niya ito.

"Kamahalan,alam kong bihasa ka dito kaya alam kong ikaw ang mananalo"sambit ni Jia habang nakangiti ag nginitian naman ito ni Yuan pabalik

Tumingin na lamang si Liye kay Fei dahil alam niyang ito ang mas nasasaktan sa kanyang nakikita.Dahil para kay Fei na itinuturing na niya bilang isang nakababatang kapatid ay handa siyang magparaya para sa kanya kahit pa ang posisyon nito dahil alam niyang siya lang ang karapat-dapat dito.

"Huwag kang pakasisiguro,palibhasa imbes na kapares mo ang sinusoportahan mo e"mahinang sambit ni Lanlan sa tabi

"Lanlan huwag mo akong simulan ngayon"seryosong saway ni Yuan kay Lanlan

"Patawad,kamahalan"

"Ayos lang kamahalan,bata pa ang prinsesa at madami pa itong dapat pagaralan"para bang nangaasar ang pagkakasambit ni Jia sa salitang 'bata pa'

Patago na lamang itong inirapan ni Lanlan.Habang si Liye ay umiling nalang at napabuntong-hininga sa naging asal ng prinsesa.

Sa unang laro ay ang prinsesa ang nanalo.Sa pangalawang laro naman ay biglang naging patas ang tinamaan ng emperador at ng prinsipe kaya naman dalawa silang nagwagi sa pangalawang laro.

"Teyka parang masyado itong madali,nais kong lagyan niyo ng mga metal na bilog ang paligid ng target namin upang mas maging masaya!"suhestyon ni Lanlan

Nagsimula na ang pangatlong laro.Dito na masusukat kung sino ang pinakamagaling at kung sino ang panalo ay siyang mabibigyan ng pagkakataong pumili ng isang tao na nais niyang samahan sa labas ng palasyo ng isang araw.

"Sino ang pipiliin mo kung sakaling lalabas ka ng palasyo?"tanong ni Luhan ng hindi tumitingin kay Yuan at hinihintay na simulan ni Zian ang laro

"Isa itong sekreto"ngisi nito sa kapatid kaya naman napailing na lamang si Luhan at ngumisi din dito

Tumama ang palaso ni Zian sa target ngunit hindi siya magwawagi sapagkat isang puntos lamang ang nakuha niya.Tinapik na lamang ito ni Yuan habang palihim na tumatawa dahil naaawa ito sa kaibigan na matagal ng hindi nakalabas ng palasyo.Sa pagkakataong ito ay nagmintis na ang palaso ng prinsesa kaya naman hindi ito nakakuha ng puntos.

"Si Fei ang pipiliin ko kapag ako ay nanalo"kaagad na napalingon si Yuan kay Luhan noong sinabi niya ito

"Kung gayon ay si Ming-na ang pipiliin ko kapag ako ay nanalo"bawi naman ni Yuan sa kapatid

"Simulan na natin ang laro"nakangising sambit ni Luhan at itinaas na ang kanyang pana na anumang segundo ay pwede nang tumira

Nagulat sila noong bigla ding inihanda at pumwesto si Yuan.At sa isang segundo lamang ay sabay na nagpalipad ng palaso ang dalawang binata.

"Ang nagwagi ay ang emperador!"masayang anunsyo ng mga tagapagsilbi na nanonood

Kaagad na tumayo ang lahat at pumalakpak sa kanya sapagkat siya ang nagwagi sa laro sa taong ito.Tinapik na lamang niya ang prinsipe sa balikat na nakangisi at pinapalakpakan siya.

"Kung gayon ay sino ang pipiliin mong makasama sa labas kamahalan?"tanong ni Ming-na

Para bang isang hibang si Fei na kinakabahan sa pangalang babanggitin ni Yuan at umaasa na siya ang babanggitin nito.Kahit pa malabo..

"Konsorte Yang,maghanda ka bukas at lalabas tayo ng palasyo"

Durog na naman ang puso ng dalaga sa hindi mabilang kung ilang pagkakataon.

"Pasensya na ngunit biglang sumama ang aking pakiramdam,aalis na muna ako"nagbigay galang siya kay Yuan ng hindi tumitingin sa mga nito

"Teyka Fei.."sambit ni Liye

Naglakad na siya papalayo kasama si Mingyu hanggang sa makalayo-layo siya at tumakbo nalang habang umiiyak.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now