章节-5

472 29 0
                                    

Hindi mawari ni Fei kung bakit kanina pa siya tulala habang nakangiti sa labas ng kanilang bahay habang naka sandal sa isang puno.

Nakatanaw siya sa magandang tanawin ngayong gabi at dinadamdam ang malamig na simoy ng hangin habang bilog ang buwan.

"Yuan.."sambit niya sa kawalan habang naka ngiti

Kinuha niya ang maliit na kahoy at isinulat sa lupa ang pangalan ng binata.

"Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay ang 'una o simula' "

"At kaninong pangalan naman iyon?"agad na binura ni Fei ang pangalan na nakasulat sa lupa noong narinig niya ang boses ng kanyang kapatid

"May itinatago ka ba saakin?"pangaasar nito sa nakababatang kapatid

"Ha?w-wala,ano naman ang itatago ko sayo?"pagiwas nito mula sa mapanuksong mga mata ng kapatid

"Talaga ba?"

"Mauuna na ako ate,magluluto pa pala ako ng pagkain natin"agad na tumakbo papasok sa kanilang bahay na siyang ikinatawa ng kanyang ate

Hindi din naman makatulog ang binatang si Yuan at paulit-ulit na papalit-palit ng pwesto sa kanyang kama hanggang sa napagpasiyahan nalang niyang bumangon at uminom ng kape.

Lumabas siya sa kanyang silid at tinawag ang kanilang tagapagsilbi upang paghandaan siya ng mainit na kape.

"Hindi ka ba makatulog?"paglapit ng kanyang gwardiya na pinakamatalik din niyang kaibigan

Si Zian.

"Hindi eh,hindi ko din alam kung bakit ngayon lang ito nangyari sakin"

"Baka masyado kang napagod sa mga sunod-sunod na mga gawaing naiatas sayo"

"Siguro nga"

Lumapit ang tagapagsilbi na kanyang inutusan at ibinigay ang kanyang kape "Ito na po ang inyong kape"

Pumasok na siya sa loob ng kanyang silid at napaupo sa kanyang kama.Pero hindi niya mawari kung bakit hindi niya maalis sa kanyang isipan ang dalagang iyon kahit na dalawang beses pa lamang sika nagkikita.

"Ano ba tong nangyayari sakin"napailing nalang siya at bumalik nalang ulit sa pagtulog

Naka ramdam nalang ulit ng mahinang pag yugyog sa balikat si Fei at dahan-dahang gumising.Umaga na pala at oras na naman para magtrabaho,ngunit kapag naaalala niya ang heneral na iyon ay para bang nais nalang niyang tumakas sila ng kanilang kapatid at iwan ang bahay-aliwan.

"May problema ba Fei?noong isang araw ko pa napansin na parang may malalim kang iniisip,may nangyari ba sa bahay-aliwan?"mahinhin na tanong ng kanyang ate

"Ate..."

"Bakit?anong nangyari?"nagaalalang tono nito

"Nagbalik na si...senyor Y-yanlin"

Napatulala nalang ang kanyang kapatid sa nabalitaan nito.Sariwang-sariwa padin sa kanyang alala-ala kung paano siya iniwan at tinalikuran nito noong nalaman niyang buntis siya hanggang sa nakunan siya na dahilan ng paghina at pagkakasakit niya hanggang sa lumala ito at nalaman nila na lumala na din pala ang sakit nito sa puso na sakit pa niya mula sa pagkabata.

Sa loob ng apat na taon na nawala ang lalakeng dumurog sa kanya ay unti-unti na siyang nakapag-patuloy na mamuhay ng payapa,pero ngayon ay nagbalik na ulit siya pagkaraan ng apat na taon...paano na..

"Ate.."nagaalalang sambit ni Fei

Humarap ito sa kanya at ngumiti ng mapait "Ilang taon na din ang nakalipas,nakalimutan ko na din siya at nakapamuhay na ako ng payapa kasama ka,doon palang ay masayang-masaya na ako"

Nagyakapan na lamang ang magkapatid habang iniisip ang mga paghihirap na kanilang dinanas mula pagkabata.Kaya naman malaki ang utang na loob ni Fei sa kanyang ate dahil sa pagmamahal at pagaaruga na ibinigay nito sa kanya,hindi lamang nilang kapatid kundi bilang isang ina na rin.

"Sige na magayos ka na at baka mahuli ka pa"tumawa ang kanyang ate na kumawala sa kanilang yakap habang pinupunasan ang kanyang mga luha

Habang papunta sa bahay-aliwan na kanyang pinagtratrabahuhan ay may bigla siyang nakita na isang panyo na panlalake.

"Magugustuhan niya kaya ito?"tanong niya sa sarili habang hawak ang panyong ito

"Nais mo ba itong bilhin binibini?"tanong ng matandang lalakeng tindero sa kanya

"Magkano po?"

"Dalawang renmibi(chinese money) lamang binibini"

"Sige po kukunin ko ito"masayang sagot ni Fei habang hawak-hawak ang asul na panyo na may naka tahing mga bulaklak sa gilid

Sana magustuhan niya,sambit nito sa kanyang isipan habang nakangiti.

"Ang mga taong bibili daw niyang at magbibigay sa kanilang mga minamahal ay tiyak magtatagal daw ang kanilang relasyon"nakangiting sambit ng tindero

"M-minamahal?"gulat na tanong ni Fei "Teyka hindi ko po siya---"

"Binibini,huwag mong pigilan ang nararamdaman mo.Sundin mo ang tinitibok ng iyong puso at sa kung saan ito sasaya"

Nalilitong tumalikod at naglakad si Fei palayo habang hawak ang panyo na siyang ibibigay niya kay Yuan bilang pagpapasalamat sa ginawa niyang pagtulong sa kanya.Pero hindi niya inaakalang iba ang pagkakaintindi ng tinderong iyon.Napailing nalang siya sa kanyang iniisip.

"Hindi maaari,hindi ko pa siya lubos na kakilala kaya paano ko siya magugustuhan.Kabaliwan"

Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad noong nakita niya ang grupo ng mga bata na nakatayo sa harap ng isang kainan at nakatanaw sa bubungan nito kaya naman tinignan din ni Fei kung ano ang kanilang tinititigan.

Isang saranggola na naka-tali sa bubungan.Mukhang noong ipinalipad nila ito ay nasabit doon.

Nasipat ng dalaga ang isang gawang kahoy na hagdan.Itinapat niya ito sa bubong kung saan nakatali ang saranggola at inakyat ito.

"Sandali lang mga bata at kukunin ko ang inyong saranggola"nakangiti niyang lumingon sa baba kaya naman nagsipalakpakan ang mga bata dahil sa saya

Pilit niyang inaalis ang tali na nakabuhol sa gilid ng bubongan ngunit hindi padin ito matanggal.Pinilit niya itong hilain gamit ang dalawa niyang kamay hanggang sa nahila niya ito kaya naman napangiti siya at lumingon sa baba upang tignan ang mga bata noong biglang gumalaw ang hagdang kahoy at nawalan ito ng balanse kaya naman napasigaw siya noong nahulog siya.

Napapikit na lamang siya pero hindi niya inaasahang may biglang sasalo sa kanya.Gulat niyang iminulat ang kanyang mga mata kaya naman bigla silang nagkatitigan ng lalakeng siyang sumalo sa kanya.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now