章节-27

220 10 1
                                    

"Teyka,pagawaan ito ng mga damit"tumigil si Fei at pinagmasdan ang labas ng establishimentong ito na gawa sa kahoy at may dalawang palapag

"Magpapatahi ako ng damit ni Jia bilang regalo"nauna na itong maglakad

Nawala ang mga ngiti ni Fei at napabagsak nalang ang mga balikat nito.Pasimple naman siyang nilingon ng binata at napangisi dahil sinasadya niya talagang paselosin ito.

Pumanhik na sila sa loob at nakikipagusap pa si Yuan sa isang mananahi at nagtatanong kung maaari bang magpagawa ng tatlong bistida ngayong araw at kukunin niya rin mamayang gabi kahit dagdagan pa nito ang bayad.Mabuti na lamang at napapayag niya ito.Inilibot na lamang ni Fei ang kanyang paningin sa loob,totoo nga ang sabi nilang ito ang pinaka magandang bilihan at panahian ng damit dito sa bansa.

"Sino po ang aking susukatin ginoo?"tanong ng mananahi na nakasunod kay Yuan at para bang kinikilig ito habang kausap siya

"Ang dalagang ito"turo niya kay Fei

"Teyka ako?bakit ako?akala ko ba kay J-jia ito?"takang turo ni Fei sa sarili

"Magkaparehas lang kayo ng sukat at magkasing tangkad kayo kaya alam kong magkasing katawan kayo"

Wala ng nagawa si Fei kundi ang magpasukat sa mananahing dalaga.Noong napansin niyang hindi siya sinusukat ng maayos ng mananahi at tinignan ang tinititigan nito at ito nga ay si Yuan na nagbabasa habang nakaupo sa tabi.Napatikhim nalamang ito upang maibalik ang atensyon ng mananahi.

Pagkatapos siyang sukatin ay lumapit siya kay Yuan habang nakangiti "Tapos ko na pong sukatin ang inyong kapatid,ginoo"

Napanganga na lamang si Fei habang si Yuan at gulat at napatigil sa kanilang narinig noong biglang hunalakhak si Yuan habang nakahawak sa tiyan nito habang si Fei ay nalaglag ang panga sa sinabi ng dalagang mananahi.

"May problema ba ginoo?"

"Wala pasensya na"kakatigil lamang nito sa pagtawa"kukunin na lamang namin ang mga damit mamaya,maraming salamat sayo binibini"

Lumabas na ang dalawa habang si Yuan ay tumatawa padin ng palihim kaya naman inis siyang liningon ni Fei habang nakakunot ang mga noo nito tsaka lamang tumigil si Yuan at pasimpleng tumikhim at napaiwas ng tingin.

"Sa tingin mo ba nakakatuwa iyon?"inis nitong tanong

Lumapit sa kanya si Yuan at pinagmasdan ng malapitan "Anong ginagawa mo?"tanong ni Fei at umatras

"Hindi ko alam na..magkamukha pala tayo"at bigla na naman itong humalakhak

Inis na tumalikod si Fei at binilisan na ang paglakad kaya naman kaagad na humabol si Yuan.

"Magkapatid?ha!hindi ako makapaniwala"singhal ng dalaga

Humarang ang binata sa daanan nito habang nakangisi pero aktong maglalakad na sana si Fei sa gilid nito ngunit humarang ito kaya naman wala ng daanan ang dalaga.

"Ano bang problema mo?"

"Wala naman,nais lang kitang asarin"

Nagpameywang si Fei at tinignan si Yuan at lumapit dito at niliitan ang mga mata nito na para bang sinusuri niya ito noong bigla niyang pinitik ng malakas ang kanyang noo habang tumatawa at tumakbo palalayo.

"Subukan mo!"sigaw nito habang tumatakbo

Napa-pameywang nalamang din ang binata at hindi makapaniwala sa dalang kasama niya kaya naman nakangiti niya itong hinabol.

Dalawampung minuto nang hinahanap ni Yuan si Fei ngunit kahit saan ay hindi niya ito makita hanggang sa may bigla siyang naalala na lugar na maaari nitong puntahan.

Pagkarating niya sa harapan ng bahay ay inilibot nito ang kanyang paningin at tinignan kung nasaan si Fei ngunit kahit saan ay hindi niya ito masumpungan hanggang sa nagpunta ito sa likod ng bahay at nakita din niya ito habang nakaupo sa may likod ng isang puno habang nakatanaw sa langit.

Umupo ito sa tabi niya at tinanaw din ang kay gandang tanawin ng langit.Mag-gagabi na mamaya at medyo malakas ang simoy ng hangin.

"Masaya ka ba?"tanong ni Fei ng hindi tumitingin kay Yuan

Tinignan siya ni Yuan at pinagmasdan ito "Oo,masaya ako"

Dahan-dahan din siyang tinignan ni Fei hanggang sa nagtama ang kanilang mga paningin.Biglang ngumiti si Fei at kasunod nito ay ang biglang pagtulo ng kanyang mga luha hanggang sa umiyak na ito.Bigla siyang niyakap ni Yuan at hinaplos ang buhok nito habang umiiyak ito sa kanyang balikat.

"Nais kong makita si ate kahit na alam kong imposibe.M-mahal na mahal k-ko si a-ate,s-siya lang ang natitirang p-pamilya ko,hindi k-ko--"nauutal na sambit nito kasabay ng pagiyak nito na halos hindi na ito makapagsalita dahil sa sakit ng lalamunan nito

"shhh,shhh"mahinang pagpapatahan nito sa dalaga

Pagkatapos ng eksenang iyon ay isang oras muna silang namalagi sa dating bahay nila Fei bago nila napagpasayahang bumalik sa plaza.Tahimik lamang na naglalakad ang dalawa habang pinapanood ang mga tao sa kalye na masayang naglalakad,may mga nagtitinda din sa gilid ng kalsada at may mga kalesa din.

"Ang ganda.."tumigil si Fei sa paglalakad kaya naman sinundan siya ni Yuan papunta sa isang lalake na may tindang isang parol na pa-silindro ang hugis (lantern).

"Nais mo ba itong makuha binibini?kung gayon ay maglaro ka na ng pamamana,at kapag ikaw ay nanalo ay makukuha mo ito"masayang alok ng lalakeng nagtitinda

"Sige,maglalaro kami"sambit ni Yuan

"Sigurado ka ba?"tanong ni Fei

"Oo naman,sa tingin mo ba ay hindi ko makukuha yan?tsk madali lang yan"pagmamayabang nito habang nakangisi at nauna ng pumunta sa may lugar kung saan magpapalaro ang lalake

Napailing na lamang si Fei dahil kahit kailan talaga ay malakas ang loob ng binatang ito.Sumunod na lamang siya at pinanood si Yuan na i-ensayo ang kanyang kamay sa pana at napatingin sa target na medyo malayo.

"Panoorin mo kung papaano ko ito i-ensayo"sambit ni Yuan at naghanda nang pakawalan ang palaso ngunit hindi ito tumama sa target

Napatawa na lamang si Fei kaya naman napatikhim si Yuan.

"Isa pa,hindi lang ako sanay sa panang ito"

Ngunit bago pa niya tamaan ang target ay nagulat sila at napalingon sa lalakeng tumama dito.Lumapit ito at nagbigay galang kay Yuan.

"Malugod na pagbati saiyo,senyor"sambit nito dahil alam niyang nasa publiko sila at hindi niya pwedeng isiwalat ang katauhan nito

"Anong ginagawa mo dito?"nagseryoso itong tanong kay Luhan

"Tinamaan ko ang target para kay binibining Fei,hindi ba't dapat kang magpasalamat sakin?"nakangiti itong tumingin kay Fei

Seryoso lamang si Yuan habang si Fei ay yumukod at nagpasalamat sa kanya habang naiilang sa ihip ng hangin dito.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now