章节-15

275 12 1
                                    

Featured Song:
If Heaven Has Compassion by A Lin

Sandaling nagkatitigan ang dalawa.

Sobrang lamig.Sobrang lamig ng mga titig niya sa dalaga na animo'y hindi sila magkakilala.

"Tara na"nauna nang naglakad si Yuan at hinila si Jia palabas

Yumuko lahat sa pagalis ng emperador bilang pagbibigay galang.Pinanood lamang sila ni Fei habang unti-unting dinudurog ang kanyang puso.

Hindi niya inaakala na ganito pala kasakit ang masaktan dahil lamang sa pagibig.Hindi din mapagtanto ng dalaga kung ano ba ang ginawa niyang mali para tratuhin siya ng ganun ng binata.Gustong gusto niyang magsalita kanina at tanungin ito ngunit alam niyang imposible ito,lalo na at ang lalakeng kakilala niya bilang isang senyor lamang ay isa palang emperador.

"Pasensya ka na at hindi kita masyadong naipakilala sa kamahalan,hindi ko kase inaasahan na aalis siya kaagad"agad pinunasan ni Fei ang kanyang mga luha noong lumapit sa kanya ang emperatris

"Ayos lang po,kamahalan"

"Bumalik ka muna sa iyong palasyo at dadalawin kita mamayang gabi upang sabay tayong kumain"hindi inaakala ni Fei na ganun pala kabait ang emperatris sa kanya

"Maraming salamat po"ngumiti nalang ang dalaga kahit na nasasaktan na ito sa nasaksihan kanina

Ngumiti din ang emperatris at umalis na din.Yumuko din ang lahat pagkaalis nito.Sakto namang nakahanap ng tiyempo si Mingyu upang lumapit kay Fei.

"Bakit itinanggi ng kamahalan na kilala ka niya?diba noon pa naman kayo magkakilala?dahil ba sa Jia na iyon?tsh akala mo naman kagandahan,mas maganda ka naman at--"

"Mingyu,mapapahamak ka dahil sa mga pinagsasabi mo"

Tumahimik nalang si Mingyu kahit na labag sa kalooban nitong nasasaktan ang kaibigan niya.

Pinagmasdan ni Fei ang napakalawak na palasyo ng emperador.

"Dito ka pala nakatira"napangiti nalang siya ng mapait

Maghapong nakatulala lamang si Fei sa kanyang palasyo habang nakatitig sa binata at pinagmamasdan ang tahimik na paligid.Sa isang iglap ay bigla nalang niyang na-miss ang buhay sa labas.Kahit na dalawang araw palang siya dito ay kakaiba padin talaga ang kinagisnan niyang buhay.

"Lumabas kayong lahat"agad napatayo ang dalaga noong narinig niya ang pamilyar na boses

Lumabas lahat ayon sa utos nito at naiwan lamang silang dalawa ni Yuan sa loob.

Isang minuto na walang magsalita sa kanilang dalawa hanggang sa napagpasyahan ni Fei na tanungin ito.

"B-bakit Yuan?"pinipigilan niya ang maiyak

"Anong bakit?"seryoso at walang emosyon nitong tanong pabalik

"Bakit mo itinanggi na kakilala mo ako?bakit..bakit ka nagsinungaling sakin?bakit mo itinago ang katauhan mo sakin?bakit parang pakiramdam ko ay nag-iba ka na?"

"Bakit?hindi naman tayo magkakilala diba?"ngumisi ang emperador

"Papaano mo nasasabi yan Yuan?"sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagtimpi si Fei kaya naman napaluha na siya sa harapan nito

"Sa tingin mo ba ay hindi ko alam?na plinano niyo ang lahat ng Inang Emperatris!"

"A-anong plinano?"

"Hindi mo ako malilinlang Fei,ang akala ko ay iba ka ngunit kapareho ka din pala nila na nagpapagamit sa pera upang makaangat ang antas ng kanilang pamumuhay!"

Agad sinampal ni Fei ng malakas si Yuan dahil sa sinabi nito.Ngayon ay umiiyak na ang dalaga dahil sa labis na galit sa mga sinabi ng binata.

"Hinusgahan mo kaagad ako kahit na hindi mo pa alam ang katotohanan"

"Katotohanan?"tumawa na lamang ang binata ng sarkastiko

Tinignan siya ng binata ngunit agad na umiwas si Fei at tumalikod.

Naramdaman nalang niyang umalis si Yuan kaya naman lumingon ito pabalik at nakita ang binata na naglalakad patalikod sa kanya.

"Ibang iba ka na,hindi na ikaw ang dating Yuan na kilala ko"

"Dahil ka wala ka naman talagang kakilalang Yuan.Hindi ako ang lalakeng nakilala mo sa labas"

Agad na tumakbo si Fei sa kanyang silid at inilabas lahat doon ang kanyang mga emosyon.Sobrang sakit,napakasakit.

Kinuha niya ang asul na panyo sa kanyang lalagyan ng alahas at hinawakan ito habang pinagmamasdan ito.Bigka tuloy niyang naalala ang mga araw na nasa labas pa sila ng palasyo,walang makakatumbas sa saya na naramdaman niya kasama ang binata ngunit ngayon...

"Fei,kailangan mong ayusin amg sarili mo dahil mamaya ay dadalaw ang emperatris,ano nalang ang sasabihin niya kapag nakita ka niyang ganyan?"

Bumangon na lamang si Fei at inayos ang sarili dahil kanina pa siya tulala at gabi na.Sinamahan na lamang siya ng kaibigan na maligo.

"Sigurado ka ba?malamig ang tubig kaya.."hindi na itinuloy ni Mingyu ang kanyang sasabihin dahil sa nakita niyang tahimik lamang ang kaibigan at mukhang wala itong ganang sumagot

Inutusan na lamang ni Mingyu ang isang tagapagsilbi upang tulungan siyang maghanda ng pampaligo ni Fei.

"Ibuhos mo na ang tubig"walang emosyong sambit ni Fei

Nagaalangan man dahil sa lamig ng tubig ngunit unti-unti na lalmang niyang ibinuhos ang malamig na tubig sa katawan ng kaibigan.

Para bang unti-unting nagising si Fei dahil sa lamig ng tubig na kumakapit sa kanyang mga balat.

Kung panaginip man ito,nais ko nang gumising,sambit ni Fei sa sarili.

"Kamahalan,hindi ka pa ba magpapahinga?anong oras na at hindi ka pa kumakain"itinabi ni Jia ang mga papeles sa lamesa ni Yuan at inilapag ang mga pagkain nito

Napangiti nalang si Yuan at hinayaan na lamang ang konsorte na pagsilbihan siya.

"Sige na kakain na ako,at ang mas mabuti ay pumunta ka na din sa iyong palasyo at magpahinga dahil marahil ay pagod sa pagtulong sakin kanina dito"

Ngumiti na lamang si Jia at nagbigay sa emperador bago umalis.Nakangiti itong pinagmasdan ni Yuan na umalis bago nagsimulang kumain.

"Kamahalan,anong balak mo kay Konsorte Ling?"

Napatigil si Yuan sa pagkain dahil sa tanong ni Zian.

Ibinaba niya ang kanyang chapstik bago sumagot sa kaibigan "Ang totoo niyan ay hindi ko din alam"

"Ngunit ngayon ay konsorte mo na siya"

"Masyado na ba akong masama?ang tangi ko lamang ginawa ay ipamukha sa kanya ang mga ginawa niya.Hindi ko inaakala na lilinlangin niya ako katulong ang Inang Emperatris.Akala ko ay iba siya,ngunit.."

Pinagmasdan na lamang niya ang porselana na binili niya sa plaza na nais niya sanang ibigay sa dalaga noong nasa bundok sila ngunit hindi ito natuloy.


#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now