章节-25

238 12 0
                                    

Bumangon si Fei sa kanyang higaan at nagunat-unat noong napagtanto niyang wala na pala si Yuan sa kanyang tabi.Ngunit ngumiti na lamang ito dahil naalala niya ang nagyari kagabi.

"Bakit ka nakangiti?"nanghihuling tanong ni Mingyu habang nakaturo sa kaibigan

Kaagad itong nagseryoso "Ha?anong sinasabi mo?"tumayo na ito at ngumiti habang palabas ng kanyang silid

Pagkatapos magbihis at magayos ay nagtungo na sa palasyo ng inang emperatris ito upang dalawin at magbigay ng galang dahil hindi na siya nakakadalaw.

"Narinig mo ba yun?na dati daw nagtratrabaho sa bahay aliwan si Konsorte Ling!"napatigil ang si Fei at si Mingyu maging ang mga tagapagsilbi nito dahil sa bulungan ng mga tagapagsilbi sa pasilyo at padi na din ang mga yunuk

"Hindi ako makapaniwalang nagawa niyang akitin ang kamahalan dahil lamang sa kanyang talento at ganda,ano kayang mga gayuma ang kanyang ginamit upang maakit ang kamahalan"

Hindi na nakatiis si Mingyu kaya naman naglakad na ito papalapit sa mga nagbubulungang kumpol ng mga tagapagsilbi "Hoy kayo!wala ba kayong magawa sa mga buhay niyo at ganyan kayo?nais niyo bang maparusahan?!"

"Mingyu"saway ni Fei

Gulat na tumingin lahat ng mga tagapagsilbi at yunuk kay Fei kaya naman kaagad silang lumuhod at humingi ng tawad dahil sa takot silang maparusahan.

"Patawarin niyo po ako konsorte Ling,hindi po namin sinasadya"umiiyak na pagsusumamo ng isang dalagang tagapagsilbi havang pulit ulit na inibababa ang kanyang ulo

"Sino ang nagpakalat ng impormasyon ito?!"galit na tanong ni Mingyu sa babaeng nagsalita

"Binibining Mingyu,pasensya na ngunit hindi k-ko kayang s-sabihin kung s-sino"takot na sambit nito habang patuloy padin sa pagiyak

"May gwardiya ba diyan?!kunin niyo ang babaeng ito at--"

"Si Binibing N-ningxin po ang nagsabi saamin!"

Biglang nagkatinginan si Fei at Mingyu dahil sa narinig.

"Tara na"sambit ni Fei at naglakad na at nilagpasan sila

"Si Ningxin?ito ay ang personal na tagapagsilbi ni...Konsorte Yang"

"Sinasabi ko na nga ba eh,Fei hindi talaga dapat tayo magpadala sa mga pekeng kabaitan na pinapakita niya"

"Huwag mo itong banggitin sa harapan ng inang emperatris"

"Bakit?nais mo ba siyang ipagtanggol?!"

"Mingyu sasawayin mo ba ako?"

"Pasensya na"tumahimik na lamang ito

Pagkarating nila sa palasyo ng inang emperatris ay nagbigay galang na ang dalawa.

"Kumusta ka na?isang buwan ka na dito sa loob ng palasyo.Kay bilis ng panahon"tanong nito sa dalaga habang nakangiti

"Ayos lang naman po"

"Ikaw Mingyu?kumusta ang pamamalagi mo dito?"tanong naman niya sa kay Mingyu na ngumiti din at sumagot

"Ayos lang din po,kaso nga lang ay nagaalala ako para saking binibini dahil sa mga kumakalat na chismis dito sa loob ng palasyo"napalingon na lamang si Fei kay Mingyu ngunit si Mingyu ay hindi tumingin dito dahil alam niyang pipigilan siya ni Fei sa pagsasabi ng totoo

"Anong chismis ito?"

"Na nanggaling po ang aking binibini sa bahay-aliwan,hindi po namin ito itinatanggi ngunit nagaalala po akong maaari itong makasira sa kanyang reputasyon"

"Sino ang nagpakalat nito?"

"Kamahalan,isa lamang po itong chismis at hindi na po ito bago saakin,sana po ay palagpasin niyo po ito"naglakad papunta sa harapan si Fei at yumukod upang hilinging palagpasin na lamang ito

"Fei"bulong ni Mingyu na nadismaya dahil sa ginawa nito

"Alam mo ba kung sino ang nagkalat nito?"tumingin ang inang imperatris at mahinanong tinanong ang kanyang personal na tagapagsilbi

"Ayon sa nakalap ko ay si Binibining Ningxin ang nagpakalat nito"sagot nito habang nakayuko

Napabuntong hininga na lamang ang inang emperatris dahil sa kanyang nalaman.

"Ang totoo niyan ay mas pinapaboran ko noon si Konsorte Yang kaysa sa emperatris,mabait ito at talagang maganda rin.Ngunit habang tumatagal ay lumalabas na ang totoong kulay nito.Lalo na noong nalaman ko ang kanyang ginawa sa emperatris noon sa lawa isang taon na ang nakakalipas,dahil sa kanya ay nahulog ito at muntik ng malunod mabuti na lamang at nasagip siya ni Zian.Pinarusahan siya ng emperador na lumuhod ng tatlong araw noon sa harapan ng korte habang tirik ang araw.Ngunit nagmakaawa ang unang ministro at ang ina nito,kung hindi lamang dahil sa kontribusyon nito sa ating bansa ay hindi makakatakas si Konsorte Yang sa kanyang kasalanan.Muntik ng magaway ang pangatlong ministro na siyang ama ng emperatris at ang pangunahing ministro ngunit kaagad silang naawat ng emperador sapagkat asawa nito ang dalawang mga anak nila"mahinahong kwento nito ngunit sa dismayadong tono habang umiinom ng tsaa

Nagulat na lamang si Fei sa kanyang nalaman.Hindi niya aakalaing ganito ang mga kayang gawin ni Jia dahil lamang sa selos niya.Ibang-iba ito sa Jia na nakilala niya noong unang araw na nagkita sila dito sa loob ng palasyo.

"Dinggin niyo ang aking utos,lahat ng babanggit ukol sa kuro-kuro ukol sa dating trabaho ni Konsorte Ling ay mapaparusahan sa pamamagitan ng pagpalo sa kanila habang nakadapa ng sampong beses"

"Masusunod,kamahalan"sambit nilang lahat

"Sige na,at baka mahuli ka sa lakad niyo ng emperador"nakangiting sambit ng inang emperatris

Nagbigay galang ito at si Mingyu bago lumabas.

"Mingyu hindi ba't ang sabi ko ay huwag mong sasabihin ito sa inang emperatris?"

"Hindi ko hahayaang masira ang reputasyon mo Fei,iba na ang katauhan mo ngayon"hinawakan nito ang kamay ng kaibigan"Ikaw na ang makapangyarihang ikaapat na ranggong konsorte ng emperador,tandaan mo yan Fei.Ikaw na si Konsorte Ling ngayon,nais kong maging masaya ka,at habang nandito ako ay hindi ko hahayaang magisa ka sa mga laban mo"napangiti na lamang si Fei sa sinabi nito sa kanya

Bigla niyang niyakap ang kaibigan.Kahit na mas bata ito sa kanya ng ilang taon ay para na itong matanda kung magisip.Kaya naman nagpapasalamat siyang nakilala niya ito.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now