章节-54

241 6 1
                                    

"Narito po si Konsorte Ling,kamahalan"anunsyo ni Zian habang papasok sa opisina ni Yuan

Napatigil ito sa pagbabasa ng ilang segundo "Papasukin mo siya" utos nito ng hindi tumitingin sa kanya

"Masusunod po"

Lumabas na si Zian at sinalubong si Fei kasama si Mingyu habang naghihintay sa labas ng palasyo ni Yuan at hinihintay ang utos nito kung papapasukin ba sila nito.

"Maaari na po kayong pumasok,kamahalan"

"Salamat"sambit ni Fei at naglakad na papasok

Pumasok na siya sa opisina nito at nagbigay galang ngunit hindi hindi nag abalang tumingin ang emperador sa kanya at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Maraming salamat kamahalan,sa pagtataas ng aking ranggo--"

"At kung hindi ko ito itataas ay hindi ka ba magaabalang magpunta rito?"nagulat si Fei dahil sa biglang pagsingit nito sa kalagitnaan ng pagsasalita niya

"Patawad.Patawad kung iniiwasan kita nitong mga nakaraang araw.."napatungo na lamang ang dalaga "Naging matatakutin ako,nagtago ako sa dilim dahil sa takot ko na baka..baka bukas ay may mga mangyaring hindi na naman inaasahan.Alam kong proprotektahan mo ako ngunit hindi ko parin kayang ikubli ang nararamdaman kong takot sa loob ng mga matatayog na mga pader ng palasyong ito"

Ngunit wala padin siyang natanggap na kahit na ano mang reaksyon o sagot mula sa emperador kaya naman dahan-dahan siyang lumapit mula sa kinauupuan nito at biglang lumuhod sa harapan nito.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"galit siyang inawat ni Yuan at agad na pinatayo

Lumuluha siyang tinignan ni Fei "Pasensya na Yuan,naging mahina ako.Sa loob ng isang taon ay hindi padin ako masanay-sanay sa loob ng palasyong ito na kung saan ay punong-puno ng mga pagtataksil at kasakiman"

Hindi na nakapagtimpi si Yuan at agad na hinila ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit at hinalikan sa noo."Proprotektahan kita Fei,sana naman ay magtiwala ka na saakin sa pagkakataong ito at ipangako mong walang makakabuwag sa ating relasyon"

Pilit na sinisisi ni Yuan ang kanyang sarili kung bakit hindi man lang niya maprotektahan ang kanyang pinakamamahal na babae kahit na gaano pa kataas ang kanyang posisyon.Pakiramdam niya ay wala siyang magawa kahit na nasa kanya na ang lahat ng awtoridad at kapangyarihan na dahilan kung bakit nagdurusa ngayon si Fei.Ang tanging hiling niya lamang ay maprotektahan niya ito habang buhay sa kanyang tabi.

tumango ang dalaga kaya naman niyakap ulit siya ng emperador sa ikalawang pagkakataon.

Sa mga oras na iyon ay naramdaman na lamang ni Fei ang pagiging ligtas sa mga bisig ng lalakeng kanyang pinakamamahal.At ayaw na niyang malayo pa sa kanya ulit ay handa niya ring gawin ang lahat para lamang sa emperador.

Habang naglalakad pabalik sa kanyang palasyo ay hindi padin matigil-tigil si Mingyu sa pagpuri sa kanyang kaibigan dahil sa nakamit nitong magpunta sa taas.

"Hindi ako makapaniwalang lilipat na tayo sa mas malaking palasyo,tapos lahat ng mga daraan ay magbibigay galang sayo maging si Konsorte Yang.hmp kita mo,buti nga at nakaya mong mas umakyat sa mas mataas na pwesto kaysa sa kanya at mas mabuti na rin ito upang hindi ka na niya apiin pa at maliitin.tatawanan ko na lamang siya kapag lumuhod siya sa harapan mo"at tumawa ito ngunit kaagad siyang sinuway ng konsorte

"Mingyu,magingat ka sa mga sinasabi mo sapagkat maaari kang maparusahan dahil diyan kung saking may makarinig man saiyo na ibang tao"

"Pasensya na..ngunit ang tungkol sa ebidensya,sigurado ka na bang isisiwalat mo ito sa korte mamaya?"

"Oo,handa na akong pagbayarin sila at ibigay ang nararapat na hustisya para sa dating emperatris at para sa kanyang anak"seryosong sambit ni Fei habang hawak-hawak ang liham na ibinigay sa kanya ng dating emperatris na nahanap niya sa isang panyo

Ngunit hindi niya nakita at biglang bumangga sa prinsipe kaya naman nahulog ang liham at noong aktong pupulutin na sana niya ito ay agad naman siyang naunahan ng prinsipe at huli na dahil nabasa na niya ito.

"Kamahalan,maaari po bang pakibalik na po saakin ang aking pagmamay-ari"seryosong sambit ni Fei habang nakatingin sa kanya

"Mapapahamak ka lang sa mga ginagawa mo Fei"

"Mawalang galang na po ngunit wala po kayo sa posisyon upang mag-alala sakin--"

Gulat na napatigil sa pagsasalita si Fei noong kaagad siyang niyakap ni Luhan kaya naman agad siyang nagpumiglas at tinangkang itulak ito ngunit sadyang hindi niya ito maitaboy.

"Kamahalan!ano sa tingin ninyo ang ginagawa niyo sa unang ranggong konsorte ng emperador!--"

"Hindi ko alam ang aking gagawin kapag napahamak ka,ngayon ko lang ito naramdaman ulit,ang magalala sa isang tao"

Mahigpit na niyakap ni Luhan ang dalaga.Hindi na niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkasabik na makita ang dalagang kanyang ginugusto at ngayon ay hindi na niya napigilan ang sariling yakapin ito.Oo at alam nigang mali ngunit ito lamang ang paraan upang kahit papaano ay mayakap niya ito...kahit na alam niyang mali.

Naitulak niya ito palayo at gulat niya itong tinitigan "Nahihibang ka na ba kamahalan?ano sa tingin mo ang pinagsasabi mo?"hininaan nito ang kanyang boses sapagkat baka may makarinig na ibang tao

"Kung itutuloy mo ang iyong plano ay hindi mo alam kung ano ang maaaring mangyari saiyo.Hindi mo alam kung gaano ka delikado sa loob ng palasyong ito,hindi ka dapat basta basta nagtitiwala sa sarili mong hinala at hindi ka dapat basta basta nagtitiwala sa kung sino sino lamang"pagalit na tonong suway ng prinsipe sa kanya sapagkat nagaalala itong ikamapahamak lamang ito ni Fei.

Umiling si Fei at nagbigay galang sa harapan nito "Magpapanggap akong wala akong narinig ngayon kamahalan,ngayon kung hindi niyo mamasamain ay aalis na po ako"mabilis itong yumukod sa harapan nito ay naglakad ng mabilis paalis mula roon

Ngunit ang hindi alam ng dalawa ay tanaw-tanaw pala sila ni Jia at Ming-na mula sa may di kalayuan at naabutan ang dalawa habang nakayakap sa isa't isa.

Tinignan ni Jia ang kaibigan na lumuluha sa tabi nito at nagpanggap na naaawa rito upang makuha ang loob nito.

"Hindi ba't si Konsorte Ling iyon?---teyka...ang unang ranggong konsorte at ang prinsipe?hindi ito maaari...isa itong..."

"Aalis na ako ng palasyo ngayon at uuwi muna ako"tumalikod na si Ming-na at naunang naglakad dahil sa nasasaktan ngayon ang kanyang puso at damdamin dahil sa kanyang mga nasaksihan ngayon lamang

Habang si Jia ay nakangisi at sumunod na rin sa kaibigan paalis sa lugar na iyon.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora