章节-43

225 7 3
                                    


Featured Song:
Wind by Jung Seung Hwan

Magkabilaang braso at tiyan ang hinahampas ng dalawang gwardiya kay Fei.Kaya naman kahit na hinang hina na siya at kinakaya padin niya.Halos magiisang oras na nilang pinapahirapan si Fei ngunit kumakapit padin ang talaga sapagkat alam niyang may magliligtas sa kanya kahit na hindi niya alam kung sino ito.Habang ang ibang sampong gwardiya ay nagbabantay sa labas at sa loob ng malawak na silid na ito.

"Ilabas niyo ang latigo"

Nagkatinginan ang dalawang gwardiya dahil alam nilang malala na ito."Mawalang galang na po,ngunit baka hindi po kayanin ng katawan niya"sabat ng isang gwardiya sa magalang na tono

"Gawin niyo na"sa halip na sumagot ay iniutos na nitong ituloy ang pagpapahirap kay Fei na para bang hindi ito natatakot sa mga maaaring mangyari

Biglang hinampas ng malakas ng isang gwardiya ang mga tuhod ni Fei kaya naman napasigaw si Fei dahil sa sakit.Pawis na pawis na ito at sobrang hinang hina na,kaunti nalang talaga ay bibigay na ang katawan nito.

Kanina pa palakad-lakad si Mingyu sa loob ng selda dahil sa pagaalala kay Fei at sa pagiisip kung ano nang nangyayari sa kaibigan noong bigla siyang nabuhayan ng pagasa dahil nakita niya si Zian na naglalakad papunta sa direksyon ng kanilang selda.

"Zian!"sigaw nito

Naglakad ito papalapit sa kanya at tinignan ito"Hindi ako bingi."

"Kinuha si Fei ng mga gwardiya at sa pagkakaalam ko ay papahirapan nila ito"

Biglang nagbago ang reakayon ni Zian noong narinig niya ang pangalan ni Fei at sa nangyari sa kanya.

"Sino ang mga taong ito?"

"Hindi ko alam...wala akong alam.."

"Ipaparating ko ito sa kamahalan,huwag kang magalala sapagkat maililigtas ang iyong bbinibini"tukoy niya kay Fei

Tumango na lamang si Mingyu bilang sagot.

Aktong hahampasin na naman sana nila ng latigo ang isang binti ni Fei ngunit bigla silang napatigil at napalingon noong nakarinig nila ng malakas na kalabog ng pintuan.

"Ano ang karapatan niyong saktan ang aking konsorte?!"galit na sigaw ni Yuan na bumalot sa buong lugar na iyon

Kaagad na lumuhod ang lahat dahil sa takot nila habang ang pangunahing ministro ay tumayo lamang at yumuko at nagbigay galang ng tahimik na para bang hindi ito apektado sa mga nangyayari sa paligid.

Nakatingin lamang si Yuan kay Fei na pinipilit lamang na huwag mahimatay noong dahan-dahan niting iniangat ang kanyang ulo at tinignan si Yuan hanggang sa ngumiti ito ng tipid na para bang sinasabi nitong nagpapasalamat siya sa kaya naman kaagad na lumapit sa kanya si Yuan at niyakap ito ngunit nahimatay na ito kaya naman kaagad niyang tinanggal ang mga tali sa braso at binti niya.

"Dalhin mo siya sa kanyang palasyo at tumawag ka kaagad ng imperyal na doktor upang gamutin ang mga sugat niya"utos ni Yuan kay Zian

Tumango si Zian at kaagad na binuhat si Fei paalis mula sa lugar na iyon.Habang si Yuan ay nanatiling nakatalikod at hinintay na makaalis sila Zian mula sa lugar na iyon.

Bigla siyang humarap sa pangunahing ministro na nanatiling nakayuko noong binilisan niyang maglakad papalapit dito at bigla itong sinuntok kaya naman napaatras ito dahil sa lakas ng pwersa ng suntok ni Yuan.

"Kahit iginagalang kang ministro sa korte at kahit na ama ka ng aking konsorte ay hinding hindi ko hahayaan na galawin mo ang mga taong mahalaga sakin!"nanggagalaiti nitong singhal"Huwag na huwag mong ipagmamayabang sakin ang kapangyarihan ng iyong pamilya sapagkat ako ang nagbigay nito kaya naman kayang-kaya ko itong bawiin!"dinuro niya ito

Bigla niya ulit itong sinuntok ngunit noong susuntukin ulit sana niya ito sa pangatlong pagkakataon ay biglang humarang si Jia sa pagitan nila.

"Kamahalan..pakiusap,tama na"mahinahon niyang sambit

Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Yuan upang patahanin ito ngunit iniwas ito ni Yuan at biglang tumalikod.

Lumingon siya ng kaunti sa likod "Tandaan mo ang aking sinabi"sambit niya sa pangunahing ministro"Dinggin niyo ang aking utos.Palalayain ko si Konsorte Ling at ang kanyang personal na tagapagsilbi dahil hindi sapat ang mga ebidensiyang naipakita sa korte na maging batayan upang pagbintangan siya sa bagay na hindi naman niya ginawa"at tinapunan lamang niya ng tingin si Jia bago naglakad paalis

Hindi na siya nahabol ni Jia dahil wala na siyang naging chansa noong nakaalis na ito kaya naman humarap siya sa kanyang ama na pinunasan ang putok nitong labi na may dugo.

"Tignan mo ang iyong ginawa ama,wala na.Sinira mo ang aking mga plano"kompronta nito sa sarili niyang ama

Seryoso siyang tinignan ng kanyang ama "Ayun ba ang plano mo?pwes sasabihin ko na sayong napaka-wala nitong kwenta.Pareho lamang kayo ng iyong ina,mga walang kwenta,mga inutil"pagaalipusta nito

Napakuyom na lamang si Jia dahil sa sinabi ng kanyang ama at tumulo na lamang ang mga luha nito "Hintayin mo lamang ama at mararating ko din ang posisyon ng emperatris.At sa panahong iyon,ay inaasahan kong sana ay ipagmalaki mo din ako kagaya ni kuya"

Ngunit hindi na sumagot ang kanyang ama at umalis na ito mula doon.Napahawak na lamang si Jia sa pader dahil sa sobrang sakit ng mga natanggap niyang mga salita mula mismo sa kanyang ama.

Dahan-dahang inihiga ni Zian si Fei sa kama at inayos ang kumot at unan nito.At habang pinagmamasdan ang dalagang nakahiga at walang malay ay hindi na niya natiis ang sarili na umupo sa tabi nito at hawakan ang kamay nito.At hinaplos ng marahan ito.

"Pasensya ka na Fei,hindi kita naprotektahan kaagad."mahina nitong sambit"Sana ay magising ka na.."

"Anong ginagawa mo?"tumingin si Zian sa lalakeng nagsalita malapit sa may pinto ng silid ni Fei

"Inaayos ko lamang ang kumot ni Konsorte Ling,kamahalan"seryosong sagot ni Zian kay Luhan na matalim ang tingin sa kanilang dalawa

Tumayo na si Zian at nagbigay galang kay Luhan ngunit noong aktong aalis na ito ay napatigil ito dahil biglang nagsalita si Luhan.

"Dalawa laban sa isa,haha magaling."mahina itong natawa

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now