章节-44

220 6 7
                                    

Hindi lumingon si Zian sa sinabi ni Luhan "Wala akong balak agawin si Konsorte Ling.Ang nais ko lamang ay maging maayos siya at maging masaya"

Tinignan siya ni Luhan "Ano ang koneksyon mo sa kanya?bakit parang kilala mo ang katauhan niya?"sinuri niya ang reaksyon nito

Ngunit walang lumabas na reaksyon kay Zian noong sumagot ito "Hindi ko alam ang sinasabi niyo kamahalan,patawad"nagbigay galang na ito at umalis na

Tinignan lamang itong umalis ni Luhan at lumingon na kay Fei na wala pading malay.Lumapit ito at nilagyan ng apoy ang lampara sa lamesa ni Fei at inilapag ito sa mesa tabi ng kama niya upang mas mailawan ito at inayos din niya ang kumot nito hanggang sa may dibdib niya upang hindi ito malamigan.

"Malugod na pagbati saiyo,kamahalan"dumating na ang dalawang doktor upang gamutin si Fei

Tumabi na si Luhan noong sakto ring pagdating ni Yuan.Kaagad siyang umupo sa tabi ni Fei at hinawakan ang nanlalamig na mga kamay nito.

Iniwas na lamang ni Luhan ang tingin niya at lumabas na.Habang si Yuan ay abala sa pagbabantay kay Fei habang sinusuri siya ng mga doktor.

"Gagamutin po ng aming babaeng nars si Konsorte Ling,maaari po muna kayong lumabas,kamahalan"magalang na pahayag ng isang doktor

"Gamutin niyo siya ng husto.Nais kong maging magaling at maayos siya"

"Masusunod po,kamahalan"

Tinignan muna ni Yuan si Fei bago ito lumabas ng palasyo nito.Kaagad niyang sinundan si Luhan na naglalakad sa kahabaan ng pasilyo.

"Huwag ang konsorte ko."tumigil ito sa kanyang likod at madiing nagsalita

Tumigil si Luhan at pagkatapos ng ilang saglit ay humarap na ito sa emperador "Naiintindihan ko."seryoso nitong sambit pabalik

Matalim na nagkatitigan ang dalawa noong lumapit si Yuan sa prinsipe at tinignan ito ng mas matalim habang seryoso silang dalawa. "Huwag mo akong subukan Luhan."at tsaka na ito umalis at nilagpasan ang prinsipe

Tinignan lamang siya ni Luhan na maglakad paalis"Walang kasiguraduhan sa mundong ito Yuan,kaya ingatan mo lahat ng nasasayo.Dahil hindi mo alam,baka bukas ay nasa akin na lahat ng ito"

Pitong oras na ang nakalipas at sa wakas ay nagising na rin si Fei kaya naman kaagad siyang pinuntahan ni Yuan kahit na gabing gabi na noong naabutan niyang kausap nito ang Inang Emperatris.

Kaagad na tumayo ang inang emperatris noong naramdaman niyang nasa likod niya si Yuan"Anong ginagawa mo?bakit hindi mo inaalagaan at prinoprotektahan ang iyong konsorte?kakamatay lamang ng emperatris at ngayon?nais mo na bang mawala lahat ng mga mahala sayo?"galit na sermon nito

"Pasensya na,hindi ko po sinasadya ng pabayaan si Konsorte Ling"seryoso itong humingi ng kapatawaran dahil mas matanda padin ito sa kanya at asawa ito ng kanyang namayapang ama

"Hindi mo ito responsibilidad,ito ay isang tungkulin.Dadalawa na lamang sila sa iyong imperyal na harem kaya naman dapat mong protektahan ang bawat isa kanilang dalawa.Kahit na mas pinapaboran mo ang isa ay hindi mo nalang basta pabayaan ang isa."

"Naiintindihan ko po."

"Magpagaling ka,bibisitahin kita bukas"ngumiti ng tipid ang inang emperatris kay Fei

At tanging ngiti na lamang at tango ang naisagot ni Fei sa kanya.Noong nakaalis na ang inang emperatris at bumaling na ng tingin si Yuan kay Fei.

"Kumusta na ang iyong sugat?"iba ang tono ng kanyang pagtatanong,para bang nakokonsensya ito dahil sa nangyari sa kanya dahil kasalanan niya kung bakit hindi niya ito na protektahan

"Ayos lang ako"mailap na sagot ng dalaga at aktong aayos sana ito ng upo noong bigla siyang inalalayan ni Yuan

Ngunit agad na iniwas ni Fei ang kanyang katawan at seryosong nagiwas ng tingin.Kaya naman nagulat si Yuan dahil sa inakto at ginawa nito ngayon lamang.

"May problema ba Fei?"

Seryoso at matalim siyang tinignan ni Fei ng diretso sa kanyang mga mata"Ano bang ginagawa mo dito?bakit ka ba nandito?"nagsimula nang magpaos at magbitak ang boses nito

"A-ano bang sinasabi mo Fei?anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi ko magawang magalit sayo?!ha?!sabihin mo bakit?"

Kaagad na umupo si Yuan upang maging magkapantay sila ni Fei at hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga ngunit pilit itong iniwas at kinalas mula sa pagkakahawak ni Yuan ngunit sadyang malakas ito kaya naman hindi niya ito naiwas mula sa pagkakahawak ni Yuan at nagsimula nang umiyak si Fei.

"Anong problema Fei?huwag kang umiyak.Pakiusap sabihin mo saakin kung bakit?anong nangyayari?anong ibig mong sabihin?"maamong tanong nito

"Ikaw!ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang emperatris.Dahil sa lintek na ama ng iyong pinapaborang konsorte kaya siya nahantong sa ganito"

Napatigil si Yuan dahil sa mga sinabi ni Fei.Bigla niyang naisip na kasalanan nga talaga niya ang mga nangyari kaya nahantong sa ganun ang pagkamatay ng emperatris.

"Alam mo ngunit bakit hindi ka gumawa ng aksyon?!isa kang duwag isa kang hangal isa kang tanga!dahil sayo ay nawalan na naman ako ng isang ate,alam mo ba kung gaano iyon kasakit ha?sobrang sakit na para bang tinatarak na ako sa puso ng napakaraming kutsilyo.Isang isa nalang talaga ay hindi ko na kakayanin Yuan,natatakot na ako alam na iyon?!"sigaw nito habang umiiyak sa harapan ni Yuan na umiiyak na din

"Fei,hindi ko sinasadya..patawarin mo ako..nabigo akong protektahan ang emperatris.Oo inaamin kong naging isa akong duwag dahil hindi ko isiniwalat ang katotohanan sapagkat alam kong maaari nila akong pababahin sa pwesto gamit ang kapangyarihan nila"

Hindi sumagot si Fei at umiyak na lamang ito dahil sa sakit na nararamdaman niya.

"Bakit ba nangingibabaw padin ang pagmamahal ko sayo"nasasaktan nitong sambit kay Yuan

Bigla siyang niyakap nito ngunit nagpumiglas si Fei na makawala mula sa mga bisig nito ngunit sadyang mas malakas ang emperador kaya naman wala na itong nagawa at unti-unti nalamang ibinagsak ang kanyang mga braso sa likod nito habang umiiyak.

"Ipinapangako kong hindi na kita papabayaan Fei..Mahal na mahal kita.Patawarin mo sana ako sa mga bagay na nagawa ko sayo"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now