章节-12

288 14 3
                                    

"Ate.."pilit na niyugyog ni Fei ang katawan ng kanyang kapatid habang umiiyak noong dahan-dahan siyang napatingin sa kanyang mga kamay na punong puno ng dugo

"Ateee ano ba!gumising ka na diyan hindi na nakakatawa!"

"Ateeee!"sigaw ni Fei habang humahagulgol sa harapan nito at hawak hawak ang dalawang kamay nito

Napahawak nalang si Fei sa kanyang dibdib dahil sumisikip ito at hindi na siya makahinga dahil sa labis na pagiyak.

Patuloy padin ang dalaga sa paghagulgol at hindi niya binitawan ang kamay ng kapatid.

"Dadalawa na lamang tayo pero bakit iniwan mo padin ako"umiiyak na tanong nito sa kanyang kapatid

Ngayon ay humihikbi na lamang siya pagkatapos ng ilang oras na iyak.Mugtong-mugto na ang kanyang mga mata,maya-maya ay magu-umaga na ngunit nanatili padi siya sa ganung posisyon.

Hanggang sa may bigla siyang nahagip na isang kapiraso ng isang bitak na simbolo ng pilak na dragon na nanggaling sa bahay ng isang espada.Mukhang galing ito sa isang tao na nagtratrabaho sa palasyo.

Agad niya itong pinulot at pinagmasdan.Napakuyom nalang siya dahil sa galit at ibinato ito habang umiiyak at napaupo nalang sa sahig habang hawak hawak ang puso nito.

Tatlong araw na ang nakalipas at nailibing na din niya ang kanyang kapatid sa bundok sa tulong ng senyora sa bahay-aliwan kung saan sila nagtrabaho ng kanyang ate dahil sa nanghihinayang din ang matanda sa sinapit ng dalaga.

"Iniwan mo ba sa labas ng pintuan?"seryosong tanong ni Yuan kay Zian

"Oo,kaninang umaga ngunit hanggang ngayong gabi na ay hindi padin siya lumalabas ng kanilang tahanan"

Napabuntong hininga nalang si Yuan at pinagmasdan ang labas ng bahay ng dalaga.

Umalis na ang mga ito dahil malalim na din ang gabi at kanina pa sila nakamasid sa labas.

Nahagip naman ulit ng mga paningin ni Fei ang kapiraso ng bitak na simbolo ng dragon mula sa bahay ng isang espada.Pinulot niya ito at pinagmasdan,baka ito na ang magiging sagot niya sa kung sino ang pumatay sa kanyang kapatid.

Hanggang sa bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng Inang Emperatris.Marahil ay..ang pagiging konsorte lamang niya ang makakatulong sa kanya sa paghanap sa salarin dahil panigurado ay nagtratrabaho ang taong ito sa palasyo.

Agad niya itong itinago sa ilalim ng unan sa silid ng kanyang kapatid.Hanggang ngayon ay hindi parin kumakain si Fei kaya naman dahan-dahan siyang tumayo kahit na natutumba na siya dahil nanghihina ang dalaga.Pagkarating niya sa kusina ay biglang nahagip ng mga paningin niya ang kutsilyo sa lababo.Agad siyang napaatras at napahawak sa gilid ng lababo dahil matutumba na ito.

Unti-unti na naman siyang umiyak at agad niya itong kinuha,pinagmasdan niya ito hanggang sa itinutok niya ito sa kanyang pulso.

"Wala na akong dahilan para mabuhay pa"

Agad niyang idiniin ang kutsilyo sa kanyang pulso at nagsimula na itong dumugo dahil sa sobrang lalim ng sugat na kanyang ginawa noong biglang may humablot sa kutsilyo at itinapon ito.

"Bakit mo iyon ginawa!ibalik mo sakin iyon!"sigaw ni Fei at nagpumilit na pulutin ulit ang kutsilyo

Noong bigla siyang hinawakan sa braso ng prinsipe habang nagpupumiglas padin ang dalaga at umiiyak.

"Ano bang ginagawa mo!bitawan mo ako--"hindi na naituloy ni Fei ang kanyang sasabihin noong bigla siyang niyakap ng prinsipe

Nagpumiglas padin si Fei pero unti-unti din itong bumigay at umiyak nalang sa dibdib ng prinsipe.

Umiyak lamang ito ng umiyak habang ang prinsipe ay hinayaan lamang siya.

Ngayon ay tahimik lamang si Fei habang ginagamot ng prinsipe ang kanyang sugat sa pulso.

"Nahanap ko ang bote ng gamot na ito sa labas ng iyong pintuan,inumin mo upang hindi ka magkasakit"sabay abot ng prinsipe ng isang basong tubig na may gamot

Kinuha ito ni Fei at ininom.

"Pasensya na po sa naging asal ko kanina"aktong luluhod na sana si Fei pero kaagad siyang pinigilan ng prinsipe

Natahimik ang dalawa ng ilang saglit bago nagsalita ang prinsipe.

"Luhan.."

"P-po?"

"Luhan ang pangalan ko,ikaw?"

Nagulat si Fei dahil sa diretsahang tanong ng prinsipe na para bang nahihiya ito sa dalaga.Napalunok nalang si Fei.

"Ling Fei po ang aking buong pangalan,kamahalan"

Tumango-tango nalang si Luhan at tumayo at inilibot ang paningin nito sa paligid.

"Maaari ko po bang tanungin kung bakit po pala kayo nandito kanina?"

Biglang napatigil si Luhan at ang kanyang personal na gwardiya at nagkatinginan ang mga ito.

"Aaahh..narinig ko kasi kay Inay ang tungkol sa insidenteng nangyari sa iyong kapatid"

Tumango nalang si Fei.

"Nais mo bang pumunta sa plaza?"

Napatigil nalang ang dalaga habang nakatitig sa prinsipe.Hindi niya inaasahan na magiging masyado itong diretso sa mga tanong niya.

"P-pero hindi naman po ata tama na samahan ko kayo dahil--"napatigil si Fei at napayuko

Napasinghap ang prinsipe "Pabayaan mo ang mga taong iyon,ako ang bahala"

"Pero--"

"Tara na"seryoso nitong sambit at nauna nang naglakad palabas kaya wala nang nagawa ang dalaga

Habang naunang naglalakad ang prinsipe ag nakasunod lamang si Fei habang pinagmamasdan ang prinsipe habang ang mga gwardiya nito ay nasa likod.Ngayon ay kaswal na pang maharlika lamang ang suot nito.

Napatingin din ang mga tao sa prinsipe dahil sa hindi nila aakalain na ang isang maharlika ay maglalakad sa kalye.Habang ang mga babae ang kinikilig at may mga tumitili din dahil sa taglay ng prinsipe na kagwapuhan at kakisigan pero hindi padin naka takas si Fei sa mga mapanghusgang mga mata dahil marahil iniisip nilang nilalandi nito ang prinsipe upang makaangat sa estado ng pamumuhay.

Biglang tumigil ang prinsipe sa paglalakad at lumingon kay Fei.

"May problema po ba,kamahalan?"takang tanong ni Fei

"Sabayan mo ako sa paglalakad"at bigla itong ngumiti sa dalaga

Para bang bigla nalang tumigil ang puso ni Fei sa pagtibok dahil sa nasilayan niyang pagngiti ng prinsipe..sa kauna-unahang pagkakataon.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ