章节-17

266 15 0
                                    


Featured Song:
Stone by Jacob Wang

Pagkatapos tumakbo ng dalawa habang hila hila siya ni Luhan ay tumigil ang mga ito sa hardin at buti nalang dahil walang katao-tao doon.Agad bumitaw si Luhan kaya naman binawi ni Fei ang kanyang kamay at napapikit nalang dahil sa hiya at sa nangyari kanina.Hindi niya tuloy alam ang kanyang sasabihin.

"Uhmm--"nagulat ang dalawa at nagkatinginan noong nagsabay silang magsalita

"Yung kanina,huwag mong mamasamain dahil ginawa ko lang iyon upang tulungan ang aking...i-ina"

"Ayos lang po kamahalan,maraming salamat na din po"

"Hindi inaakala na ang kapatid ko pala ang lalakeng iniiyakan mo nung mga araw na iyon"

Napatahimik nalang si Fei at hindi niya alam ang kanyang sasabihin.

"Hindi ko din inaakala eh"ngumiti ng mapait ang dalaga

"Bakit mo naisipang pumasok sa imperyl na harem(ang tawag sa grupo ng mga asawa ng emperador)gayung alam mo na ganito ka komplikado sa loob ng palasyong ito?"

"May iba akong dahilan,hindi po ito kagaya ng inaakala niyo na pumasok ako dito dahil sa pera at kapangyarihan at wala din akong intensyon makipaglaban sa pwestong yan"

Tumango nalang ang prinsipe at aalis na sana ngunit nagulat ito at napalingon dahil biglang hinawakan ng dalaga ang kanyang braso kaya naman agad itong inalis ni Fei noong napagtanto niya ang kanyang ginawa.

"P-pasensya na,ngunit may nais sana akong itanong"

"Ano yun?"

"Bakit ganun na lamang ang trato ni Yuan---ng emperador sa Inang Emperatris?"

Napangisi na lamang si Luhan bago sumagot"Iba ang tunay niyang ina,at ito ay ang dating emperatris na may ari ng templo kung saan ka luluhod ngayon"

Hindi na lamang nagsalita si Fei.Nagulat siya at nalungkot dahil sa dalawang nalaman nito,na iba ang tunay niyang ina at ang katotohanang papaluhudin siya nito ng walong oras sa harap ng templo.

"Ngunit kung gayun ay b-bakit iba padin ang turing niya sa Inang Emperatris?"

"Dahil ang aking ina ang huling kasa-kasama ng kanyang ina bago ito pumanaw.Kaya naman siya ang inakusahang naglason sa kanya,ngunit kahit na napatunayan ng hindi si ina ang gumawa ay iniisip niya padin na siya ang may gawa nito upang maagaw ang pwesto nito at mapasakama ni ina"

"Ang akala ko ay magkakapatid kayong tatlo sa Inang Emperatris"

"Iba din ang tunay na ina ng prinsesa"

"Isa din ba itong konsorte ng dating emperador?"

"Oo"

Nanatili lamang tahimik si Fei at nagulat noong biglang ginulo ni Luhan ang kanyang buhok.

"Teyka anong ginagawa mo"saway ni Fei

Tinignan lamang siya ni Luhan at ngumiti habang umiiling bago naglalakad paalis.

"Anong nangyari sa kanya at bigla bigla nalang siyang ngumingiti?"

Dumiretso na si Fei sa harap ng templo ng dating inang emperatris.Nagbigay muna siya ng respeto sa harapan ng altar nito bago lumuhod.Sobrang init at masyadong tirik ang araw ngayon dahil buwan ng Mayo.

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Onde histórias criam vida. Descubra agora