章节-33

217 9 1
                                    

"Kamahalan,parang awa niyo na tumayo na po kayo diyan"pagmamakaawa ng personal nitong tagapagsilbi

"H-hindi ako t-tatayo hangga't hindi ko nakikita si...ama"hinang hinang sambit ni Liye

"Kamahalan!!"gulat na sambit ng tagapagsilbi nito at nagsi-lapit silang lahat upang suriin ang emperatris

"Anong nangyayari dito?"kaagad na tumabi ang lahat noong narinig nilang nagsalita ang emperador at nagbigay galang

"Liye?Liye.."kaagad na hinawakan ni Yuan si Liye na walang malay at pilit itong ginigising at tinapik ng mahina ang pisngi nito

Bigla niya itong binuhat at ipinunta sa palasyo nito.Inayos niya ang kumot at unan nito.

"Tawagin niyo ang imperyal na doktor"utos ni Zian sa mga gwardiya at kaagad naman silang sumunod

"Nilalagnat siya,mukhang mataas ang temperatura niya"sambit ni Yuan habang nakahawak sa noo ni Liye upang suriin ito

Pagkarating ng mga imperyal na doktor ay nagbigay galang sila kay Yuan at tsaka na sinuri ng dalawang doktor ang emperatris.Pagkatapos ng limang minuto ay natapos na din sila.

"Ano ang nangyari sa emperatris?"

"M-mataas po ang l-lagnat ng emperatris"sagot ng doktor na sumuri kay Liye noon

Pinanood ni Yuan at ng tagapagsilbi ng emperatris na gamutin siya ng mga doktor.

"Umalis na kayong lahat,ako na ang bahala rito"utos ni Yuan at umupo sa upuan malapit kay Liye

Pumasok ang isang tagapagsilbi at iniabot ang isang bandeha(tray)ng mga pagkain ni Liye at noong aktong tatayo sana si Yuan upang kunin ito ay bigla siyang hinawakan ni Liye sa braso kaya naman napatingin si Yuan sa kanya.

"Huwag mo akong iiwan.."mahinang sambit nito

Ngumiti ito at tumango bago bumalik sa pagkakaupo ang binata at hinintay na lamang ang isang tagapagsilbi na ihanda ang isang pagkain ngunit noong iaabot na sana niya ang bandeha kay Yuan ay biglang nanginig ang mga kamay nito at natapon ang mga pagkain na nagdulot ng malakas na tunog.Kaagad na naalarma ang tagapagsilbi ni Liye at si Zian kaya naman pumasok sila sa silid ni Liye upang tignan ang nangyayari.

"Anong nangyari dito?"tanong ni Zian sa babaeng tagapagsilbi na nakahulog ng pagkain ni Liye

Nanginginig ito habang umiiyak at lumuhod na lamanng sa harapan ni Yuan habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.

"Ayos ka lang ba?"tanong ni Yuan kay Liye at tanging tango na lamang ang naisagot nito sa kanya

"Bilisan mo ang mga kalat at pagkatapos ay lumabas ka na din kaagad"sermon ng personal na tagapagsilbi ni Liye sa tagapagsilbing nakatapon ng pagkain

Paunti-unti niya itong pinulot noong tumingin si Yuan kay Zian kaya naman tumango si Zian dahil alam na niya ang ipinapahiwatig ng kaibigan.

Lumabas na silang lahat kaya naman naiwan ang dalawa"Kukuha na lamang ako ng bagong pagkain mo"

"Hindi pa ako gutom"dahan-dahang umupo si Liye at inalalayan siya ng binata na makasandal

Hinawakan ng emperatris ang isang kamay ni Yuan ng may mga nakikiusap na mga mata "Inosente ang aking a-ama..wala siyang kasalanan,may nangigipit kay ama kaya naman naipit siya sa sitwasyon ito,sana paniwalaan mo si ama"

Bumuntong hininga si Yuan "Alam ko Liye,ginagamit nila ang pagkakataong ito upang ipitin ang iyong ama sa sitwasyong ito at mapabagsak siya sa kinaroroonan niya ngayon"

"Kung gayon ay bakit hinayaan mo p-padin na magdusa si ama?"

"Para din ito sa kanyang kapakanan Liye,kung hindi ko ito ginawa ay maaaring gumawa ng apela upang pahirapan ang iyong ama sa kulungan sa pamamagitan ng latigo"

"Kung gayon ay naniniwala kang nadamay lamang siya?"tanong ni Liye na para bang nagkaroon ito ng pagasa

"Oo"ngumiti si Yuan upang pagaanin ang nararamdaman nito

Kahit na sa loob nito ay nalulungkot siya para sa emperatris dahil alam niyang wala itong kaalam-alam sa mga ginawa ng kanyang ama kaya naman napilitan na lamang si Yuan na magsinungaling dahil inaalala nito ang sitwasyon at sakit ng emperatris.

"Bitawan mo ako!"nakawala si Fei sa pagkakahalik sa kanya ni Luhan

Ngunit hindi nito inaasahan na bigla siya nitong pinuwersang tumayo at biglang itinulak sa kanyang kama at kaagad na pumatong kay Fei,aktong sasampalin na sana siya nito ngunit nahawakan ito ni Luhan at siniil ulit ito ng halik kahit na pilit sa pagpupumiglas si Fei.

Pero ilang sandali lamang ay biglang kumawala si Luhan at tumayo habang nakatalikod at biglang umalis kasama ang person nitong gwardiya na nasa labas ng palasyo ni Fei at nagbabantay.Sinilip ni Fei kung wala na ba ito sa labas at tsaka napaupo sa sahig habang yakap-yakap ang dalawa niyang mga tuhod habang umiiyak ng mahina.

Seryoso ang mukha ni Luhan at umupo na sa kanyang upuan sa kwarto kung saan madalas siyang mag-aral at magbasa.

"Nagugustuhan mo na din ba ang babae na iyon?"tanong ng kanyang gwardiya

Napahawak ito sa kanyang ulo bago bumuntong hininga at tumayo sa may binatan habang nakatanaw sa mga bituin.

"Hindi"

"Mawalang galang na kamahalan,ngunit bakit ganyan ang iyong reaksyon?"

"Hindi ako maaaring mahulog sa kanya.Kahit kailan ay hindi ito pwedeng mangyari"

"Ano ang balak mo kamahalan sa kanya?bakit ka gumagawa ng koneksyon sa inyong dalawa sa konsorte ng emperador?hindi ba't kapatid niya ang babaeng namatay noong gabing iyon?maaari siyang maging sagabal at gumawa ng problema"seryosong tanong ng kanyang gwardiya

Ilang minutong hindi sumagot si Luhan sa tanong na ito at sa halip ay nanatili pading nakatanaw sa kalangitan.

"Ang mga bituin.Kahit na anong pagnanais ang naisin mo upang makuha ang mga ito ay hindi mo parin sila mamukuha sa kahit na anong paraan"tumigil ito"Ginagamit ko lamang siya bilang pa-in laban sa emperador"

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon