章节-28

220 7 0
                                    

"Magaling ginoo,maaari mo na itong ibigay sa binibing ito"papuri ng lalake kay Luhan

Naglakad ito at kinuha ang parol na nakasabit at dahan-dahan itong iniabot kay Fei.Ngunit bago niya ito abutin ay tumingin muna siya kay Yuan na para bang nagseselos kaya naman nakaisip ng paraan si Fei upang bawian ito.Bigla siyang ngumiti at masayang kinuha ang parol mula sa prinsipe.

"Maraming salamat"ngumiti ito ng pagkatamis-tamis

Napangisi na lamang si Yuan at sumandal sa isang poste.

"Bakit ka naparito?"tanong nito kay Luhan

"Kailangan nating bumalik dahil may importante akong sasabihin"nagseryoso na ito

Umayos ng tayo si Fei at pinagpagan ang kanyang damit bago naglakad paalis ngunit lumingon ito kay Fei.

"Susunduin ka ni Zian mamaya,at oo nga pala,paki-kuha na din ang damit na ipinatahi ko para kay Jia"ngumisi ito bago umalis kasama si Luhan

"Tsh"sambit niya na lang at naglakad na patalikod

Naglibot-libot lamang ito habang tumitingin sa mga paninda at habang nakangiting hawak-hawak ang kanyang parol.Noong may nasumpungan siyang isang ipit na pambabae.Kulay dilaw ito at may isang bulaklak na medyo malaki sa taas nito at may mga nakasabit na mga iba pang disenyo nito na nagpaganda rito.

Napatingin na lamang siya sa lalakeng kumuha nito at bumili nito bago ito iabot sa kanya.

"Z-zian?teyka b-bakit mo.."

"Isipin mo nalang na regalo ko ito sayo bilang konsorte ng kamahalan na aking pinagsisilbihan"ngiti nito

Paunti-unting tumango si Fei hanggang sa ngumiti na din ito pabalik.Habang naglalakad ay pilit niyang inilalagay ang ipit sa kanyang buhok ngunit hindi niya mailagay.

"Ako na po ang maglalagay"iniabot ni Fei ang ipit kay Zian

Maingat niya itong inilagay kay Fei at ngumiti ng tipid noong nailagay na ito.

"Salamat"sambit ni Fei

Nagpatuloy ang dalawa sa paglalakad noong nagtaka si Zian kung bakit ibang daanan ang tinatahak nila ni Fei.

"Saan tayo pupunta?"

"Samahan mo akong manood ng mga paputok ngayong gabi"

Nakahanap sila ng isang bubong noong aktong aakyat dito si Fei ay bigla siyang pinigilan ni Zian "Teyka,isa kang konsorte ng kamahalan at--"

"Ano ka ba,ngayon lang ako lalabas ng palasyo kaya naman dapat lubos-lubosin ko na diba?"tumatawang sambit niya at umakyat na ng bubong at umupo rito

Wala ng nagawa si Zian kundi ang umupo sa tabi nito at tanawin din ang langit habang dinadama ang simoy hangin ngayong gabi.

"Naaalala mo pa ba yung unang beses kong nakilala ang kamahalan?"

"Noong pinagkamalan mo ba siyang isang manyakis?"biglang natawa ang dalawa dahil sa naalala nila noong araw na iyon

Napabuntong-hininga na lamang si Fei"Papaano ka napunta sa tabi ng emperador?"

Umayos muna ito ng upo bago sumagot habang nakatanaw sa kalangitan na punong-puno ng mga bituin"Isa lamang akong hamak na ika-limang ranggong gwardiya na nagbabantay sa tarangkahan ng palasyo noong isang araw ay nagkaroon ako ng isang araw na pahinga,napagdesisyonan kong magtungo ng gabi sa bahay-aliwan at hindi ko inaakalang may lalapit na isang lalake at makikisalo sakin sa paginom ng alak,kahit na hindi kami magkakilala ay nagkasundo naman kami lalo na sa mga kwentuhan tungkol sa buhay,at hindi ko pa alam na ang lalakeng iyon ay ang emperador dahil ang makita at makausap ang emperador ng bansang ito ay isa ng napakalaking karangalan habang buhay.Nagkita kami sa salo-salo noong bagong upo palang ang emperatris at doon niya rin ako nakilala hanggang sa itinaas niya ang ranggo ko sa ikalawa at ngayon ay unang ranggong gwardiya"

Nakangiti lamang si Fei habang nakikinig sa kwento ni Zian.At masata din siya sa nalaman na isa ring mabait na tao si Yuan kahit na minsan ay para bang iba itong tao sa harapan niya.

"Tignan mo ang ganda!"biglang tumayo si Fei at itinuro ang paputok sa langit na makukulay

Tumayo din si Zian at tinignan ang langit habang nakangiti.

"Oo nga,ang ganda"hanggang sa unti-unti niyang tinignan si Fei na abala sa panonood

Pero kaagad din itong napaiwas ng tingin noong tinignan siya ni Fei.Nagpanggap lamang ito na nanonood sa tabi niya.

"Hindi niyo ba ginagawa ng maayos ang mga trabaho niyo!"galit na sambit ni Yuan sa harapan ng dalawang ministro habang nakayuko sa harapan niya"Itinalaga ko sainyo ang sangkapat(1/4) ng hukbo ngunit ano ang ginagawa niyo at papaano kayo natalo ng dalawang daang mga sundalo lamang ng kaharian ng Qitan kumpara sa apat na daan nating mga sundalo?!"

"Kamahalan,huminahon po kayo"pagpapatahan ng kanyang yunuk kaya naman napahawak na lamang si Yuan sa kanyang ulo at umupo

"Nagtalaga kayo ng dalawang ikalawang ranggong heneral ngunit ano ang kanilang ginawa?sinamsam nila ang pera na dapat ay pambili ng mga armas at hindi pa sila nakakabuo ng plano kung papaano talunin ang hukbo ng Qitan"seryosong sambit din ni Luhan at ibinato sa sahig ang usang dokumento na naglalaman ng ebidensya

"At ikaw,ikaw ang pinagkatiwalaan ko dahil ikaw ang ama ng aking asawa ngunit ano ang ginagawa mo?nangungurakot ka ng pondo na dapat ay para sa mga sundalo natin at sa tingin mo ba hindi ko alam ang ginagawa mong pagsuhol sa mga gwardiyang nagroronda sa plaza upang dagdagan ang mga bayad ng mga nagtitinda sa kalsada upang dagdagan ang kanilang buwis upang may makamkam ka?!"

Biglang lumuhod ang pangatlong ministro at paulit-ulit na humingi ng tawad sa emperador.

"Kamahalan,lubos ko pong pinagsisisihan ang aking mga ginawa.Patawarin niyo po ako!"

"Dinggin niyo ang aking utos,ikukulong ang pangatlong ministro at huwag siyang bigyan ng pagkain sa loob ng tatlong araw!"

"Kamahalan maawa kayo sakin!"pagsusumamo ng ministro habang kinakaladkad ng mga gwardiya palabas

Napahawak na lamang si Yuan sa kanyang ulo dahil sumasakit ito.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now