章节-8

353 23 1
                                    

"Ate baka masunog na yung niluluto mo dahil sa kakatitig kay Yuan"

"Bakit?nagseselos ka ba?"mapanuksong tanong ng kanyang kapatid habang si Yuan ay pangisi-ngisi lamang sa tabi

"A-ano?!h-hindi noh,bat naman ako magseselos"

"Sus,pasimple ka pa"agad na tumakbo papunta sa kusina ang kanyang kapatid na tumatawa upang tignan ang nalulutong pagkain

Pagkaalis ng kanyang kapatid ay agad na humarap si Fei kay Yuan na nakatingin sa kanya habang nakangiti ng matamis.

"A-ano bang nginingiti nginit mo diyan?!"

"Bakit?may masama ba sa pag ngiti ng matamis ?"

Napatayo nalang si Fei at tumalikod dahil hindi na talaga niya mapigilan ang kiligin kaya napakagat nalang siya sa kanyang labi.

"Kinikilig ka na naman diyan eh"

"Ano?!"agad siyang lumingon at akmang hahampasin na ang binata ngunit biglang dumating ang kanyang ate

Inilapag niya sa lamesa ang dalawang mangkok ng sopas at dalawang baso ng tubig.

Agad na umupo ang binata at sumubo kaagad na para bang sarap na sarap siya.

"Masarap pala magluto ang iyong kapatid"

"Aba syempre,kaya naman mahal na mahal ko itong kapatid ko na ito"pagmamayabang ni Fei

Napatawa nalang ng mahina ang kanyang kapatid at inayos ang buhok ni Fei sabay umupo sa harapan ng dalawa at tinitigan sila habang nakangiti.

"Buti nalang at tama ang medesina na binili ko sa botika at mukhang medyo malakas na ang iyong " kapatid"sambit ni Yuan noong unti-unti siyang napatigil sa pagkain at napatingin sa dalawang magkapatid na nakakunot ang noo maslalo na si Fei

"Anong ibig mong sabihn?anong medesina?"takang tanong ng kapatid ni Fei habang palipat-lipat ang tingin sa dalawa

"Ahhh a-ano kasi..."napakamot nalang ang binata sa kanyang batok "nakita ko kasi si Fei sa labas ng bahay-aliwan noong nakaraang araw habang nakaluhod at umiiyak sa harap ng--"

"Teyka Yuan h-hindi ako ang nakita mo doon,ibang---"agad napatayo si Fei sa kaba at pinigilan ang binata sa pag ungkat ng nangyari

"Hindi,sigurado akong ikaw yun"inosenteng sagot ni Yuan na parang bata

"Anong ibig sabihin nito?Fei?"biglang nagseryoso ang tono ng pananalita ng kanyang ate kaya naman alam niya na galit ito

Napatahimik nalang ang binata dahil napagtanto niyang may nasabi siyang hindi dapat sabihin.

"Yuan,ituloy mo"seryoso at maowtoridad na sambit ng kanyang ate

"Na n-nakaluhod sa isang matandang babae at nagmakaawa dahil wala nang...pambili ng gamot ng ang kanyang kapatid"

Napatahimik ang lahat ng ilang segundo.

"Yuan,maraming salamat sa pagbisita saamin ngayon,pero pasensya ka na dahil kailangan ko munang kausapin ang aking kapatid ng prinado sana ay maintindihan mo"

"Ayos lang"

Bago umalis ang binata ay ngumiti siya ng kaswal kay Fei at kumaway bago lumabas ng kanilang bahay.

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now