章节-7

364 25 2
                                    


Featured Song:
Always by Yoon Mirae

Pigil hiningang nakamasid si Fei sa maliit na butas ng bintana sa abandonadong bahay sa gitna ng kakahuyan kung nasaan sila ngayon.

"Aaah!"napalingon si Fei noong narinig niya ang daing ng prinsipe

Pinilit na tinanggal niya ang kahoy na tumama sa kanyang likod gawa ng pag-pana sa kanya kanina.Agad na lumapit sa kanya si Fei dahil sa pagaalala.

"A-ayos ka lang po ba,kamahalan?"

"Wala ito"seryosong sagot niya na para bang nakagat lamang siya ng isang langgam

Ngunit hindi agad naniwala sa kanya ang dalaga.Kaya naman agad siyang pumunit ng parte ng tela sa kanyang damit.

"Anong ginagawa mo?"seryosong tanong ng prinsipe habang naka tingin sa dalaga

Ngunit hindi sumagot si Fei at sa halip ay ibinigay ang tela sa prinsipe.

"Ibalot mo ito sa parte kung saan ka nasugatan"

Tinignan lamang ito ng prinsipe ng saglit "Hindi na,ayos lang ako"

"Nais mo bang pumatay ng tao kamahalan?"

Napakunot ito ng noo dahil sa sinabi ng dalaga.Hindi niya aakalaing makakapagsabi siya ng mga ganung bagay sa harap ng isang prinsipe.

"Alam mo ba ang parusang maaari mong kaharapin?"walang emosyong tanong din niya pabalik sa dalaga

"At ang mas malala ay baka mapugutan po ako ng ulo.Kaya naman mas maigi kung ibabalot niyo ang telang ito sa mga sugat niyo.Dahil ano nalang ang iisipin nila saakin?na pinabayaan ko ang prinsipe na siyang nagligtas sakin?"at tsaka niya ulit iniabot ang kapiraso ng tela

Wala ng ibang nagawa ang prinsipe kundi ang tanggapin ang tela at ibalot ito sa kanyang likod.

Halos tatlumpu't minuto na silang nakatago sa gitna ng kakahuyan.Masyadong tahimik at tanging ang kumpas lamang ng hangin sa mga puno at ang mga ibon sa gabi ang maririnig mo.

"Huwag..."napatingin si Fei sa prinsipe noong nagsalita ito

Ngunit tulog na pala ito.Kaya naman naisip ni Fei na baka nananaginip lamang ito kaya pinabayaan niya nalang.

"Huwag!!"

Nagulat si Fei sa biglang pagsigaw ng prinsipe kaya naman agad siyang lumapit dito at mahinang tinapik ito sa mukha noong biglang nagising ang prinsipe at hinawakan ng mahigpit ang kanyang braso.

"G-gising ka na,kamahalan"

"Anong ginagawa mo?"seryosong tanong nito at nakatingin ng diretso sa kanyang mga mata

"Nananaginip ka kaya---a-aray"bigla niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ng dalaga

Pinilit itong tanggalin ni Fei ngunit sadyang malakas ang prinsipe "Nasasaktan ako,kamahalan"

Agad niya itong binitawan noong natauhan siya at napaayos ng upo.

"Maghahanap na lamang ako ng tulong--"

"Nais mo bang mapaslang?"tinignan siya ng prinsipe na para bang sanay na sanay na siya sa mga ganitong pangyayari

Napaupo nalang ulit siya sa dati niyang pwesto at napayakap sa dalawa niyang mga tuhod.

"Maraming salamat nga po pala kanina sa pagligtas sakin"pagpapasalamat ni Fei bago tinignan ang prinsipe

Ngunit hindi ito sumagot at sa halip ay pumikit na lamang.Hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

Naramdaman nalang niya ang sikat ng araw na tumatama sa kanyang mga mata kaya naman agad siyang nagising at inilibot ang kanyang paningin.

Nasaan ang prinsipe?tanong niya sa kanyang isipan.Agad siyang lumabas ngunit walang katao-tao sa labas.

"Marahil ay naka-uwi na siya sa palasyo"

Pinagpagan ni Fei ang kanyang bistida bago napagpasyahang umuwi na din dahil baka hinahanap na siya ng kanyang kapatid.

Pagkauwi niya at kakatok na sana siya sa kanilang pintuan ngunit bigla itong bumukas at bumungad sa kanya ang kanyang kapatid.

"Nasaan ka nanggaling?!"nagulat siya dahil sa biglaang pagtaas ng boses nito sa kauna-unahang pagkakataon

"Ate--"

"Nasaan ka nanggaling Fei?hindi mo ba alam kung gaano mo ako pinagalala?!"

"Pasensya na po ate,hindi ko po sinasadya"nakayukong pag hingi nito ng paumanhin

"Fei naman!"napaiyak nalang ang kanyang ate

Unti unti nalang din lumabas ang mga luha sa kanyang mga mata at biglang niyakap ang kapatid.

"Pasensya na po ate,hindi ko po sinasadya.Pangako,hindi ko na po uulitin"

Hindi matiis ng kanyang nakakatandang kapatid si Fei kaya naman agad din niya itong niyakap ng mahigpit.

"Huwag na huwag mo na ulit uulitin ang ginawa mo"

"Opo,pangako"

Pagkatapos siyang paghandaan ng umagahan ng kanyang kapatid ay napagpasyahan niyang huwag munang pumasok sa trabaho.

Buong araw siyang nakahiga sa kanyang kama habang nakatulala at nakatitig sa kisame.Pinilit niyang matulog ubang bawiin ang tulog niya kagabi ngunit hindi talaga siya makatulog kahit na anong gawin niya.

Pinili nalang niyang lumabas ubang lumanghap ng sariwang hangin.Umupo ulit siya sa baba ng punong paborito niyang pagtambayan.

"Fei.."pero nagulat siya at biglang napalingon noong may malamig na hininga sa kanyang leeg

Napatayo siya sa gulat noong nakita niya si Yuan habang tumatawa.

"Siguro ay ganyan ang iyong reaksyon kapag nakakita ka ng isang multo"patuloy padin ang binata sa paghalakhak

"Aba at masaya ka pa?"naka pameywang na tanong ni Fei

"Pwede na din"

"Ikaw!!"inis na hinabol ni Fei ang si Yuan habang tumatakbo ito

Tumatawa lamang ang binata habang hinahabol siya ni Fei dahil sa inis noong biglang nadapa si Yuan dahil sa batong naka-harang sa daanan kaya naman laking gulat nilang dalawa noong hindi naka preno si Fei kaya nadapa din siya harap ng binata.

Gulat na tinignan ni Fei si Yuan at ganun din ang binata dahil sa posisyon nila ngayon.

"Aba at ito pala ang dahilan kung bakit araw-araw nakangiti si Fei tuwing uuwi siya"napatingin ang dalawa sa kanyang ate na nakasandal sa pintuan habang mapanuksong nakangiti

Agad na tumayo si Fei dahil sa gulat at maging si Yuan.

"Ate...mali ang inaakala mo!"pilit na tanggi ni Fei habang sumesenyas pa gamit ang dalawa niyang kamay

"Teyka,tama po ba ang aking narinig?ngumingiti tuwing gabi?"nakangising tinignan ni Yuan ang dalaga na lumunok dahil sa hiya

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Where stories live. Discover now