章节-16

269 13 0
                                    

"Maayos ba ang pakikitungo sayo ng mga tagapagsilbi dito?ang narinig ko ay ang Inang Emperatris daw ang nagpasok sayo dito sa palasyo"

"Maayos naman po kamahalan,maraming salamat po sa pagtatanong"ngayon ay naglalakad ang dalawa sa labas ng palasyo ni Fei

Kahit na gabi ay nais padin ng dalawa na makalanghap ng sariwang hangin sa labas.Napatigil na lamang ang emperatris sa paglalakad at napatingin sa mga bituin na nasa langit.

"Alam ko na magkakilala kayo ng emperador"nagulat si Fei sa sinabi ng emperatris kaya naman tinignan niya ito ngunit nanatili pading nakatingin ang emperatris sa mga bituin

"P-papaano niyo po nalaman?"

"Alam ko ang nararamdaman mo Fei,dahil yan din ang naramdaman ko noong naging konsorte si Binibining Jia"

Hindi makapaniwala si Fei sa kanyang narinig.Hindi din niya inaasahan na dalawa pang babae ang nagmamahal sa lalakemg sinisinta niya ngayon,nais niyang maging makasarili ngunit ngayon ay hindi niya ito magawa noong narinig niya ang saloobin ng emperatris.

"Pasensya ka na"napatawa ang emperatris ng mahina"Hindi ko alam pero ang komportable ko sayo,kahit na kakapasok mo palang sa palasyo ngayon ay pakiramdam ko may pagsasabihan na ako ng mga problema ko"

"Ayos lang po"

Sa pagkakataong ito ay hindi inaakala ni Fei na makakatagpo siya ng isang tao na magiging kasama sa loob ng malawak na palasyong ito.

Agad inalalayan ni Fei ang emperatris noong bigla itong napahawak sa isang poste at nahilo ng kaunti habang umuubo at nakatakip ang isang panyo sa bibig nito.

"Kamahalan,mas mabuti siguro kung pumasok muna tayo sa loob"

Gulat ang dalawa noong bigla nilang nakita ang dugo sa panyo na inubuan ng emperatris kaya naman agad lumapit si Mingyu at ang perosal na tagapagsilbi ng emperatris na nasa gilid.

"Tumawag kayo ng doktor ngayon na!"nagaalalang utos ng personal na tagapagsilbi ng emperatris kaya naman agad silang nagtawag

Nasa palasyo si Fei ng emperatris at binabantayan ito habang sinusuri ng imperyal na doktor ang pulso ng reyna.

"Kumusta po ang kamahalan?"agad na tanong ni Fei

Tumayo ang doktor at nagbigay galang kay Fei bago nagsalita.

"Ikinakukungkot kong ibalita ngunit lumalala na ang sakit ng kamahalan sa kanyang baga.Kumalat na ang kanyang sakit sa kanyang dayapram(Diaphragm o Dayapram-bahagi ng baga/lungs)"

Hindi inaasahan ni Fei na ganito na pala ang kalala ang sakit ng emperatris kahit na nagmumukha padin itong malakas at maayos ang kanyang kalagayan.

"Iwan niyo muna kami ni Konsorte Ling"

Sumunod ang lahat sa utos ng emperatris.Hanggang sa natira na lamang sa loob ng malawak na silid ang dalawa.

"Fei,kung maaari sana ay huwag mo na itong banggitin sa kamahalan,ayokong dumagdag sa mga alalahanin niya,alam kong madami pa siyang kailangan at dapat asikasuhin bilang isang emperador"

"Huwag kayong magalala kamahalan,hindi ko po ito babanggitin sa emperador"lumapit si Fei at umupo sa tabi niya

"Pangako"ngiti niya sa harapan ng reyna

Napangiti nalang ang dalawa sa isa't isa dahil nakaramdam sila na para bang magkapatid sila kahit na hindi sila magkadugo.

Tinanghali na ng gising si Fei dahil sa napuyat ito sa pagbantay sa emperatris kagabi hanggang madaling araw dahil ayaw niya itong iwanan kahit na sinusuway na siya ng emperatris na matulog na at umuwi sa palasyo nito.

"Fei,gising na dadalaw ka pa sa Inang Emperatris"

Bumangon na si Fei at inalalayan naman ito ni Mingyu na makapaghanda at makapagayos na.

Pagpunta nila doon ay nagulat si Fei dahil magisa na lamang niya na wala doon dahil lahat ay nandoon.

"Malugod na pagbati saiyo,Inang Emperatris"lumapit si Fei at Mingyu dito upang magbigay galang

"Tumayo na kayo"nakangiting sambit nito sa dalawa

"Pasensya na po at nahuli po ako ngayon,nakalimutan ko po na tuwing umaga ng ika tatlo at tatlumpong araw tuwing buwan ay dadalaw po kami ditong lahat upang magbigay galang"

"Ayos lang,alam ko naman na bago ka lang at hindi ka pa masyadong maalam sa mga regulasyon at alituntunin dito sa loob ng palasyo"

"Maraming salamat po--"hindi na naituloy ni Fei ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Yuan

"Kung gayon ay hindi kayo patas"

Nagulat ang lahat sa sinabing ito ng emperador.Napatingin ang lahat sa kanya na seryoso lamang nakaupo sa tabi ng Inang Emperatris at ang emperatris naman ay nasa tabi niya na gulat din sa sinabi ni Yuan.

"Kuya"seryosong sambit ni Luhan na para bang sinasaway niya ito sa pagsagot niya sa ina nito

"Bakit?hindi ba't nangyari din ito sa emperatris noon?"sarkastikong sambit ni Yuan

"Kamahalan,iba ang sitwasyon ko kay Fei dahil bago pa lamang siya kaya sana ay palagpasin--"

"At si Konsorte Yang?hindi ba't aksidente lamang siyang pumasok sa tanggapan ng mga ministro ay pinarusahan niyo na siya kaagad?"diretsong tumingin si Yuan sa Inang Emperatris"Hindi ba?ina?"

Diniinan niya ang salitang 'ina' kaya naman nagtaka si Fei kung ano bang naging alitan ng magina at ganito na lamang ang trato sa kanya ni Yuan.

Tumayo si Luhan kaya naman nabaling ang tingin sa kanya ng lahat.

"Kamahalan,konsorte mo si Konsorte Ling,hahayaan mo bang maparusahan siya?"para bang hindi makapaniwala si Fei dahil sa nakikita niya at narinig niya ngayong pagtatanggol ng prinsipe sa kanya

"Hindi ko kailanman naging konsorte ang isang babae na nagpapagamit sa pera at nagpapabulag sa kayamanan upang umangat lamang ang kanyang antas ng pamumuhay"sarkastiko itong natawa

"Yuan!"nagulat ang lahat sa biglang pagtayo ng Inang Emperatris at pagtaas ng boses nito

Agad lumapit ang prinsesa at ang emperatris tsaka naman sumunod si Fei upang patahanin ito sa kanyang galit.Habang si Jia ay lumapit sa emperador upang suyuin itong tumigil na.

"Isulat niyo ang aking kautusan.Luluhod si Konsorte Ling sa harapan ng templo ng Dating Inang Emperatris ng walong oras upang magnilay siya sa mga kasalanan niya"seryosong seryosng sambit ni Yuan habang binabanggit ang mga utos nito at diniinan pa ang mga salitang dating inang emperatris na para bang nagpaparinig ito sa inang emperatris

Nagulat ang lahat noong bigla nalang hinila ni Luhan si Fei paalis sa loob ng palasyo ng Inang Emperatris habang lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa.

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon