章节-21

260 18 1
                                    


Featured Song:
Never Would've Though Of by F4

Napatingin na lamang ang lahat sa pagdating ni Yuan at Fei habang hila-hila ni Yuan.Agad naman napagtanto ni Yuan na nakatingin ang lahat sa kamay nilang dalawa kaya naman agad itong bumitaw at si Fei ay napayuko na lamang dahil sa hiya,hindi din niya alam kung bakit nagtipon silang lahat dito sa imperyal na hardin.Nandito ang enperatris,ang prinsesa,si Luhan,si Zian at ang kakarating lang din na si Jia.

"Bakit nandito kayong lahat?"takang tanong ni Fei at pinagmasdan silang lahat isa-isa

Ngumiti si Liye bago sumagot "Si lanlan kasi,nais niyang magpalaro ngayon dahil nakagisnan na ito tuwing malapit ang pista ng dragon (dragon festival )"

Napatango nalang si Fei noong kaagad na lumapit sakanya si Lanlan at kumapit sa braso niya kaya naman gulat silang napatingin sa dalawa dahil nagtataka sila kung papaano naging malapit ang dalawa.

"Upang maging patas ay ang aking personal na tagapagsilbi ang magsasabi ng magkapares sa pamamagitan ng raffle"

"Hindi ako sasali"sambit ni Yuan at tumalikod na at maglalakad na sana paalis

"Sali ako"inosenteng sambit ni Zian kaya naman napalingon si Yuan at pinandilatan ang kaibigan

Itinaas na lamang nito ang kanyang mga balikat na para bang wala itong alam sa ibig sabihin ni Yuan.Napahawak na lamang si Yuan sa kanyang noo dahil ayaw niyang si Zian lamang ang makalabas ng palasyo kapag siya ay nanalo dahil hindi ito patas para sa kanya,dapat pati siya ay makalabas din kahit na emperador siya dahil sa kadahilanang madaming nakaatas na gawain sa korte.

"Ilagay mo na din ang aking pangalan"para bang batang pinilit na nagsalita na lamang si Yuan habang ang kaibigan na si Zian ay nakangisi lamang

"At anong mga laro ang nais mong ipalaro?pakiusap Lanlan huwag yung pambata tumanda ka naman"napatawa nalang ang lahat dahil sa sinabi ni Luhan sapagkat naalala pa niya ang laro noong nakaraang taon na kung saan ay puro pambata ang mga ipinalaro ng prinsesa

"Huwag kang magalala kuya,ibang klaseng laro ito"bigla namang tumabi sa kanya ang nakababatang kapatid at kumapit sa braso nito

"Yung kamay mo nga"iritadong sambit nito ngunit mas hinigpitan pa ng prinsesa ang pagkapit kay Luhan upang mas mairita ito habang siya ay tumatawa lamang

"Ganito,may tatlo tayong laro ngayon at bawat laro ay magkakaroon kayo ng chansa na magkaroon ng iba't ibang kapares"

"At ano ang unang laro?"napalingon ang lahat sa babaeng nagsalita

Kaagad na lumapit si Jia kay Ming-na at niyakap ang kaibigan at niyakap naman niya ito pabalik.Naglakad ito papalapit at nagbigay galang.

"Malugod na pagbati sainyo,kamahalan,mahal na prinsipe,emperatris,mahal na prinsesa,at Konsorte Ling"

Tumingin siya kay Fei at nginitian at maging si Fei dahil hindi niya inaakala na makikita niya dito ang babae na kanyang tinulungan noon mula sa isang magnanakaw.

"Magkakilala kayo?"takang tanong ni Jia

"Oo,tinulungan niya ako noong may nagtangkang nakawan ako ng isang napaka-halagang bagay mula kay ina,mabuti nalang at nandoon si konsorte Ling"

"Kahanga-hanga"papuri ni Luhan

Agad naman siyang tinignan ni Yuan na para bang nainibugho ito.Pero pinilit padin niyang maging seryoso upang di mahalata.

"Ang unang laro natin ay magaganap sa lawa.Ang unang laro ay magpaputang tayo ng mga papel na bangka at kung sinong pares ang hindi masisira ang bangka at ang mauuna ang siyang panalo sa unang laro"

"Seryoso ka ba na paglalaruin mo ang isang emperador ng ganyang laro?"napapagpag na lamang si Yuan sa kanyang damit kaya naman napailing na lamang si Fei

"Isang beses lang naman kuya e"pagmamakaawa ni Lanlan

"Sige na kamahalan,pagbigyan mo na ang prinsesa"nakangiting sambit ng emperatris kaya naman sa hulu ay napapayag din si Yuan

"Sa unang laro,ang magkakapares ay ang emperador at si konsorte Yang,ang prinsesa at ang prinsipe,ang unang ranggong gwardiya(si Zian) at si konsorte Fei,at ang huling pares ay ang emperatris at si binibining Ming-na"anunsyo ng personal na tagapagsilbi ng prinsesa

Nagsimula ng magpalutang ang apat na pares sa lawa ng kani-kanilang mga papel na bangka.Napasigaw na lamang si Lanlan noong nanguna ang kanilang papel na bangka ng prinsipe noong agad siyang nainis dahil nabangga ng papel na bangka nila Yuan at Jia ang kanila kaya naman lumubog ito.Napasinghap na lamang si Luhan at pinagkrus ang kanyang nga kamay habang nakangisi.

Habang ang bangka naman ng emperatris at ni Ming-na ay hindi umusad kaya naman napa-talon na lamang si Fei at masayang napasigaw noong sumabay ang kanilang bangka ni Zian kela Jia at Yuan.

"Kay konsorte Fei ako!wooooh sige bilisan mo!"sigaw ni Lanlan dahil ang tunay niyang nais ay inisin si Jia

"Kaya niyo yan Fei"nakangiti ding sambit ni Liye

Noong bigla nalang binangga ng bangka nila Jia ang bangka nila Fei kaya naman napabagsak ito ng balikat.

Masayang niyakap ni Jia ang emperador sa harapan nilang lahat.Biglang nagbago ang ekspresyon ng emperatris at ni Fei kaya naman kaagad itong tumalikod at ngumiti na lamang pilit habang nasasaktan.

"Ayos ka lang,binibining Fei?"

Nagulat na lamang si Fei at napatingin kay Zian dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinansin siya nito.Kung titignan ay may itsura din ito,matikas ang pangagatawan,moreno at matangos.

"Ayos lang"ngumiti ito at tsaka na ibinalik ang paningin sa mga bangka

"Pangalawang laro,ay ang pagsagot ng mga bugtong"sambit ni Lanlan

"Ang magkakapares sa pangalawang laro ay ang prinsipe at si konsorte..Ling"

"Ano?hindi maaari!---"kaagad na tumigil si Yuan sa pagsasalita dahil nabaling sa kanya ang tingin ng lahat

#A_Flower_In_The_Palace
#precxxious

A Flower in the Palace (Ang Unang Serye)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant